Chapter 29 Secret Admirer

84 1 0
                                    

CHAPTER 29 💕 Secret Admirer

Abby's POV

Sinadya kong gumising ng tanghali na, para pag-intayin si Bryan. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Di manlang nya sinabi na iinom sya kagabi.

Kung hindi ko pa tinannong, di pa nya sasabihin. At yung pagkakareply pa nya ng I'm drinking, parang wala lang yun ah. Parang walang kwentang bagay lang na di ko naman na dapat malaman.

Leche talaga eh. Badtrip! Kung makaasta akala mo walang girlfriend.

"Morning 'nak!",bati ni Mommy pagkababa ko ng hagdan. "Umalis na ang kuya mo. Ang tagal mo naman kasi gumayak."

"Okay lang po My.",sabi ko habang kinakain na yung sandwich na nakahain sa lamesa.

"'Nak, alam mo pwede mong dalian. Kanina pa sa labas si Bryan. Teka papapasukin ko.",sabi nya.

"Wag na po Mommy. Hayaan nyo na po sya dun.",sabi ko habang ngumunguya.

Napansin ko ang pagtitig ni Mommy.

"Abby nag-away ba kayo?",sabi nya.

"Hindi po.",sabi ko.

"Abby yung totoo."

Napabuntong-hininga ako.

"Eh kasi naman My, kagabi, kasama pala nyang nag-inom sina kuya. Tapos di manlang nya ako sinabihan. Kung di ko pa tinanong, mukang wala syang balak na ipaalam sakin. Yung reply pa akala mo kay kuya lang sinabi na umiinom sya.",bugnot kong sabi.

"Well I get it anak. Pero bago ka magalit, bakit hindi mo muna sya tanungin o kausapin tungkol dyan? Malay mo may paliwanag naman syang reasonable diba?"

"Anong reasonable My? Na nakalimutan nya? O baka naman nakalimutan nyang mag girlfriend sya.",sabi ko.

"Kaya nga Abby, kausapin mo. O sya tama na yan. Sige na. Lumabas ka na dun, at kanina pa yun naghihintay.",sabi ni Mommy.

"Pero My!"

"Wala nang pero-pero Abby. Mahiya ka naman sa boyfriend mo.",sabi nya sabay hila na sa plato ko.

Napakamot nalang ako sa ulo at tumayo na at kinuha yung bag ko.

"Bye. Ayusin nyo yan.",sabi ni Mommy sabay kiss na sakin at tulak pa palabas ng pinto.

Naglakad na ako palabas ng gate. Naabutan ko doon si Bryan na nakaupo sa driver's seat. Bukas yung pinto nya dun. Nasa kalsada yung mga paa nya. Mukang kanina pa nga sya.

Lumapit ako sa kanya. Agad naman syang tumayo nang makita ako.

"Babe ang tagal mo.",bungad nya sakin.

"Edi sana umalis ka na.",sagot ko.

Agad na nanlaki ang mga mata nya.

"Ano ba? Pasasabayin mo pa ako o ano?"

"Pasasabayin syempre.",sabi nya at umikot na para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Hindi na ako nagsalita at sumakay nalang. Pagsakay nya, nagmaneho na sya kaagad.

Tahimik lang kami sa sasakyan. Hanggang sa maya-maya, nagsalita na sya.

"I'm sorry about last night.",sabi nya.

"Ano bang nagawa mo? Bakit ka nagsusorry?"

Let's see kung alam nya talaga ang dahilan ng ikinayayamot ko.

"Kasi...kasi hindi ako nagsabi sayo na iinom ako. Am I right?",sabi nya.

Exactly!

"Ano pa?",I said.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now