Thirteen

94 14 16
                                    

Kyungsoo's POV

"Jongin pumunta ka dun sa kabilang section. Kumuha ka ng maraming ramen." Nandito kami ngayon ni Jongin sa grocery. Bumibili ng pagkain malamang. Tumango naman siya at naglakad na palayo. Habang ako naman, pumunta dun sa may section ng mga sardinas. Tumingkayad ako para sana maabot iyon. Leche naman hindi ko maabot.


"Argh, hirap talaga ng kinulang sa height." bulong ko habang pilit pa ring inaabot yung sardines. Nagulat naman ako nang may humapit sa bewang ko at hinatak ako pababa. Napatingala ako, Jongin.


"Ang cute mo talaga, hyung." Sabi nito at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Napabaling naman ang tingin ko sa hawak niya. Ang sardinas na kanina ko pa pilit na inaabot ay nasa kamay na niya. Napaiwas ako ng tingin, ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.


Ipinagpatuloy na namin ni Jongin ang pamimili.


"Soo, anong mas gusto mo? Vanilla or chocolate?" Tanong nito sa'kin. Bumibili lang naman po siya ng ice cream.


"Vanilla." Mabilis kong sagot.


Ngumiti siya. "Hindi, chocolate." Nakangiti niyang sabi saka nilagay yung chocolate flavored ice cream sa cart. Hanggang ngayon, alam niya pa rin.


"Hyung, tara dun sa bagong bukas na ice cream parlor!" Masiglang sabi ni Jongin. Gusto ko sanang tumanggi pero, alam ko namang hindi ko matatanggihan si Jongin. Basta pagdating kay Jongin, lagi akong talo. Kahit tutol ako, kahit ayoko, basta kapag si Jongin ang pinaguusapan gora lang.


Nginitian ko muna siya. "Osige. Libre mo ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.


"Syempre! Perfect ko kaya yung summative test namin sa History," proud niyang sabi. First time niya kasing maka-perfect sa History. "At dahil yun sa'yo, hyung" sabi niya saka ako inakbayan. Ako rin kasi ang tutor ng mokong na 'to kapag may hindi siya alam sa subject nila.


"So kapag hindi mo na-perfect yung test niyo kanina, hindi mo 'ko ililibre?" Pabiro kong tanong sa kanya.


"Ililibre pa rin kita no. Mahal kita eh." Gusto ko na sanang kiligin sa sinabi niya pero naalala ko, kaibigan lang pala 'ko. Ngumiti lang ako. Kahit masakit, sige lang. Hanggang dito lang naman ako eh, dapat maging masaya ako na kahit hindi pareho yung nararamdaman namin, magkaibigan pa rin kami. Yun lang naman na yung pinanghahawakan ko eh.


Narating na namin ni Jongin ang sinasabi niyang ice cream parlor. Pumunta kami ni Jongin para umorder.


"Hyung, anong gusto mo?" Tanong niya. Ikaw. Ikaw ang gusto ko. Chos. Luh, kaharutan on fleek nanaman Kyungsoo.


"Chocolate sa'kin." Tugon ko. Humanap na ako ng mauupuan namin.


"Bakit favorite mo yung chocolate hyung? Pati nung pumunta ako sa apartment mo puro chocolate yung nasa ref mo." Tanong niya na parang bata.


"Kakulay mo kasi." Sabi ko sabay tawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin.


"Soo, ayos ka lang?" Napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Jongin. Napakurap ako ng ilang beses bago ngumiti. Teka bat nga ba ako ngumiti?


"Oo. Tara na." Sabi ko nalang. Habang nasa bayaran kami. Yung parang ano dun sa mga grocery stores kapag magbabayad ka. Malay ko ba kung anong tawag dun. Basta yun. Yung babaeng nagpa-punch ng mga binili namin tingin ng tingin kay Jongin. Tapos ngiti pa siya ng ngiti, eh mas maputi pa ako dun sa ngipin niya eh. Ate nagto-toothbrush ka ba? Pwede ng tukain ng manok yang ngipin mo. Kasing kulay na kasi ng mais. Nakakainis.


