Chapter 20 Bryan's Proposal

81 2 0
                                    

CHAPTER 20 💕 Bryan's Proposal

"Kelan pa?",sabi nya bigla.

Napalingon ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?",sabi ko.

"Abby, I know you. Wag ka nang magsinungaling. Kelan mo pa gusto si Brylen?"

Ai jusmiyo! Kilala daw nya ako?! Grabe si kuya.

"Abby tinatanong kita."

"H-Hindi ko alam. Matagal-tagal na rin."

"Gaano katagal?"

"Eh! Kuya naman eh!"

"Gusto ko lang malaman.",sabi nya.

Napatingin ako sa gilid.

"Abby..."

"A-Anim na taon na mahigit."

Nagulat ako nang biglang mapaliko yung sasakyan.

"Kuya naman!"

Gusto ba talaga nya mamatay?

"Abby naman! Are you sure gusto pa rin yan?"

Natahimik ako bigla.

"What do you think?",halos pabulong ko nang tanong. Nilingon ako ni kuya. Tapos napabuntong-hininga sya.

"Huli na ba?",sabi nya habang diretsong nakatingin sa daan.

"Huli na para saan?"

"Para magmove on ka.",sabi nya.

"Ano? Kuya grabe ka naman! Malay mo naman mabago ang ihip ng hangin at magkagusto din sakin yun si Bryan! Wala kang bilib sa beauty ko!"

Kainis!

Hindi nagsalita si kuya. Napansin ko na, seryoso yung muka nya.

"Kuya bakit?",sabi ko.

"Abby, matagal ko nang kaibigan si Brylen. At nakita ko kung paano nya sinaktan lahat ng babae na naghabol at nagkagusto sa kanya. Wag kang magpadala. Trust me Abby, lalaki din ako, at kuya mo ako. Masasaktan ka lang. Kaya kung kaya mo pang baguhin yang feelings mo, baguhin mo na."

"Kuya ang lalim ah! Tsaka natouch ako, salamat sa concern!"

"Abbielyn I'm serious.",sabi nya.

Hindi ako nakapagsalita. Alam ko naman seryoso sya eh. Ayoko lang talaga paniwalaan at seryosohin yung mga sinabi nya.

"Kaya ko pa kaya?",sabi ko sa sarili.

"Sana Abby.",sabi ni kuya.

"Pero kuya malay mo naman nagbago na sya!"

Napabuntong-hininga si kuya. "Malay ko kung masaktan ka? Abby oo nakakayamot ka at madalas kang epal ka sakin. Pero kapatid pa rin kita. At dahil mabait ako at concern ako sayo, gusto kitang ilayo sa kahit na anong makakasakit sayo."

Okay na sana. Matatouch na ako. Kaso meron pang nakakayamot ako at madalas akong epal sa kanya eh.

"Kuya...kaya ko 'to. Gagraduate na tayo. Ayoko naman na mahiwalay sa kanya na wala manlang magandang memory."

"Yun lang ba talaga yung gusto mo o gusto mo gagraduate kang boyfriend mo sya?"

Natameme ako sa sinabi ni kuya. Ngayon napapatunayan ko na kilala nga talaga ako ng matandang 'to.

"Manahimik ka na nga. Tsismoso.",sagot ko.

"Bahala ka. Malaki ka na rin naman. Basta binalaan kita ah. Wag ka lang iiyak-iyak na lalapit sakin kapag nasaktan ka.",sabi nya.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon