Ten

107 16 22
                                    

"Kyungsoo-yah!!!!" Sigaw na nakapag-pagising kay Kyungsoo. Leche naman oh. Sino man yang bulabog na yan, mamatay na. Pilit na bumangon si Kyungsoo at lumabas ng kwarto. Nasa hagdan pa lamang siya nang biglang lumabo ang kanyang paningin. Puta bat may usok? Agad siyang tumakbo papunta sa kusina nila at napahinto sa nakita. Punong puno ng flour yung lamesa, nagkalat ang mga utensils na nagamit sa lababo, at higit sa lahat. Umaapoy ang kalan. Agad na lumapit si Kyungsoo rito upang patayin. 


"Jongin ano bang nangyari dito?" Galit niyang tanong kay Jongin. Ayaw na ayaw kasi ni Kyungsoo na may ibang gumagamit ng kusina niya. Okay lang naman kila Baekhyun yun dahil si Kyungsoo ang bahala sa mga kakainin nila. Saka lang nila magagamit ang kusina kapag sched na ng isang miyembro para magurong. 


Napakamot muna si Jongin sa kanyang batok bago nagsalita. "Sorry Soo, sinubukan ko kasing magluto eh." Bwisit. Alam kasi ni Kyungsoo na kahit noon pa man ay hindi na magkasundo si Jongin at ang kusina. May lq kasi sila since birth. 


"Anong--" napatigil siya nang mapansin ang mga paso sa braso ni Jongin. Topless nanaman kasi ang gago, pero naka-apron siya. Lumapit si Kyungsoo at bahagyang hinawakan ang kamay niya. 


"Anong nangyari diyan?" Tanong nito habang nakatingin pa rin sa mga paso ni Jongin. Napakurap naman siya at tinignan si Kyungsoo na kasalukuyang nakahawak sa kamay niya. 


"A-ah, napaso kasi ako kanina habang sinusubukan kong magluto." Sagot nito. Napabuntong hininga naman si Kyungsoo saka binitawan ang kamay nito. Tungaks talaga kahit kelan.


"Pumunta ka na sa sala, magaayos lang ako dito. Hintayin mo 'ko dun para magamot natin yang sugat mo." Sabi niya at nagsimula ng linisin ang mga kalat. Napatango nalang si Jongin at naglakad na papuntang sala. 


Bago pa siya makalayo, "Nga pala, magdamit ka." Pahabol ni Kyungsoo dahilan para mapangisi si Jongin. Pagkatapos ayusin ni Kyungsoo ang lahat ng kalat ni Jongin sa kusina nila ay agad siyang pumunta sa sala na may dalang first aid kit. Tumabi siya kay Jongin at kinuha ang kamay niya. 


"Patingin nga niyang paso mo." Sabi niya habang nakatingin sa kamay ni Jongin. Kumuha si Kyungsoo ng ointment at nilagyan ang mga paso niya. Habang si Jongin naman ay nakatingin lang kay Kyungsoo. Nang matapos ay binitawan niya na ito. 


"Salamat Kyungsoo." Saad ni Jongin habang tinitignan ang kamay. 


"Next time kasi magingat ka. Atsaka wag ng kung ano ano ang kinakalikot sa kusina, alam mo namang may galit sa'yo yun eh." Panenermon niya bago tumayo. Naiwan si Jongin sa sala na may ngiti sa mukha. He still care for me. 


"Oh, nginingiti-ngiti mo diyan? Kilig ka no?" Napatingin siya kay Luhan na kakababa lang ng hagdan. Magsasalita palang sana si Jongin nang unahan siya nito. "Shh, wag ka nang magsalita. Nakita ko lahat. Nakita ko kung pano mo siya tignan," huminto muna siya at bumuntong hininga. "Alam ko lahat ng pinagdaanan niya sa'yo, Jongin. Don't mess up this time ok? Hindi mo alam kung anong nangyari noong mga panahong wala ka sa tabi ni Kyungsoo." Sabi nito at umalis na. Napatitig si Jongin sa kawalan.


I would never let him go this time.


------------


Kyungsoo's POV

"Kyungsoo." Napa-angat ako ng tingin kay Taemin. Ano ba naman 'to. Bigla-bigla nalang talagang sumusulpot eh. 


"About nga pala dun sa pinapahanap kong writer sa'yo. May nahanap na sila," mabuti naman. Actually tinatamad din ako kahit mahal ko ang trabaho ko. "Nga pala, may party ang company next week together with Kang Publishing Company. Obliged na pumunta ang lahat. You can invite some of your friends also." Paliwanag ni Taemin. Sakto invite ko si Tete. 


"Sige Taemin. Salamat." Ngumiti siya bago lumabas ng office ko. Eh? Yun lang sasabihin niya? Take note, siya pa talaga yung pumunta sa office ko. Aba, ma-effort si koya. Tsaka mabuti naman at meron na silang nahanap na writer dahil wala din akong balak gawin yun. Tinatamad nga kasi ako. Nasabi ko na ba? Oo, sabi ko nga. Abala ako sa pagkalikot ng laptop ko nang biglang nagring ang phone ko. Ano ba 'to istorbo. 


"Hello? Sino 'tong punyetang istorbo na ito?" Bwisit kong sagot sa telepono. 


"Gandang bungad, Kyungsoo." Sagot naman nito sa kabilang linya. 


"Ano ba yun Baekhyun?" Tanong ko. Ni-loud speaker ko na siya para naman maituloy ko ang tinatrabaho ko. 


"Yung tungkol sa event." Event? Nu yun?


"Yung party na iheheld between Kang and Lee Publishing Companies. Di ka pa naiinform?" Ah yun naman pala. Nyeta kala ko kung ano na. 


"Oh, bakit yun?" 


"Sama natin si Taehyung, pwedeng mag-intvite 'di ba?" Sabi niya na parang tuwang-tuwa. Kahit hindi ko kaharap 'tong si Baekhyun, alam ko na ang mga galawan ng mukha neto. We've been friends for almost 2 years? Oo ata? Oh basta matagal na kaming friendship. 


"Sige lang. Wala naman tayong choice eh." Sagot ko nalang habang busy pa rin sa pagtype. Narinig kong bahagyang tumawa si Baekhyun.


"Isama kaya natin si Jongin?" Tanong niya na nakapagpahinto sa'kin. Leche. Napakunot ako ng noo. Ano? Isasama siya? Hell no. 


"Jusko, wag na. Kargo pa natin yung damulag na yun." Sabi ko habang nakakunot noo pa rin. 


"Alam mo, ikaw, ang bad mo. Bisita natin si Jongin. You should treat him nice." He said. Treat him nice? Ano yun parang treat him better lang? Shawn Mendes? Dejoke. Ayoko nga. Trinato ko siya ng maganda noon, minahal ko pa nga eh, but in the end nasaktan lang din ako. 


"Baka bwisita." Kako naman na nakapagpatawa sa kanya. Totoo naman ah. Nagsimulang gumulo ulit ang buhay ko nung bumalik siya dito. Bakit? Bakit nga ba siya bumalik dito? Kasi guilty siya? Hah, dapat lang no. Kapal ng muka niya. Dejoke


"Gaga ka talaga. Wag ka ng bitter diyan. Wala rin naman tayong choice eh. Isasama natin si Tete, kaya dapat isama din natin siya." Psh. Oo na. Wala, no choice din kami kundi isama siya. Jusko po kung bakit ba naman kasi binalik niyo sa'min yan. Masaya na kami oh. Nananahimik kami dito eh, paepal.


"Oo na bwiset. Sige na, busy ako istorbo ka. Babush." Bago pa man siya makasagot ay pinatay ko na ang tawag. Hay, ano nanaman kaya ang mangyayari paguwi ko mamaya. Jongin, jongina mo kang negro ka lubayan mo na ako ples lang. Sumama ka na kay Taehyung sa planeta niya. Dun kayo sa Pluto, huhu.

_______________________________

NOTE: Pasensya na sa masabaw na chapter huhu. Grabe feel ko sobrang lame neto. So ayun, nga pala magulo ba yung story? Sa mga naguguluhan diyan sa mga naunang chapters at sa mga nagbabasa neto, winawarningan ko lang kayo na maghanda dahil mas gugulo pa po ang istoryang 'to. HAHAHAHA. Be prepared nalang. So thank for the votes, reads, and comments :) Love lots <3

Like We Used To [Kaisoo] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