Eight

112 17 27
                                    

Kyungsoo's POV

Pagka-uwi ko, agad akong pumunta sa kwarto ko. Pero pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sakin si Jongin na kakalabas lang ng banyo.


"Ay topless." Syet. Sinara ko agad ang pinto at sumandal dito. May nakapulupot lang kasi na twalya sa bewang niya at isa sa leeg niya. Exposed din ang absh mge besh. Tingini Kyungsoo landi mo. Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto sa likod ko dahilan para mapasandal ako sa kanya. Umayos ako ng tayo at deretsong pumasok sa loob. Grabe ang awkward. Mabuti nalang at nakadamit na siya. Dahil kung hindi, baka hindi ako makapag-pigil. ANO BA KYUNGSOO!


"San ka nang-galing? Paggising ko kasi wala ka na eh." Bigla niyang tanong. Pake mo ba? Asawa kita? Charot. Asa naman no.


"Wala kang paki alam." Walang emosyon kong sabi.


"Kyungsoo." Ayan nanaman siya. Ayan nanaman yang boses na yan. Leche ah. Alam na alam talaga kahinaan ko eh no? Bakit ba kasi hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto mo sa'kin Kim Jongin?


Bakit ba kahit na sobrang sakit nung mga nangyari noon nagagawa ko pang tiisin na nandito ka?


Napabuntong hininga ako bago siya sagutin. "Galing ako sa trabaho." Sagot ko at umupo sa kama.


"Oh? Ano namang trabaho mo dito? Writer ka na ba?" Saad niya. Alam niya pa rin pala kung ano talaga ang gusto ko hanggang ngayon.


"Oo, sa Lee Publishing Company." Sabi ko nalang. Alam ko namang hindi titigil yan hangga't wala akong sagot eh. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.


"I missed you." Sabi niya at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko. No, this is not right. Mali to. Itulak mo siya Kyungsoo! You're not supposed to let him hug you. Nanlaki ang mata ko at itinulak siya, dahilan para magkalayo kami.


"M-matulog ka na. Wag mo nga akong yakapin. A-ang baho mo leche ka." Pautal kong sabi kahit alam kong kakaligo niya lang. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nyeta naman eh. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Naabutan ko namang nakaupo yung magina dun.


"Oh, gising pa kayo?" Tanong ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Taehyung.


"May hinihintay kasi kami ni Eomma." Sabi niya. Luh, ano naman kayo yun?


"Ano naman yun?"


"Hinihintay lang namin yung Thomas and Friends, eto kasing Tom and Jerry antagal matapos eh." Sabi niya sabay subo ng pop corn. Munggago, naghihintay lang pala ng Thomas and Friends. Bwisit talaga 'tong mga 'to. Mga abnormal.


"Baliw." Tanging nasabi ko. Nagreklamo naman si Taehyung pero hindi ko siya pinapansin. Kesyo maganda naman daw yung Thomas and Friends, kj lang daw ako.


"Lately napapansin ko, parang madalas kang nas-space out. Ano bang problema?" Tanong sakin ni Baekhyun. Wala naman sigurong masama kung malaman ni Baekhyun na si Jongin yung lalaking kinuwento ko sa kanya di ba? May karapatan din naman siyang malaman kung sino talaga yun.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now