Twelve

89 14 14
                                    

Nagising si Kyungsoo nang dahil sa ingay na nagmumula sa baba ng bahay nila. Oo, umabot yun  hanggang sa kwarto niya. Pilit siyang tumayo para batuhin ng unan yung mga maiingay sa baba na nakapag-pagising sa kanya. Charot lang. Sumilip siya sa pintuan at nakita sina Luhan at Sehun sa sofa na naghaharutan. 


"Enebe Sehun nakikiliti eke." Pabebeng sabi ni Luhan  habang kinikiliti siya ni Sehun. Napairap naman si Kyungsoo at malakas na sinarado ang pintuan niya. Agang harutan ah.


"Hala, naistorbo ata si Kyungsoo." Nag-aalalang sambit ni Sehun. Tinignan siya ni Luhan bago ito hinampas.


"Ikaw kasi eh!" Sigaw ni Luhan. Napakunot naman ng noo si Sehun.


"Bat ako? Ikaw nga 'tong ang lakas-lakas ng tawa diyan eh." sabat naman ni Sehun. Nako, mukhang magkaka-lq pa ata ang dalawa. Pero syempre hindi pwede yun.


"Ang harot-harot mo kasi eh. Huhu, tatampalin nanaman ako ni Kyungsoo mamaya pag nagkataon." sabi ni Luhan habang naka-pout. Nginitan naman siya ni Sehun at niyakap ng mahigpit.


"Aww, sorry na Lulu~ Love you." Pasweet na sabi ni Sehun sabay halik sa pisngi ni Luhan. Okay, sa kabilang dako naman tayo.


Bwisit na bumalik si Kyungsoo sa kama niya. Sinubukan niyang matulog ulit pero hindi na niya kayang bumalik pa sa payapa niyang tulog na nabulabog kanina. Argh, ang ganda na ng panaginip ko eh. Kinasal daw ako kaso hindi ako nakagown, huehue. Hindi niya napansin si Jongin na nakaupo sa sahig at nakangiting nakatingin sa kanya. Busy kasi si Kyungsoo sa pakikipag-eye to eye niya sa kisame. Napabaling ang ulo ni Kyungsoo sa gawi ni Jongin ng wala sa oras. Napabangon siya dahil sa tulog? 


"K-kanina ka pa gising?" Utal niyang sabi. Ugh, why Kyungsoo? Sa dinami-dami ng pwede mong magawa sa harapan niya, bakit ang mautal pa ang pinili mo? 


 "Hindi naman, may narinig lang kasi akong kumalabog. Akala ko kung ano na." sabi niya habang nakangiti. Napaiwas naman ng tingin si Kyungsoo. Nasisilaw daw siya sa ngiti ni Jongin. Ilang sandali lang ay biglang may kumatok sa pintuan nila, bumukas ito at iniluwa noon si Taehyung na may akap-akap pang teddy bear. 


"Kyungsoo hyung, kakain na daw sabi ni eomma!" Parang batang sabi ni Taehyung. Tumango lang si Kyungsoo at muling sinarado ni Taehyung ang pintuan.


"Mauna ka nang maligo. Aayusin ko lang 'tong hinigaan." Sabi ni Kyungsoo. Tumango lang si Jongin bilang sagot bago tumayo at naginat-inat. Pumasok na ito sa banyo at naligo na. Inayos naman ni Kyungsoo ang hinigaan niya pati na rin kay Jongin. Inilagay niya sa kama niya ang mga kumot at unan na nagamit ni Jongin, hindi naman kasi pwedeng nasa lapag lang di ba? Saktong lumabas ng banyo si Jongin nang natapos na si Kyungsoo sa pagliligpit.


 ----------------


"Kamusta tulog natin, Kyungsoo?" Tanong ni Baek habang kumakain sila.


"Maayos naman. Not until binulabog ako ng dalawang maharot na kurimaw." Saad nito sabay tingin kina Sehun at Luhan na tahimik na kumakain.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now