Chapter 57 Cinema with Jester

89 3 1
                                    

CHAPTER 57 💔 Cinema with Jester

"Your graduation day is fast approaching students. And every year before that memorable day, a more memorable experience will be etched within your hearts and minds. Every Patterson University almuni been through this kind of experience which is called, recollection. Within three days, you will be gathered to collect old memories together and at the same time, make new ones. It is compulsory. None should be left behind. Here are your letters."

Nandito ang lahat ng Grade 12 students sa great hall para sa announcemet nga daw.

So now I know what that announcement is. Recollection pala. Na dapat kasama kaming lahat.

Tinanggap ko nalang yung letter na ibibigay sa magulang. Ano pa bang choice ko? Kahit ayoko namang sumama, kelangan pa rin talaga. Kapag di ba naman ako nakagraduate eh.

Kahit pa ata magbayad ako nung fee na 250 hindi pa din pwede na wala ako sa attendance eh. Kaasar naman.

Nang maitago ko na yung letter sa bag ko, agad na akong tumayo at naglakad palabas ng great hall. Kasabay ko si Ingrid.

"OMG girl! Basahin mo! Camping pala ang paandar nila.",sabi ni Ingrid na hawak-hawak iyong letter nya.

Hinila ko sa kanya yung papel at tinignan yun.

At nakalagay nga sa when ay ang mga katagang Camp John Hay, Baguio City. Nakalagay pa sa mga what to bring ay mga gamit na pang-camping. Hanep.

"So?",walang gana kong sabi.

"Ano ba? Zombie reaction ka na naman? Anong so ka dyan? Ayos na ayos nga ito eh. Camping-camping. Gubat-gubat! Nakakaexcite kaya.",sabi nya.

"Whatever Ingrid.",sabi ko lang.

Napatingin ako sa nagtatawanang grupo nina kuya. Oo. Tatlong araw na ang nakakaraan nang magkaayos-ayos sila nina Bryan at Dean. Eh brothers pa nga rin eh kahit anong mangyari. Pero yung totoo, talagang ikinasisiya ko naman iyon.

Nagtatawanan yung mga lalaki maliban kay Bryan na nahuli ko na namang nakatingin sakin.

Tinupad nga nya yung hiling ko na lumayo sakin at wag na akong kausapin. Kahit nga sa partner activities and project na ginagawa namin hindi kami nag-uusap eh. Kanya-kanya lang. Kapag may mali akong nagagawa, nakikita ko nalang na naitama na nya.

Ayun. Hindi nga kami nag-uusap, eh ilang na ilang naman ako sa panay nyang panininitig at pagsulyap nang pagsulyap.

Eh sa hindi ko naman maiwasan na mapatingin kasi nadadala ako. Pero ewan. Bwisit sya!

Kami ni Chloe, hindi pa din kami maayos. Ewan ko ba. Hindi din kasi sya nag-approach. Balita ko din kay Ingrid na pinaghiwalay sila ni Dean.

Nung malaman ko yung balita na yun, hindi ko din maintindihan kung bakit sa kabila ng sakit, para pa ding dinikdik yung puso ko nung malaman yun. Masakit na maisip si Chloe na umiiyak at nagdurusa kahit na iyon yung ipinaranas nila sa akin nang gamitin nila ako.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Chloe. Nakita ko sya na tahimik na naglalakad kasama ng mga classmates niya.

Napatingin sya sa akin ngunit agad din naman syang nag-iwas. Palagi nalang.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Naghiwalay na kami ni Ingrid. Naglalakad na ako papasok sa classroom namin nang bigla naman akong banggain ni Hollymaw dahilan para kamuntikan na akong masubsob sa sahig kundi lamang ako nakahawak sa pintuan.

Pero mabuti na lamang rin at nabunggo ako sa kung sinuman sa likod ko na agad akong naalalayan sa magkabilang braso.

"What the fuck?!",nadinig kong sambit ng iritadong boses sa likod ko.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now