Chapter 10 I love You

82 2 0
                                    

CHAPTER 10 💕 I Love You

"Hoy. Hoy."

Nagising ako sa pagyugyog sakin ng kung sino mang Poncio Pilato. Maka-hoy pa wagas.

"Wag kang istorbo.",ungot ko sabay tagilid ng higa at yakap sa unan.

"Shit."

Kaso bakit ganun? Ang tigas nung unan? Napamulat ako at tinignan kung ano yung yakap ko. Ai leche yung binti ni Bryan na may semento!

"Hala sorry!",sabi ko sabay layo dun.

"Nakitulog ka pa talaga eh noh?",sabi nya.

Napakunot ang noo ko. "Hala oo nga, sorry.",sabi ko. Naupo na ako at tinignan yung wrist watch ko. Pasado alas onse na. Hala hindi pa ako nananghalian.

Nagulat naman ako nang biglang kumulog at kumiglat ang tyan ko. Napapikit ako ng madiin.

"Dun tayo sa baba. Kanina pang nakaluto si ate Lena.",sabi nya.

Tumango lang ako at tumayo na. Pinanood ko sya habang dahan-dahan syang bumababa sa kama. Kaso mukang nahihirapan sya.

"Tulungan na kita.",sabi ko at mabilis na nilagay yung isa nyang braso sa balikat ko at inalalayan syang makatayo.

"Dapat lang dahil kasalanan mo 'to.",sabi nya.

"Kaya nga diba. Patawad na."

Kinuha ko yung saklay nya at inabot yun sa kanya. Isa lang naman yun dahil nakakalakad yung isa nyang paa.

"Lakad ka na.",sabi ko habang alalay pa din sya sa kabilang side ng paa.

"Kaya ko. Kaya bitaw na."

"Tss. Ang sungit sya na nga tinutulungan."

Tinanggal ko na yung braso nya sa balikat ko at hinayaan sya maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya sa likod.

"Ang bagal. Alam mo mas bibilis tayo kung magpapatulong ka."

"Shut up.",sabi nya. "Kung gutom ka na, mauna ka na."

"Ayoko. Edi naiwan ka? Eh kung gumulong ka pababa ng hagdan, aber?"

"Mag-abang ka sa paanan. Dun mo ako saluhin.",sabi nya.

Abnoramal din 'to eh noh?!

"Sira ulo.",sabi ko. "Mag-intay ka dyan, tatawagin ko si kuya Bryle."

Hindi na sya nagsalita. Nauna na akong naglakad at bumaba.

"Hi Abby.",nakangiting bati ni ate Lena. Ang sexy naman nya. Nakafit syang spaghetti strap at shorts. Naghahain na sya sa lamesa.

"Hello po. Si kuya Bryle po? Patulong lang po pababa si Bryan sa hagdan. Ayaw po sakin eh.",sabi ko.

"Ganun ba. Teka... Hubby! Si Brylen patulong sa pagbaba ng hagdan."

Maya-maya, pumasok si kuya Bryan galing sa kung saan kasunod nung kambal.

"Okay.",sabi ni kuya Bryle na agad na umakyat sa hagdan.

"Hi aunt Abby!",bati ni Bella. Nagulat pa ako nang bigla syang yumakap sa legs ko. Ang ganda nya.

"Hello Bella. Namiss kita.",sabi ko habang hinahaplos yung mganda nyang buhok.

"Ako din po.",sabi nya.

"Good day Ms. Abby.",sabi naman ni Brix.

"Good day Brix.",sabi ko naman.

"Baba Aunty Abby, hindi Miss.",sabi ni Bella.

"Diba Uncle Brylen said, hindi nya girlfriend si Ms. Abby? So she's not our aunt."

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now