Chapter 16 His Smile

72 3 0
                                    

CHAPTER 16 💕 His Smile

"Hoy...Hoy..."

Naalimpungatan ako sa naramdamang pag-alog sa ulo ko. Nang magmulat, natagpuan ko ang sarili ko na nakahanday sa balikat ni Bryan.

Tumingin ako sa paligid ng van. Wala nang tao. Anak ng!

"Nasan na sila?",sabi ko.

"Bumaba ka na.",sabi nya. Tapos bumaba na rin sya dala yung backpack nya.

Pagbaba ko, nakita ko yung maleta ko na hawak ni Koden.

"Hai salamat. Nagising din ang prinsesa.",sabi nya.

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung maleta ko.

Nasa pampang kami. Hala saan na 'to? Tsaka bakit gutom na ako?

Tumingin ako aa orasan. Hala ka naman. Alas dose na. Ang haba nga ng byahe. At ibig sabihin, ang haba din ng tulog ko? Baka...

Napatingin ako kay Bryan. At halos magpalamon ako sa dagat nang makita syang nagpupunas ng panyo sa balikat.

OMG. Tulo-laway ako?!

Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapatingin sya sakin. Nakakahiya.

Nakatingin na din sakin halos lahat ng estudyante doon. Kahit di ko na pakinggan, alam ko na pinag-uusapan nila yung nangyari kahapon sakin.

"Abby!"

Palingon palang ako, nahila na ako ni Ingrid sa isang mahigpit na yakap. Nakisali pa si Chloe.

"Araaay."

"Mabuti nalang okay ka na. Nag-alala talaga kami Bess. Bwisit lang si Mrs. Wefter hindi magpalabas.",sabi ni Ingrid.

"Nadetention pa ako sa pagsigaw kay Sir Carion. Di pa rin naman ako napalabas ng campus.",sabi ni Chloe.

"Okay lang. Salamat sa concern.",sabi ko.

"Oi Bryan, salamat nga din pala sa tulong ah. Mabuti naman pala ang puso mo eh.",sabi ni Ingrid.

"Ingrid.",saway ko.

"O anong nangyari dyan?",sabi ni Chloe habang nakaturo doon sa basa sa long sleeved polo shirt ni Bryan. Itim pa mandin. Hai kakahiya talaga.

Hindi nagsalita si Bryan bagkus ay tumingin sakin.

"Sa susunod pakisara ng bibig.",sabi nya. Tapos tumalikod na sya at sumama kayna Koden.

Napatakip naman ako ng mga palad sa muka. Sina Chloe at Ingrid napakawawalang-hiya. Nagtawanan pa!

Sinimulan na ang pagsasakay sa mag estudyante sa mga bangka. Grabe intayan pala ng turn. Kulang daw kasi ang naupahan na bangka.

Naupo kami nina Ingrid sa isang canteen sa tabi. Puno na pero, dahil kasunod namin yung tatlong prinsipe, ang daming naggive way at nag-alok ng table.

Naupo si Bryan sa tapat ng upuan ko. Tsk. Di pa sa tabi ko.

"Abby anong gusto mong kainin?",sabi ni Chloe.

"Kahit ano nalang.",sagot ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinext si kuya at Mommy na nasa pier na kami. Maingay yung tatlo. Kung anu-anong pinag-uusapan. Pero ako, nakatingin lang sa lagayan ng tissue sa harap ko.

"Abby okay ka lang ba?",tanong ni Chanz.

Napatingin ako aa kanya.

"O-Oo naman.",sagot ko lang. Tapos ibinalik ko na ang tingin ko doon sa lagayan ng tissue.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα