Nine

95 16 16
                                    

Jongin's POV

"EOMMMAA!!" Nagising ako dahil sa isang sigaw. Pinilit kong bumangon at bahagyang sumilip sa may pintuan. Pumasok ulit ako sa loob at napansing wala na si Kyungsoo sa kama niya. Baka pumasok na sa trabaho. Napaupo ako sa kama niya at pinadaan ang mga palad ko dito. Naalala ko yung paguusap namin nung isang gabi. Nasabi ko na. Nasabi ko na sa kanya. Pero bakit parang anlabo na nung chance na maibalik pa namin yung dati? Huminga ako ng malalim at kinuha yung phone ko. Tatawagan ko si Chanyeol. Ilang ring lang ay sinagot niya din.


"Oh Kai, napatawag ka? Kamusta diyan?" Bungad niya nang sagutin ang tawag ko.


"Ayos lang naman Yeol. Nga pala, I found him." Sabi ko habang nakangiti.


"TALAGA?!" Pabulyaw niyang sagot. Inilayo ko naman ng kaonti yung phone sa tenga ko. Bat ba ang hilig sumigaw ng mga tao ngayon?


"Yeah, hindi naman ganun kahirap na hanapin siya eh. Actually, he's your boyfriend's best friend." I said. Napatawa naman siya.


"Andiyan lang pala kay Baek yung hinahanap mo eh. Yang si Baek kasi hindi masyadong nagkukwento, ang madalas niyang i-kwento yung Luhan at Taehyung." Sabi niya. Nagtaka naman ako. Hindi siya nagkukwento? Bakit?


"Ah ganun ba. Sige Chanyeol, yun lang naman yung sasabihin ko," napatawa ako. Oo nga, tinawagan ko siya para sabihing nahanap ko na si Kyungsoo. "Sorry sa istorbo. Call me if there's something about the company. Bye~" sabi bago ibaba ang tawag. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Si Kyungsoo.


"Good morning." Bati ko sa kanya, pero tinignan niya lang ako. Napabuntong hininga ako at palihim na ngumiti ng mapait. Malabo, malabo na nga. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para sumuko, Jongin. Hindi, ayoko, ayokong sukuan si Kyungsoo. Hindi ko na siguro ulit kakayaning mawala siya. Hindi ko siguro ulit makakayang walang Kyungsoo sa buhay ko. Iniisip ko palang, parang ang hirap na. Napabalik ako sa wisyo nang maramdamang basa na ang mga pisngi ko.


I didn't noticed that I already am crying. I laughed bitterly and wiped my tears. Naaalala ko nanaman yung mga panahon na maayos kami ni Kyungsoo.


Andito kami ni Kyungsoo ngayon sa cafeteria. Lunch hour kasi namin. Kinalabit ko siya sa balikat habang nakapila siya.


"Kyungie~" Napatingin siya sakin.


"Oh? May ipapabili ka nanaman? Wala akong pera, negro." Natawa naman ako sa kanya. Tadtad talaga ako ng lait pagdating dito.


"Bilhan moko nun~ Pleaseu?" Sabi ko at nag-puppy eyes sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin.


"Wag ka ngang mag-puppy eyes diyan. Ampanget mo." Sabi niya at tumawa. Bwisit talaga to. Napangiti naman ako nang makitang naghugis puso nanaman yung mga labi niya. It's my favorite. Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya kaya naman napatigil siya.


"Pasalamat ka dahil cute ka at hinahayaan kitang lait-laitin ako." Sabi ko sa kanya. Napangisi ako at binitawan siya. Inirapan naman niya ako at bumili na siya ng pagkain. Binigay naman niya sakin yung pagkaing pinabili ko sa kanya kanina.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now