Six

122 19 8
                                    

Kyungsoo's POV

"Oh ngayon, ano ng plano mo?" Tanong ni Luhan sakin. Plano? Tungkol saan? Leshe talaga tong si Luhan eh, hilain ba naman ako sa veranda pagkatapos naming kumain! Aba, tapos tatanungin niya ako kung anong plano ko? Te, saan?


"Pinagsasabi mo?" 


"Duh, di ba sa kwarto mo matutulog si negers? So wala kang plano? Kunwari wala lang? Ganern?" Ah, yun naman pala. Well, ayos lang naman sakin. Kelangan ko bang maging affected? It's been 5 years tho. No hard feelings bruh.


"Wala. Di naman ako bitter para maging affected." Oh di ba? Tapang ko no? Pero sa totoo lang naiirita ako. Bat pa kasi pumunta yan dito? Ala na ba yung Krystal niya? Yung jowa niyang may paliparan? 


"Aba naman. Nakamove on na talaga siya oh. Grabe." Siraulo talaga to.


"Of course. It's been 5 years magmula ng bisitahin ko ang impyerno, and I swear hindi na ako babalik dun." 


"Edi ikaw na." Sabi ni Luhan at nanahimik na. For the past years narealize ko na may maganda din namang naidulot yung mga nangyari noon. Kasi kung hindi yun nangyari, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Proud ako na naging tragic yung iba sa memories namin ni Jongin. At least may magandang pumalit, 'di ba? Pero ngayon, andito nanaman siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito at wala akong balak malaman yun. I have plans for my own now. And falling in love again is not in the plan. Ayoko kasi ng sagabal at istorbo sa mga plano ko. Siguro kapag okay na, pwede na ulit. But not now.


"Hoy bakla. May appointment tayo dun sa publishing company nila Mr. Lee bukas. Maaga kang gumising ah." Hala oo nga pala. Nyeta naman kasi ni Mr. Lee eh. Gusto kasi niya tuwing weekends lang ang appointment namin sa kanya. Hay nako, ewan ko ba dun. Mga kaartehan niya. 


"Onga pala. Nakakatamad pumunta sa office. Tapos magsusulat lang din naman tayo dun." Writer kasi kami ni Luhan sa Lee Publishing Company. One of the best selling writers ika-nga nila. Marami na kaming librong nai-publish ni Luhan. At syempre, laging number 1 yun. Halos laging sold out sa mga bookstores. 


"Alam mo naman si Mr. Lee, kakaiba ang trip. Magsusuggest sa'tin ng plot tapos minsan, full details na yung ibibigay. Gusto ko ngang sabihin na, bakit hindi nalang siya yung gumawa ng libro di ba? Duh. Kaya naman niya eh. Iba talaga ang nagagawa ng katamaran." Tinawanan ko siya at binatukan. Gaga talaga to. 


"ARAY! Para san naman yun?" Tanong niya habang hinihimas yung ulo niya. 


"Munggago to." Inirapan niya lang ako. Hay buhay, parang layf. 


"Naalala ko ulit. Andito na nga pala si Jongin." Panimula naman niya. Grabe, ano to? Walang kapagurang pag-alala kay Jongin? Ganern? 


"Oh, ano nanaman yun?" Tanong ko sa kanya na may halong irita. 


"Nagbalik na siya." Wala sa katinuan niyang sabi. Teka nga. Sino ba ang best friend na nasaktan at iniwan noon? Ako di ba? Kung maka-arte 'tong si Luhan akala mo siya yung sawi eh. Mas affected siya ngayon kesa sakin. Ang galeng. 


"Alam ko, gaga ka ba? Andito nga sa bahay natin 'di ba? Dito nga nakatira oh. Mungsiraulo 'to." Napatingin naman siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay. 


"Gaga ang ang point ko is, andito ulit siya. Nagpakita ulit siya. Sa tinagal tagal niyong hindi nagkita, ayan ulit siya oh. Kyungsoo, alam ko lahat ng pinagdaanan mo sa kanya, sa tingin mo ba hindi ako magiging affected?" Hmm, may point nga naman si Luhan. Minsan kahit papano gumagana rin utak neto eh. Nakakaproud lang. Charot. 


"Kaartehan neto." Sabi ko nalang at inirapan siya. 


"Hoy. Pasalamat ka at concerned ako sa pwede mong maramdaman no." Sabi naman niya at nagcross arms pa. Aba, mataray ka na ngayon? 


"Ewan ko sayo. Tsaka, 5 years na no. I'm over it na beh. Nahanap ko na yung sarili ko dito." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Umalis ako dito sa Seoul para magaral sa ibang bansa at para mahanap ang sarili ko pagkatapos kong mawala sa daang tinatahak ko kasama si Jongin. And I'm glad that I made it. I found myself. 


"Talaga? Ingat, andyan na ulit siya oh. Baka mawala ka nanaman." Sabi niya at tinapik-tapik yung balikat ko bago umalis. 


--------------


Nagaayos ako dito sa kwarto nang biglang bumukas yung pinto. Napalingon ako dito at nakita si Jongin na papasok. Hayst. Uso kumatok. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. 


"Ah, sa sahig nalang ako Kyungsoo." Biglang sabi Jongin. Tinignan ko siya at mukhang papunta siya ng banyo. May hawak na twalya eh.


"Talaga namang sa sahig ka ah. Anong akala mo, dito kita sa kama ko papatulugin? No way bruh." Sabi ko at inirapan siya. Napatango nalang siya at tuluyan ng pumasok sa cr. 


Naman eh. Dapat ngayon, nagbabasa na ako ng libro. Pero ngayon, kinailangan ko pang linisin at ayusin tong kwarto dahil may bwisitang dumating. 


Napatigil ako nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang isang Kim Jongin na topless. Nakasuot ito ng gray sweat pants at walang damit pantaas. Grabe, grabe ang abs mga besh. Umiwas ako ng tingin at napamura ng mahina. ANO BA KYUNGSOO, WAG MO NGANG PINAGPAPANTASYAHAN ANG KATAWAN NG CHOCOLATE NA YAN. 


"Jongin, magdamit ka nga. Ayoko ng kulang kulang ang suot sa loob ng kwarto ko." Irita kong sabi. Kainis nemen kese eh! Puta, landi.


"Huh? Pero hindi kasi komportable eh." Pagrarason niya habang nagkakamot ng batok. Ah, ganon? Osige, bahala ka diyan. Malamigan ka sana. Nailing nalamang ako binuksan yung netbook ko. Kelangan ko ng gumawa ng maipe-present kay Mr. Lee bukas. Kesa namang sa company pa ako gagawa no! Sayang oras bes. 


"Uy ano yan?" Napalingon agad ako kay Jongin. Siya lang naman ang kasama ko dito eh. Pero jongina lang dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin. Take note mga bes, topless pa po si Jungen. I can almost feel his breath.


Damn Jongin, layo! Ambaho ng hininga mo!

______________________________

NOTE: Whee~ Short update hahaha. Well kung sabagay, kelan ba ako nagupdate ng mahaba? Chos. Siguro yung next update ko dito next week na. Huhu, sobrang busy ko kasi these days. (Oh talaga ba?) Basta weyt niyo nalang. Mawiwindang kayo HAHAHAHA. Charot. Salamat sa mga nagbabasa nito :) Kung meron man. Votes and comments are highly appreciated :) Mahal na mahal ko kayo huehue. Mukha akong nagfefarewell speech dito HAHAHA. Love lots <3

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now