Chapter 50 Seamus' Girl

79 2 0
                                    

CHAPTER 50 💕 Seamus' Girl

Abby's POV

"Abby, nasa baba na si Mrs. Enriquez. Baba ka na.",sabi ni Mommy habang kumakatok sa labas ng pinto ko.

Tumingin pa ako one last time sa salamin at inayos yung buhok ko. Pagkatapos ay tumakbo sa may pinto at binuksan yun.

Kinakabahan ako. Pero grabe naeexcite ako! Carla Enriquez yun eh! Bigatin.

"Ready na po ako My.",sabi ko.

"Talaga Abby. Dress na dress.",sabi ni Mommy pagkakita sakin.

"Syempre My. Tara na po.",sabi ko.

Sabay kaming bumaba ni Mommy.

Kararating ko lang galing school. At heto. Aasikasuhin na yung details ng debut ko. My gawd. So excited na me!

Pagbaba namin, nakita ko si Ms. Carla doon sa sala namin. Sa mismong sofa namin.

"Good afternoon po Ms. Carla.",bati ko.

Tumunghay sya mula doon sa mga tinitignan nya.

"Good afternoon Abby.",sabi nya.

Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko. Agad akong naupo sa tabi nya.

"OMG. Ang ganda-ganda nyo po. Pwede po paselfie?",sabi ko.

Bahagya syang napatawa.

"Sure.",sabi nya.

Agad ko namang itinaas yung phone ko. Tapos nakiselfie ako sa kanya. Hinawakan pa nya ako sa balikat.

"My sali ka!",sabi ko.

Sumali nga si Mommy. Tapos ayun. Nagpicture pa kami nang isa pa.

"Thanks Ms. Carla.",sabi ko.

"Nakakatuwa ka naman Abby. Well anyway, let's start? Para madami tayong magawa today.",sabi nya.

"Sige po, sige po.",atat kong sabi.

May mga iniabot syang folder na iba pa doon sa nauna kong natanggap. Pero honestly, hindi pa ako nakapili. Eh paano ba naman, gusto ko lahat!

Unang ginawa namin, tinanong ako tungkol sa mga favorites ko. Tapos sunod nun, pumili na kami ng theme. At ang napili kong theme, yung elegance. Nahahighlight kasi dun yung black na talagang gusto-gusto ko. Kahit ngayong birthday ko lang.

Kaya kapag ang mga bisita dumalo, required na naka black, or gray or silver or gold sila. O kaya naman halo nung mga kulay na yun. Kunware mayaman kami. Hahaha.

"Abby, can I ask you something?",sabi ni Ms. Carla maya-maya lang.

"Sige po. Ano po ba yun?",tanong ko.

"My husband just mentioned. Uhm...Girlfriend ka pala ni Brylen?",sabi nya.

"Ai...",nasabi ko nalang sabay kagat pa sa labi. Tapos marahan akong tumango.

"Alam mo bagay kayo. You are really are pretty Abby.",sabi nya.

"Ah hehe. Thank you po.",sabi ko.

OMG. Sinabihan ako ni Ms. Carla nang maganda. Sinabi nya na bagay daw kami ng boyfriend ko. Tinde.

Dire-diretso kami sa pagpalano. At ang saya-saya ko kasi hindi stressful ang planning na ginawa namin ni Ms. Carla. Ang gaan nya kasi kasama eh. Hindi sya yung sobrang formal. Parang tropa-tropa lang. Feeling ko tuloy ang tagal ko na syang kakilala.

"Okay Abby, hanggang dito nalang muna tayo noh? Tomorrow, sisimulan na natin ang pag-aayos. Ready ka na?",sabi nya maya-maya lang.

"Ready'ing-ready na po!",sagot ko.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now