Chapter 52 Abby's Debut

73 2 0
                                    

CHAPTER 52 💕 Abby's Debut

"Wow Abby! Ang engrande ng party ah. Ganda!",sabi ni Ingrid.

Ngumiti ako sa repleksyon ko sa salamin.

"Ang ganda-ganda mo Abby.",sabi ni Chloe. Napangisi naman ako.

"Alam ko girl.",sabi ko.

Binatukan nya ako.

"Ano ba?! Magugulo yung kulot ko eh!",sabi ko. Pinagtawanan lang nila ako ni Ingrid.

"Abby, start na tayo.",sabi ni ate Carla na kakapasok lang.

Napangiti ako at tumango.

"Sige na dun na kami sa labas. See yah sa grand entrance.",sabi nung dalawang bruha at nagdirr-diretso na palabas.

Huminga ako nang malalim bago tumayo. Tinignan kong muli ang sarili ko sa soot kong silver na gown. Tube sya na may mga glitters pababa. May black na belt din ito na nagpakita sa shape ng katawan ko. Hindi kasi paballoon yung gown. Night gown lang sya na nakalapat sa sahig noong isinuot ko.

"You look stunning Abbielyn.",sabi ni Ms. Carla habang naglalakad kami papunta sa entrance. Dito ginaganap ang birthday ko sa bahay namin. Malaki naman kasi yung garden kaya doon na tinipon lahat ng bisita.

"Thank you po.",sabi ko.

"Brylen is very excited to see you. Kanina ka pa nya hinahanap.",sabi nya na nakapagpatindig ng balahibo ko.

Hindi na ako nakapagsalita. Pinapwesto na ako doon sa double glass doors papasok sa garden namin. Nakita ko na kaagad ang mga tao na umattend. Ang dami pala nila. Pero ang venue...wow. Just wow. Bahay ba talaga namin to? Garden namin? Shh!

This is it Abby.

"Ladies and gentlemen, our very beautiful débutante, Ms. Abbielyn Conell."

Binuksan yung double door. At kasabay nung sweet music na pinapatugtog sa paligid, naglakad ako sa red carpet. Nagpalakpakan ang lahat.

Ngumingiti ako sa mga taong nadadaanan kong bumabati at pumupuri sakin. Puro flash ng camera sa paligid.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa dulo ng carpet, nakita ko rin nang malapitan sa wakas ang malaartistahin kong boyfriend na gwapong-gwapo sa suit nyang color black. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kasi nakatulala lang sya sakin.

"Hi.",mahina kong bati.

Napakurap pa sya nang ilang beses bago matauhan. Hindi ko napigilang mapatawa.

"Happy birthday babe. You look perfect..",sabi nya na agad kinuha ang kamay ko at hinalikan yun, dahilan para biglang maghiyawan sa paligid. Inilagay nya yung kamay ko sa forearm nya at inilead na ako papunta doon sa uupuan namin sa may mini stage sa una. OMG. Hindi ko talaga lubos naimagine na ganito kalaki ang garden namin. Weird.

Habang naglalakad, ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa paligid at ang walang katapusang pagkuha ng litrato. Nang maiupo ako ni Bryan, naupo na din sya. Pero hindi nya binitawan yung kamay ko. Inintertwin pa nya yun.

"God. You look very beautiful.",sabi nya habang titig na titig sakin.

Napangiti ako kasabay ng malamang eh pagpula ng muka ko.

"Thank you.",sabi ko. "Ikaw din."

Sinimulan na ang program. May mga nagmessage sakin. Sobrang dami nila. Kasama na dun si kuya na pagkadaming ibinuko tungkol sa pagkatao ko. Pero sobra naman akong natouch nang sabihin nya yung "You will forever be my little princess Abbielyn Conell." Kaya ayun. Naiyak ako.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon