Three

161 22 27
                                    

Jongin's POV

I went to a hotel and checked in nang makarating ako dito sa Seoul. So, where to start? San nga ba ako magsisimula? Anbayan, Jongin. Umaariba nanaman yang katangahan mo. Dapat kasi nagplano ka muna! Hindi yung padalos dalos! Shunga shunga naman eh, exited lang makita si Kyungsoo? Napatigil ako sa pagiisip nang biglang magring ang phone ko.


"Yeoboseyo?" Sagot ko sa kabilang linya.


"Oh ano, nakarating ka ba ng maayos diyan?" Tanong ni Chanyeol.


"Yeah. Nagcheck in muna ako dito sa hotel."


"Whut? Bruh, hindi ko ba nasabi na nandiyan yung boyfriend ko ngayon at sa kanya ka muna pansamantalang titira?" Takang sabi ni Chanyeol. Gegeu meron naman pala akong matutuluyan eh, gumastos pa ako tingini.


"Wag na Chanyeol." I said.


"Anong wag na? Siraulo ka ba? Sang hotel ka ba naroon at ipapasundo kita sa kanya." Sabi naman ni Chanyeol. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Pero hindi ba yun nakakahiya sa boyfriend niya? Tsaka di ko naman kilala yung boyfriend niya ah? Malay ko kung anong itsura nun. Sinabi ko kay Chanyeol kung nasang hotel ako at kung anong room number ko. Maya maya lang ay biglang may kumatok sa pintuan ko. Siya na kaya yun?


Agad akong tumayo para buksan ito. Bumungad naman sakin ang isang lalaking medyo may kaliitan at naka-eyeliner. Eto ba yung boyfriend ni Yeol? Grabe rin kamandag nun ah. Biruin mo nakakuha ng ganitong boyfriend? I wonder kung magkano binayad niya dito. Chos.


"Ikaw ba si Kim Jongin?" Tanong nito sakin habang nakangiti.


"Ah, oo. Anong kelangan nila?" Tanong ko kahit alam kong baka ito yung boyfriend ni Yeol. Naninigurado lang.


"Oh, I'm Byun Baekhyun. Chanyeol's boyfriend. Tinawagan niya ako to pick you up." Sabi nito sakin.


"Oh, right." Tanging nasabi ko nalang.


"Pack your things now, Jongin. Nasabi naman siguro ni Yoda sayo na sakin ka titira di ba?" Paninigurado nito. Oo sinabi niya sakin, kani-kanina nga lang eh.


"Yeah, sinabi niya sakin. But maybe I'll just move tomorrow. May aayusin pa kasi ako eh. Just give me your address and I'll take care of it." Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at binigyan ako ng piraso ng papel kung saan nakalagay yung address niya. Nagpaalam na siya para umalis. I sighed and sat on my bed. Siguro kelangan ko munang mahinasmasan. Nilagay ko sa bulsa ko yung papel na binigay ni Baekhyun at lumabas muna ng hotel.


6:30 na ng umaga pero marami-rami na din ang mga taong naglalakad dito. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa makakita ako ng isang cafe. Naglakad ako papunta roon at tinignan ang pangalan nito. Pumasok ako at pumunta sa counter. Grabe ang bango naman dito.


"Good morning sir, welcome to Marc Cafe. May I take you order?" Magalang na bati sakin nung babae dito sa counter.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now