Chapter 53 Very, Very Cute

60 1 0
                                    

CHAPTER 53 💕 Very, Very Cute

Nagising ako kinabukasan sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto ko. Sobrang napuyat kami kagabi dahil sa party. At pagtingin ko sa orasan, abat alas onse na pala.

"Abby!"

Kahit na mukang inip na inip na ang boses ni kuya, dahan-dahan pa rin ang lakad ko para pagbuksan sya ng pinto. Eh sa bagong gising kaya ako!

"Kuya? Ano ba?",naghihikab ko pang tanong nang mapagbuksan sya ng pinto.

"Yung boyfriend mo isinugod sa ospital! Naaksidente kagabi habang pauwi! Nacomatose!"

At sa narinig na iyon ay agad na nabuhay ang buong sistema ko.

"Ano?! Kuya...Kuya sandali magpapalit ako. Samahan mo ako sa ospital!",taranta kong sabi at tumalikod na sa kanya para tumakbo. Kumuha ako ng kung ano nalang na damit na madampot ko at agad na pumasok sa banyo para suotin yun. Hindi ko na rin mapigilan ang pag-iyak habang nagpapalit. Anong nangyari? Bakit wala manlang akong kaalam-alam? Ano yun. Kagabi lang masaya kami, tas biglang may ganito?

Patakbo akong lumabas ng banyo at nagpunta kay kuya.

"Kuya tara n---B-Bryan?"

"Hi.",nakangisi pa nyang sabi sa may likod ni kuya. Nagulat pa ako nang mag-appir sila.

Natulala ako sa kanila ni kuya. Hindi ko mapigil ang mga luha ko. Mas lalo pa iyong bumuhos sa sama ng loob ko. Pinagtripan nila ako?

Napahikbi ako. Nang mapatingin sakin si Bryan at si kuya na mula pa sa pagtatawanan ay nanlaki ang mga mata nila. Hindi ko na hinintay na may makapagsalita sa kanila at ibinagsak yung pinto ng kwarto ko at nilock yun.

"Abby!",sabay nilang sigaw sabay kalampag nung pinto.

Napasandal naman ako doon at umiyak na lalo. Nakakabwisit lang kasi. Pagkatapos ng tarantang naramdaman ko sa pagkagising ko palang malalaman ko nalang bigla na kalokohan lang pala yun?! Nakakasama kaya ng loob!

"Abby si Bryan ang may pakana nun ah! Nakisakay lang ako.",nadinig kong sabi ni kuya.

"Damn Seam.",mura ni Bryan.

"Bahala ka na dyan.",nadinig kong sabi ni kuya.

"Babe...Please I'm sorry. Okay inaamin ko na. Ako nga ang may pakana. Kasi naman...ang tagal mo gumising. I just wanted to take you to---"

"Kahit na! Hindi pa rin magandang biro yung ginawa nyo! Hindi mo ba alam na halos himatayin ako sa takot? Nakakainis ka Bryan! Nakakainis ka!",sigaw ko.

"Babe...Please I'm sorry.",sabi nya.

Hindi ako nagsalita at nagpunas ng luha. Umikot ako at hinawakan yung doorknob.

"I-I just want to wake you up cause I want to take you to church.",nadinig kong mahina nyang sabi.

Napakunot ang noo ko? Si Bryan dadalhin ako sa simbahan? Hindi nga?

Napakagat ako sa labi at tuluyan nang binuksan ang pinto. Agad namang napatunghay ang nakayukong si Bryan.

"Anong sabi mo?",tanong ko.

"I-I'm sorry.",sagot nya.

"Hindi. Hindi. Yung pinakahuli.",sabi ko.

Napangiwi sya. "I just want to wake you up so I can take you to church?",sabi nya.

Tinitigan ko muna sya.

"Okay hintayin mo ko sa baba.",sabi ko sabay sarado na nung pinto.

Agad akong bumalik sa banyo at naligo na. Matapos ay mabilis na gumayak. Nagsuot ako ng dress at flat shoes. Tinali ko nalang rin ang buhok ko. Matapos ay naglakad na ako pababa.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon