Eleven

91 14 19
                                    

Kyungsoo's POV

Sabay kaming umuwi ni Luhan. Mga 7:30 na nang marating namin ang bahay. Nadatnan ko si Taehyung sa sala nanonood ng baby tv. Putangina.


"Oy Tete, asan si Baekla?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya saglit sa'kin bago ibalik ang atensiyon niya sa tv.


"Hindi pa umuuwi eh. Ang masaklap pa, hindi manlang nagiwan ng pagkain for dinner." Sabi niya habang naka-pout. Ang cute talaga ng batang 'to. Bahagya ako ngumiti.


"Osige, ako na magluluto. Magpapalit lang ako." Sabi ko bago guluhin ang buhok niya. Ngiti niya ang huli kong nakita bago tumalikod para pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko, bumungad sa'kin ang isang tahimik sa silid. Asan kaya si Jongin? Argh, bakit mo ba siya iniisip Kyungsoo? Eh ano naman kung wala siya? Dapat nga matuwa ka dahil walang Jongin na mamemeste sa'yo ngayon. Napa-iling nalang ako at dumeretso na sa banyo.


--------------------


"Tete paki abot nga yung patis." Utos ko sa kanya. Nandito kami sa kusina kasama si Luhan, nagvolunteer sila na tutulong daw sila sa pagluluto. Napatanga nalang ako nang abutan ako ni Taehyung ng toyo.



"Taehyung, kako patis! Hindi toyo!" Inis kong sabi. Muli niya akong inabutan ng isang bote na naglalaman ng patis.


"Sorry, magkakulay kasi eh." Hay tingini.


"Luhan yung asin nga!" Agad naman akong inabutan ni Luhan ng....Asukal lang naman.


"Luhan kako yung asin, asukal 'to! Quingina. Jusmeyo marimar." Haggard kong sabi. Maagang mamumuti ang buhok ko sa kilikili nang dahil sa dalawang 'to.


"Sorry iba nahablot ko eh." Saad niya. Natapos ang madugong pagluluto namin ng mga 8:20 pm na. Punyeta.


"Taehyung, ikaw naka-sched ngayon hindi ba?" Tanong ko sa kanya nang matapos kaming kumain. Tumango siya bilang sagot.


"Oh, maghugas ka na tapos matulog na okay? Tama na yang kakatext mo kay Jungkook. Mamaya nasinghot ka na nun." Sinamaan niya muna ako ng tingin bago iligpit yung mga pinagkainan. Akala ko noon, si Hoseok talaga ang boypreng niya. Yun pala si Jungkook. Tapos akala ko noon ang boypreng ni Ilong eh yung pandak. Maharot kasi yung si Jimeng. Yung dapat na napunta sa height niya, napunta sa kaharutan niya. Habang papa-akyat kami ni Luhan ng kwarto, bigla siyang nagsalita.


"Mukhang wala pa yung Jungen mo ah. Nako baka nambabae na yun." Pinilit kong hindi siya itulak sa hagdan. Tumingin ako sa kanya saka umirap. 


"Paki ko dun? Malaki na siya no. Kaya niya na sarili niya." Walang gana kong sabi. Pumasok ako sa kwarto at humiga na. Pumikit na ako para matulog na sana pero ilang saglit palang ay minulat ko uli ang aking mga mata. Hindi ako makatulog tingini. Kinuha ko yung netbook ko para sana magsulat ng kahit isang chapter lang pero walang pumapasok sa utak ko. Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo. Manonood nalang ako sa living room. Baka sakaling andun si Taehyung, hindi pa kasi umuuwi si Baekhyun eh. 

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now