Fifteen

96 13 9
                                    

Jongin's POV

Tuwang-tuwa ako kasi halata namang nagseselos si hyung dun sa babae kanina. Ang cute cute talaga niya kapag naiinis. Pero panira lang talaga yung kaibigan ni Taehyung eh. Okay na eh, nadiskartehan ko na si hyung tapos bigla siyang eentrada. Nako hindi maaari. Ngayon pa't feel kong nagkaka-chance na ako kay Kyungsoo. Di hamak namang mas pogi ako dun no. Maputi lang siya. Psh.


Tapos balak pang makitulog sa kwarto namin ni Soo. Hindi pwede. Well, pwede naman, pero sa sahig siya no. Kami ni Kyungsoo ang magkatabi. Ano siya, sinuswerte?


"Jongin, may party nga pala sa company namin together with Lee Company sa susunod na araw. Sama ka ah." Tanong sa'kin ni Baekhyun.


"Sasama si Kyungsoo." Sabat naman ni Luhan. Nga pala, yung boypreng niyang si Sehun. Andito pa rin. Tropa na nga kami eh.


"Sige, basta kasama si hyung." Sagot ko at ngumiti.


"Sa sahig ka ba pinapatulog ni Kyungsoo?" Tanong ni Baekhyun sa'kin.


"Oo, hindi naman kasi pwedeng tabi kami no." Sabi ko nalang. Nagulat ako nang sabay na napatingin si Luhan at Sehun sa'kin. 


"Pero gusto mo na tabi kayo?" Tanong ni Luhan habang nakangisi. Agad naman akong umiling. Magtatabi kami ni Kyungsoo sa kama kapag honeymoon na namin. Ahehe.


"Asus kunwari ka pa eh." Sabi nito. Akala ko ba alam niya lahat ng tungkol sa'min ni Kyungsoo? Eh bakit parang mas gusto niya pang mapalapit kami ngayon?


--------------------


Kyungsoo's POV

Dumeretso ako sa kwarto namin nang natapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin. Oo, ako ang naka-sched ngayon at jongina lang dahil andami kong hinugasan. Imbis na iilan lang biglang nadagdagan dahil kina Jungkook. Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko si Jongin na nakaupo sa kama ko.


"Oh, ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.


"Hindi ko mahanap yung mga kumot at unan na ginagamit ko. Hindi naman pwedeng kunin ko yang sa'yo kasi wala kang gagamitin." Pagpapaliwanag niya with matching kamot batok pa. Napabaling ako sa kama ko. Onga, wala nga dun. Bakit ngayon ko lang napansin? 


"Saan naman mapupunta yun? Naglakad ganern?" Jusko hindi pupwedeng tabi kami ni nognog no. Tsaka wala na kaming extra dahil gagamitin nila Jungkook at hindi pa nagpapa-laundry si Luhan. Aish. Pano na 'to?


"Tabi nalang tayo." Sabi niya habang nakaiwas ng tingin. Utut mo Jongin. Mamaya halayin mo 'ko eh. Chos. Umaariba nanaman kalandian mo Kyungsoo. Isang gabi lang naman. Pwede na akong magpa-laundry bukas. Huminga ako ng malalim bago siya tinignan.


"Oo na. Wala naman akong choice eh." Sabi ko nalang. Buhay pa kaya ako hanggang bukas?

---------------------------x

"Sigurado ka ba sa ginawa natin?"


Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now