Napatigil ako sa pagmurder sa babaeng 'to nang may biglang pumulupot sa bewang ko. Napatingin ako kay Jongin. Lumapit siya sa'kin na mukhang may ibubulong.


"If looks can kill, malamang kanina pa pinaglalamayan yang babaeng yan," huminto siya saglit. Ramdam ko ang pag-ngisi niya. "Don't be jealous, baby. Ikaw pa rin naman ang mahal ko." Humiwalay siya sa'kin ng nakangisi pa rin. Curse you Kim Jongin. Ngumiti pa ng isang beses yung babae kay Jongin bago kami umalis. Naiinis na talaga ako. Nakakaselos. What? Nagseselos? Ako? Hell no. Masyado lang kasing malandi yung babaeng yun. Like hello, why flirt when you're on your job? Kalandian everywhere?


Nang makarating kami sa bahay ay wala pa rin akong imik. Umakyat ako sa kwarto ko ng hindi nagsasalita. Ewan ko. Napipi na ata ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Si Jongin yan malamang. Hindi ko naman pinapapasok sina Luhan dito sa kwarto ko, lalong-lalo na si Taehyung. Nako, mukhang tinamaan ng bagyo ang kwarto ko kung sakali mang mapadpad sila dito. Kung si Baekhyun ayos lang, medyo malinis-linis din yun. Pero sino Luhan at Taehyung? Jusko patawarin.


"Kanina ka pa walang imik, Kyungsoo." Rinig kong sabi ni Jongin. Umupo siya sa tabi ko.


"Wala 'to. Dun ka nga. Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Hindi siya natinag sa sinabi ko at umupo lang. 


"Kung tungkol 'to sa nangyari kanina, wag ka ng magselos okay?" sabi niya. Tignan mo 'to. Kapal ng fes. Hindi ako nagseselos no! Humarap siya sa'kin at nginitian ako.


"Sino ba kasing nagsabing nagseselos ako?" Inis kong sabi sa kanya. Ako nagseselos? Utut niya. 


"Ako," Paghinto niya. "Okay lang magselos, Kyungsoo." Yung ngiti niya kanina naging ngisi na. 


"Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako kasi 'di ba, ang landi nung babae. Hindi mo ba napapansin yun? Yung mga tingin niya sa'yo, tapos ngingiti-ngiti pa kala mo naman ang ganda ng ngipin." Sabi ko sabay irap. Ayoko kasi sa mga makakati.  Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya. Tignan mo 'to. Kitang inis na inis na ako dito nakuha pang tumawa. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit feel ko close na ulit na kami? Psh, feel mo lang yan Kyungsoo. Wag ka nga, baka niloloko ka lang niyan ulit.


"Eto naman. Oo na, kunwari nalang hindi ka nagseselos. Ang cute mo talaga." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Okay, what did just happened? Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang paginit nito at nyeta lang dahil pagtingin ko sa salamin, dinaig ng fes ko ang kamatis sa sobrang pula nito. 


"Hoy bakla!" Nagulat ako nang sumigaw si Baekhyun mula sa pinto. Argh, kelangan kong itago 'tong mukha ko dahil kung hindi, tatadtarin nanaman niya ako ng tanong. Lalo na't sigurado akong nakita niya si Jongin na lumabas ng putanginang kwarto na 'to. Kung bakit ba naman kasi may nalalaman pang papisil-pisil ng pisngi yang si Jongin eh. Nako negro kasalanan mo talaga 'to.

_______________________

NOTE: Sorry talaga guys. Feel ko ang gulo nitong story ko huehue.  Don't worreh, aayusin ko na talaga. Pramis huhu. Anyways ulit, salamat sa mga nagbabasa nito at sa mga magbabasa palang :) Sa mga votes and comments, maraming salamat. Love lots <3

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now