Twenty-five

84 14 21
                                    

Napag-desisyunan na ng lahat na bumalik muna sa cottage nila at magpahinga. Napagod kasi sila kakahanap kay Dory. Lalong-lalo na si Jungkook, siya kasi ang lagi nilang pinapasisid.

"SEHUN MAH LABS SHOW SHWIT!" Sigaw ni Luhan habang ikinakaway ang kamay niya. Napalingon ang lahat kay Sehun na tumatakbo papunta sa cottage nila habang naka-swimming trunks. Ang hawt ng lolo niyo mga bes. Pak na pak ang abs! Nakipag-apiran naman si Jongin sa kanya. Tropa na nga daw kasi sila.

"Late ka na Sehun! Tapos na kami maligo!" Sabi ni Baekhyun sabay tawa.

"Edi ako nalang maliligo, mwehe." Sabat naman ni Sehun at tumakbo na papunta sa tubig. Sayang naman daw kasi yung swimming trunks niya no.

"Weyt lang bebe! Sama din ako, hihi." Oh, mukhang kilala niyo naman na kung sino yan 'di ba? Wait describe ko, isa siyang malanding usa. Kilala mo na? Mabuti naman. Natawa ang lahat nang madapa si Luhan at sumubsob ang mukha niya sa buhangin. Grabe naman kasing makatakbo ang lola niyo. At eto pa ang malala. Imbis na tulungan siya ng boypren niyang mahaba ang baba, ayun, tinawanan lang din siya.

"MY BEAUTIFUL FEZ! HUHU. HOY IKAW, WAG MO NGA AKONG TAWANAN! BREAK NA TAYO!" Napatigil naman si Sehun sa pagtawa nang sabihin iyon ni Luhan. Agad siyang umahon sa tubig at tinulungan ang maharot niyang boypren.

"Aww, sorry na Lulu. Next time kasi magiingat ka, ha?" Malambing na sabi ni Sehun pero inirapan lang siya nito. "Ihh, sorry na kasi." Parang bata niyang sabi pero wapakels pa rin.

"Kiss mo muna ako." Sabi naman ni Luhan habang nakanguso. Natawa naman ng konti si Sehun bago ito hinalikan sa labi.

"EWWW." Sabay-sabay na sabi nila Kyungsoo at umaktong parang nasusuka.

"SPG OY!" Sigaw naman ni Taehyung sabay tawa ng malakas. Pero siya naman ang tinawanan nila nang maubo ito kakatawa.

"Kyungsoo, tignan mo yung babae dun oh. Ang lagkit ng tingin kay Jongin." Bulong sa kanya ng kaibigan niyang si Baekhyun habang may tinuturo sa kung ano mang direksiyon. Agad na sinundan ng mga mata ni Kyungsoo ang tinuturo ni Baek. And he's right, may grupo ng mga makakating babae na panay ang tingin sa kanyang pinaka-mamahal na Jongin. And take note, naka-two piece swimsuit pa ho sila. Agad na naginit ang dugo ni Kyungsoo at tinignan ng masama ang mga haliparot na kung makatingin kay Jongin ay para na nila itong hinuhubaran. Napangiti si Kyungsoo nang agad na umalis yung mga babae.

Napatingin siya kay Jongin na nakatingin rin pala sa kanya habang nakanguso. Problema nito? Tinignan niya lang ito na para bang hinahanap ang sagot sa kanyang mga mata.

"Hala sige, magtunawan kayo." Napabaling ang tingin nila kay Baekhyun na nakatingin sa kanilang dalawa habang nakapamewang. Nanigas si Kyungsoo nang makaramdam ng mainit na hininga sa bandang leeg niya.

"Are you checking out some guys over there? Don't. I'm jealous."

-------------------

Kyungsoo's POV

"Hyung, labas tayo." Nayayamot na sabi ni Jongin habang nakahilata sa kama niya. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Wala eh, ayaw akong pakawalan. Malay ko ba dito, pagkatapos niyang bumulong sa'kin hindi na umalis sa tabi ko. Are you checking out some guys daw, duh hindi ko siya ipagpapalit no. Tsaka wala naman akong tinitignang mga lalaki dun kanina. Babae, babaeng mahaharot yung tinitignan ko kanina. Or more like, pinapatay. Sana nga totoo nalang yung sinabi ni Jongin, kung nakakamatay lang ang tingin, siguro pinaglalamayan na yung mga yun.

"Ayoko tinatamad ako. Ikaw nalang." Sabi ko at humiga na rin sa tabi niya. Papa-pikit na sana ako nang bigla niya akong yakapin at i-siksik yung mukha niya sa leeg ko. Tingini, nakikiliti ako hihi. Sinubukan kong tanggalin yung pagkakayakap niya sa'kin pero wala, talo ako sa biceps ng koya niyo.

"Date tayo." Bulong niya, dahilan para humagikgik ako ng bahagya. Nakikiliti kasi ako, pucha.

