Twenty-nine

74 7 31
                                    

Warning: Unedited. Expect some typos and grammatical errors. Pasensya na talaga guys. Minadali ko lang 'to kaya sorry kung medyo sabaw. Promise babawi ako sa next chapter. Kapit lang okay? Enjoy reading~

------------------

Kyungsoo's POV

"Kyungsoo hyung!" Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang mabulabog na sigaw ni Taehyung. Lintik na bata 'to. Hindi na nga ako nakatulog kagabi nang dahil kay Jongin tapos ang ingay-ingay pa ng mga tao ngayon. Hustisya naman sa'kin oh.

"ANO?!" Inis kong sigaw. Lumapit siya sa'kin habang nakanguso. Problema nito?

"Si eomma Baekhyun kasi eh!" Pagmamaktol niya. Napakunot naman ako ng noo. Jusko, mukhang nag-away nanaman ata ang mag-ina.

"Oh bakit nanaman?" Mas lalo siyang ngumuso saka hinawakan ang pisngi niya.

"Sinampal ako eh! Huhu. Nadislocate na ata panga ko." Ngawa niya. Natawa naman ako ng konti. Kawawa talaga 'to kay Baekhyun.

"Ano ba kasing ginawa mo? Baka naman kinalikot mo nanaman mga eyeliner niya?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya habang hawak pa rin ang pisngi niya. 

"Tinanong niya ako kung anong apelyido ni Naruto." Sabi niya.

"Oh tapos?"

"Sabi ko Shippuden." Jongina.

"Bakit kasi Shippuden ang sinagot mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Eh ganun talaga, hyung. Marami kasing buwan sa Jupiter." Sabi naman niya. Jupiter? Huh?

"Oh, ano namang kinalaman ng Jupiter kay Naruto?" Nakakunot noo kong tanong.

"Ganito kasi yun, hyung. Sa Encantadia kasi may mga brilyanteng hinahanap." Sagot nanaman niya. Encantadia? Pano napunta yung usapan sa Encantadia? Napakamot ako ng ulo sa mga pinagsasasabi niya.

"Encantadia? Anong connect ng Encantadia sa Jupiter at kay Naruto?" Siya naman ang napakamot ng ulo ngayon.

"Hindi mo kasi nagegets eh. Kapag pumunta ka kasi sa manhole na walang takip, mahuhulog ka." Napabuntong hininga nalang ako sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit nasampal ni Baekhyun 'to. Kung ikaw ba naman kasi ang kausapin ng ganito, jusko makakasampal ka rin no.

"Lumayas ka na nga sa harapan ko. Pumunta ka ng Belo, ipaayos mo yang mukha mo." Sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto. Inaantok pa rin kasi talaga ako. Bwisit kasi sila Baekhyun kagabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa mga kokote nila at naisipan nilang mag-videoke ng hanggang 11:00 pm. Idagdag mo pa si Jongin na nagpaluto ng pagkain sa'kin ng 3:00 am.

Pashnea.

Napangiti ako nang sa wakas ay makakatulog na ulit ako. Pagkapikit na pagkapikit ko ng aking mapupungay na mata, biglang bumukas ang pinto at isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ko.

"HYUNG!" Punyeta.

Inis akong umupo sa kama at hinarap si Taehyung. "ANO NANAMAN BA?!" Bwisit kong sigaw. Nakakaloka.

"Hyung tara pasyal tayo!" Masaya niyang sabi. Jusko lalabas nanaman? Kakauwi lang namin nung isang araw tapos aalis nanaman? Aba'y petengene.

"AYOKO LUBAYAN NIYO 'KO GUSTO KONG MATULOG LUMAYAS KA DITO!" Dirediretso kong sabi sa kanya. Napanguso nalang siya at isinara ang pintuan. Hunyeta talaga ng mga tao ngayon.

Akmang pipikit na sana ulit ako nang bigla nanamang marahas na bumukas ang pinto. PWEDE BA, PATULUGIN NIYO MUNA AKO?! ABA'Y HOTAENA KAPAG AKO TALAGA NA-URAT SA INYO KAYO ANG HINDI KO PAPATULUGIN MAMAYANG GABI.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now