Chapter 35 Kuya's Confrontation

94 2 0
                                    

CHAPTER 35 💕 Kuya's Confrontation

Nandito na kami ngayon sa resto ng hotel. Nakabouquet yung mga pagkain. Ang dami ko tuloy nakuha. At heto kumakain na ako kasabay sina kuya. Lahat kami.

At si Chloe na nasa tapat ko, makahulugan pa din akong tinitignan, tapos ngingiti.

Kanina pa nya ako pagkagising inaasar tungkol doon sa...sa paghalik sakin ni Bryan kagabi. Nakita daw nila ni Dean! Leche nakakahiya!

Sa asar ko, pasimple ko syang sinipa sa ilalim ng lamesa.

"Aw! Abby bakit ka ba naninipa?",sabi bigla ni Chanz na katabi ni Chloe.

Napatingin ako sa ilalim ng lamesa. Anak ng siopao paa nga ni Chanz nasipa ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya.",sabi ko.

Biglang tumawa si Chloe. Lintek na bruha 'to.

Hindi ako makatingin kay Dean dahil alam ko na nakita din nya. Nakakahiya naman kasi. Hindi naman dapat yun makita ng kahit na sino eh!

"You finish babe?",tanong ni Bryan.

"A-Ano...Hindi pa.",sabi ko sabay hawak na ulit ng kutsara at tinidor ko. Tapos ay nagpatuloy na ako sa pagkain habang matalim na tinitignan si Chloe.

Pagkatapos naming kumain, bumalik na muna kami sa suite para magpalit. Magsiswimming na ulit kami. Magsusurf kami ni babe!

Nagpalit ako ng swimming suit. Opo. Hindi na bikini top. Yung jacket na na fit na pangswimming. Tapos ay surf shorts. Naka-all black ako. Lalo na akong nagmukang maputla. Kaane.

Dinala ko na yung surf board ko pagkatapos kong magbihis at bumaba na ng building. Nandoon naman na kasi sina kuya sa cottage.

Pagdating namin dun, nagsiswimming na sila. Si Bryan, nakaupo pa sa dalampasigan. Kaya, dali-dali ko syang nilapitan.

"Babe! Tara na?",sabi ko.

Tumingala sya para tignan ako. Tapos, tumayo na din sya.

"Ready ka na?",sabi ko.

Napabuntong-hininga sya at tumango.

"Ready na.",sabi nya.

"Tara!",excited kong sabi at hinila na sya palusong sa tubig.

~♥~

"Isa pa babe!",sabi ko habang kinukuha yung surfboard.

"I can't. God, this is frustrating.",sabi nya habang lumalapit sakin.

Sinusubukan kasi nyang tumayo sa board. Eh kaso naa-out of balance sya. Kaya nahuhulog sya. Naka-seven na kaming try.

Natawa ako sa kanya at pinasada yung mga daliri ko sa basa nyang buhok.

"Kaya mo 'yan. Sige oh last na.",sabi ko.

"Ayoko na.",sabi nya.

"Ayaw mo na? O sige. Kapag nakatayo ka, kikiss kita.",sabi ko.

Pinanliitan nya ako ng mata.

"Sa lips.",dagdag ko pa.

Hindi sya nagsalita at hinila lang sakin basta yung board. Tapos naglakad na sya papunta sa dalampasigan.

Natawa naman ako. Muka palang kiss ang isang 'to eh.

Pinaagos nya yung board at dinapaan. Hai ang ganda ng katawan ng boyfriend ko. Pangmodel.

Nang makasalubong ng alon, tumayo na sya.

"One...two...three...four...five!"

Halos mapapalakpak ako nang hindi sya mahulog sa loob ng limang segundo at higit pa.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now