"No." Agad kong sabi. Syempre pa-hard to get muna tayo.

"Dali naaa~" sabi niya saka ako hinila patayo ng kama. Excited siyang tumakbo sa pintuan pero hindi ako sumunod. Liningon niya ako na para bang sinasabi niya na sumunod ako sa kanya.

"Halika na nga." Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Hanggang sa makarating kami dun sa parang bar nung beach ay hawak niya pa rin ako.

"Tsk, ikaw ah. Gusto mo pala na hawakan ko lang yung kamay mo, bakit hindi mo nalang sinabi?" Nakangisi niyang sabi sa'kin. Tinanggal ko naman yung pagkakahawak niya sa kamay ko at inirapan siya. Malay ko bang mapapansin niya yung pagpa-pabebe ko no.

"Che, manahimik ka nga diyan," sabi ko nalang. Ihh, nakakahiya kaya. Kung bakit naman kasi ang landi ko. Hihi. "Ako na mago-order. Anong gusto mo?"  Tanong ko sa kanya.

"Ikaw." Diretso niyang sabi habang nakangisi sa'kin. Tinignan ko lang siya sa mata at mukhang nagets niya naman na hindi ako natuwa sa sinabi niya. "I mean, ikaw bahala. Kung ano na yung sa'yo, ganun nalang din sa'kin." Saad niya sabay kamot ng batok niya. Nagkibit-balikat nalang ako at tumayo na. At dahil hindi naman ako sanay uminom, mild drinks lang yung kinuha ko. Kumuha na din ako ng burgers and fries. Nagulat nga ako merong fries and burgers sa menu nila eh. Taray 'di ba?

Habang naglalakad ako pabalik sa inuupuan namin ni Jongin kanina, napatigil ako nang bigla akong may naaninag na babae. Maharot na babae. Nakaupo siya sa harap ni Jongin. Gaya ng mga nakita ko kanina, naka-two piece swimsuit din siya. Agad na naginit ang dugo ko at padabog na naglakad papunta sa kanila. Habang papalapit ako ng papalapit, unti-unti ko ng naaaninag yung pagmumukha nung babae. At isa siya dun sa grupo ng mga tumitingin kay Jongin kanina. Naiinis ako, kasalanan ni Jongin 'to eh. Kung bakit ba naman kasi ang pogi niya.

Padabog kong inilapag yung in-order ko para sa'min ni Jongin, dahilan para mapatingin sila sa'kin. Agad na nanlaki ang mga mata ni Jongin. Yung babae naman tinaasan ako ng kilay.

"You didn't told me naman na nagorder ka na pala babe." Malanding sabi nung babae habang ako nakatayo pa rin sa harap nila. Si Jongin? Ayun, nakatingin lang sa akin. Ano, wala ka bang gagawin, ha? Hindi mo manlang ba ipagtatabuyan 'tong haliparot na 'to? Akala ko ba date natin? Bigla atang nagiba? Dapat pala hindi nalang talaga ako sumama eh. Nanatiling kalmado ang mukha ko, pero sa totoo lang gusto ko ng ilibing ng buhay 'tong babaeng 'to.

"K-kyungsoo." Rinig kong bulong ni Jongin. Tumingin ako sanay kanya pero nakayuko lang siya.

"Uh, hindi ka pa ba aalis? Nakakaistorbo ka sa date namin." Naikuyom ko ang mga kamay ko nang hawakan nung babae yung kamay ni Jongin. Ayoko na. Hindi ko na talaga kinakaya 'to. Date pala ha? Osige, mag-enjoy sana kayo. Mabilis akong naglakad palabas ng bar. Hanggang sa makarating ako sa isang cottage. Malalim na rin kaya konti nalang ang taong narito sa kinaroroonan ko.  Napaupo nalang ako at naluha. Nakakainis. Oo nagseselos ako. Sino ba namang hindi 'di ba? Lalo na't wala manlang sinabi si Jongin. Hindi niya manlang nagawang paalisin yung babae kanina.

Inis kong pinunasan ang mga luha kong naguunahang lumabas sa mga mata ko. Siguro dito muna ako. Ayoko munang pumunta sa kwarto ko. Alam ko namang dun niya ako unang hahanapin. Porket naka-swimsuit lang yung babae kanina, nakalimutan na niya ako? Tingini. Sinasabi ko talaga bukas na bukas din, isusuot ko na yung kepkep short at tank top na binaon ko.

_____________________________________

NOTE: Hi, hello. Wala lang. HAHAHAHAHA. Feedbacks guyth plith. Kelangan ko talaga ng motivation. Nanunuyot na talaga utak ko. Pigang-piga na siya mga bes.

#RIPToMyBrain

Huehue. Pero salamat pa rin sa mga matiyagang naghihintay sa pagupdate ko. Kung meron man. Hahahaha. Labyu all :* <3

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now