Twenty-seven

81 12 16
                                    

Kyungsoo's POV

"Hoy wag kayong magulo!" Ayan nanaman ho sila. Maingay nanaman. Kung mapapansin niyo, magmula nang magsama-sama kami umingay na ang paligid. Nako, ganun talaga. Lalo na kapag yung mga kasama mo parang nakalunok ng megaphone.


"OWEMJIII!!" Nagulat kami nang biglang sumigaw si Baekhyun sabay takbo nito papasok sa isang boutique. Andito kasi kami sa isang mall. Gumala-gala na kami kasi last day na namin dito ngayon. Sadlayp. Uuwi na kami bukas ng madaling araw kaya sinusulit na namin.


"Jusko, eyeliner nanaman." Naiiling na sabi ni Luhan. Nakakita nanaman ng makeup boutique 'tong si Baekhyun. At kapag sinabing makeup at Baekhyun, automatic ng eyeliner yan. Ewan ko ba diyan, gustong-gusto ng eyeliner eh nagmumukha lang naman siyang puyat, lalo na kapag nasobrahan niya yung lagay. Pagbalik niya sa'min may dala na siyang dalawang paper bag. Pagtingin ko sa loob, puro eyeliner, lipstick, lip liners at kung ano-ano pa.


"San ka kumuha ng pambili niyan?" Hindi naman sa iniisip kong pulubi 'tong baklang 'to pero sobra naman kasi yung binili niya no.


"Credit card." Nakangisi niyang sabi sabay wagayway ng cars na hawak niya sa pagmumukha ko.


"At san naman nanggaling yan? Ninakaw mo no?" Pambibiro ko sa kanya. Hinampas niya naman ako at inirapan.


"Galing 'to dun sa katrabaho ko," huminto siya at ibinulsa yung card. "Nilibre niya ako noon sa isang restaurant tapos ako pinag-order niya. Ayun, naiwan niya yung credit card niya sa'kin." Sabi niya na ipinagtaka ko naman.


"Hindi mo manlang ibinalik?" Tanong ko sa kanya.


"Binalik ko syempre! Pero sabi niya sa'kin nalang daw, tutal marami naman siya nun. Tsaka, grasya 'to no! Tanggapin nalang!" Binatukan ko naman siya. Gaga talaga 'to.


"Sino ba yang yayamanin mong katrabaho?" Tanong ko sa kanya. Curious lang ako no. Malay mo pwedeng utangan, 'di ba? Tsaka malay niyo bigyan din ako ng credit card. Oh, bongga!


"Si Suho." Tipid niyang sabi. Suho? Yun ba yung pandak (pareho kami) na katrabaho niya?


"Yung maputi na medyo kinulang rin sa height?" Tanong ko na ikinatawa naman niya.


"Oo yun." Ah. Eh mukha naman kasi talagang mayaman yung lalaking yun. Nakakapag-taka nga na kahit ang yaman na niya nagtatrabaho pa rin siya.


"Baby." Napalingon ako kay Jongin.


"Bakit nanaman, negro?" Napanguso naman siya. Jusko, hindi pa ba siya nasanay sa pagtawag ko sa kanya ng ganyan? Magmula noon ganyan naman na ang tawag ko sa kanya.


"Hyung, saan ba tayo pupunta? Gutom na ako, tara na sa cafeteria!" Pagmamaktol ni Jongin habang naglalakad kami papunta sa library.


"Hoy negro, manahimik ka diyan. Kung gusto mo mauna ka na sa cafeteria, ako na bahala dito." Inis kong sabi sa kanya. Nakita ko naman siyang napanguso. Gutom na daw siya pero nakasunod pa rin sa'kin. Baliw talaga 'to. Pagpasok namin ng library, agad akong binati ng librarian. Close kami, wag kayong ano. Pumunta agad ako sa history section at hinanap ang librong kakailanganin ko para sa report namin next Monday. Nang makita ko ito ay agad ko itong ipinabitbit kay Jongin.

Like We Used To [Kaisoo] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant