Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions

72 3 0
                                    

CHAPTER 31 💕 Ate and Kuya's Conclusions

Pasukan na naman. Nandito na ako sa kotse ni Bryan ngayon. Papunta na kami sa school. Tapos mamayang hapon, diretso kami sa bahay para magreview.

Ilang saglit lang, nakarating na rin kami ng P.U. Nagulat naman ako nang makita si Chloe na bumaba ng kotse ni Dean.

Hala! Sabi ko na nga ba eh!

Last week, sila din yung nakita kong magkasama dito. Hindi lang magkasama! Nakita ko si Dean na hinalikan si Chloe nun.

Hmm. I smell something fishy goin' on here.

"Babe, si Chloe at si Dean ba?",tanong ko habang ipinapark ni Bryan ang sasakyan.

"Hmm. Why?",sabi nya.

"Nakita ko si Chloe na bumaba sa kotse ni Dean.",sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Sumilip din dun si Bryan.

"Baka naman nakisabay lang.",sabi nya.

"May kotse si Chloe eh. Tsaka kung sasabay man sya, bakit hindi pa kay Chanz diba?",sabi ko.

"Well I don't know.",sabi nya.

Tumango nalang ako.

"Itatanong ko nalang kay Chloe.",sabi ko.

Nagshrugg lang si Bryan at bumaba na para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Pagkababa ko, sabay na kaming naglakad papunta sa classroom. Hindi ko na naabutan si Chloe eh.

Naupo na kami habang hinihintay si sir. Maya-maya lang, dumating na rin sya at nagsimulang magklase.

~❤~

Nakaupo na kami ngayon sa cafeteria para magrecess. Hindi pa muna namin kasabay sina Bryan ngayon. Kami munang girls na tatlo. May sasabihin daw kasi si Chloe.

"Ano ba kasi yun Chloe?",sabi ni Ingrid.

Mukang alam ko na kung anong sasabin nya.

Bumuntong-hininga sya.

"Kami na ni Dean.",halos pabulong na nyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Ingrid. Sabay sabing, "Alam namin."

"Ha? Paano naman?"

"Nakita ko kayong naghahalikan sa parking lot. Duh Chloe.",sabi ko.

"Nakita ko yung magkaholding hands nyong kamay kapag kumakain tayo sa iisang table. Duh Chloe.",sabi naman ni Ingrid.

Napasampal sya ng palad sa noo.

"Eh ba't hindi nyo sinabi na alam nyo na pala?",sabi nya.

"Eh hinintay ka naming magsabi. Pero teka nga. Bakit ba sinicret mo pa? Eh diba, bulgaran ka naman sa iba mong mga nagiging boyfriend?",sabi ko.

Nagkatinginan na naman kami ni Ingrid. Tapos kay Chloe ulit. Tapos sabay naming sinabing, "Seryoso ka sa kanya noh?"

Napakagat sya sa labi.

Napatakip kami ni Ingrid sa bibig.

"OMG!",sabi ni Ingrid.

"Kelan pa yan?",sabi ko.

Eh isang linggo palang nang magbreak sila ni Fred ah.

"Alin?",sabi nya.

"Nung maging kayo, ano ba naman!",sabay naming sabi Ingird. Bakit ba 'to sabay nang sabay sakin?

"Nung last week ko kinunfirm. Kaya nga nakipagsplit na ako kay Fred diba? Kasi naman...alam nyo yun. Mutual understanding?",sabi nya.

"Between you and Dean! Ha! Sinasabi ko na eh!",sabi ni Ingrid sabay hampas pa sa table.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now