Chapter 2 I'll make Way

96 4 0
                                    

CHAPTER 2 💕 I'll make Way

"B-Bryan?"

"Hell woman. You're insane.",nanlalaki ang mata pa rin nyang sabi.

"A-Ano... S-Sorry. Hindi ko... Hindi ko sinasadya."

Napailing nalang sya at tumayo at kinuha yung bag nya. Tapos...tapos lumipat sya ng upuan. Ako? Heto, maluha-luha na sa hiya. Pinagtitinginan na ako, at yung crush ko, natakot sakin.

Napabuntong-hininga ako at napakagat sa labi para pigilan ang pag-iyak. Makalipas ang halos anim na taon, hinawakan ako ulit ni Bryan. Kinausap ako ni Bryan nang hindi, 'Where's Seamus?'. Pero anong sinabi nya?

'Hell woman. You're insane.'

Tapos lumayo sya sakin! Dapat katabi ko na sya eh. Nakakainis talaga. Ganito nalang ba talaga ako hanggang sa makagraduate ako ng high school? Aasa kay Bryan Esguerra? Aasa nang aasa kahit nagmumuka na akong tanga?

Pero hindi kaya tama sina Chloe at Ingrid? Panahon na para naman gawan ko ng paraan ang lovelife ko. Ayoko ng ganito. Hindi na nga ako pinapansin noon, tapos nang mapansin ako nainsulto pa. Grabe ang sakit.

Tama sila! Gagawan ako ng paraan. Kahit manlang hindi agad gusto, ngayong taon, kakaibiganin ko ang crush ko!

Ngayong araw, wala naman kaming gaanong ginawa. Nagpakilala lang yung mga bagong teachers, kami. Pinagpakilala din kami. Nire-section kasi kami at, swerte ko nalang dahil kasection ko pa rin si Bryan.

"Hi. I'm Abbielyn Conell. I am seventeen. Nice meeting you all.",sabi ko.

"Thank you Ms. Conell.",sabi nung teacher.

Tapos nagtuloy-tuloy, tapos nung si Bryan na yung magpapakilala, bumalot ang impit na mga tili sa paligid. Napakunot na naman ang noo nya. Pero grabe ang gwapo pa rin.

"Bryan Esguerra, sir.",sabi lang nya. Tapos naupo na sya. Waaahh! Ang lakas ng dating. Ang sexy ng boses nya my gosh.

Nang matapos ay dalawang oras na pakilanlanan at review sa last lessons, pinalabas na rin kami para sa recess. Namataan ko si Bryan na palabas na sa classroom. Baka nagalit sya dahil dun sa pagsigaw ko sa kanya. I need to say sorry.

Kinuha ko agad ang mga gamit ko at nagtatakbo para sundan sya.

"Bryan! Bryan!",tawag ko.

Tumigil sya sa paglalakad at lumingon. Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo. Nang makarating ako malapit sa kanya huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Ano... Sorry sa kanina. Hindi ko sinasadya. Galit ka ba? Sorry."

"It's fine.",sabi lang nya. Tapos tumalikod na sya, at naglakad paalis. What the hell!
It's fine daw! Hindi sya galit?! OMG!

"Thanks!",sigaw ko pa. Dire-diretso lang sya sa paglalakad.

"Abby, hui!",sigaw ng papalapit saking sina Chloe at Ingrid.

"Wow. Ganda ng ngiti ah. Anong pinag-usapan nyo?",sabi ni Ingrid.

"Oh look. Si Ms. Insane.",tatawa-tawa pang sabi ni Bitchany. Bethany pangalan nya at isa sya sa mga naging babae ni Bryan. Kaya feeling nya super ganda nya. Eh trip lang naman sya. Leche!

"Insane?!",pasigaw na sabi ni Chloe. Agad ko naman syang hinawakan sa braso bago pa nya mabingutan si Bitchany.

"Sabi ni Brylen."

Yuck! Bakit nya tinatawag ng Brylen si Bryan?! Close sila? Close?!

"Sinabi yun ni Bryan?",sabi ni Ingrid.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now