Sixteen

84 13 26
                                    

"KYUNGSO, JONGIN! GISING NA! Aba anong oras na oh!" Isang malakas na sigaw with matching kalabog ang gumising sa natutulog na diwa ni Jongin. Pilit naman itong  napabangon. Napatingin siya kay Kyungsoo na ngayon ay tulog pa rin. Lumapit siya dito at kinalabit.


"Hyung gising na." Sabi niya pero mukhang nae-enjoy ata ni Kyungsoo ang panaginip niya dahil hindi pa rin ito gumigising. Napakamot nalang ng batok si Jongin.


"Kyungsoo gising na~" malambing na sabi niya sabay tapik sa pisngi nito.
"Baby wake up~" muli niyang tinapik si Kyungsoo sa pisngi at lumapit ng kaunti rito. Dahan-dahan namang iminulat ni Kyungsoo ang kanyang malalaking mata. Okay, sorry na agad. Agad na nanalaki ang mata ni Kyungsoo nang maalimpungatan siya at nakitang sobrang lapit ng mukha ni Jongin sa kanya.


"Pitingini naman Jongin eh. Lumayo ka nga, ang baho ng hininga mo jusko." Pasimpleng sabi nito sabay upo sa kama niya.


"Psh, hininga ko lang pala makakapag-pagising sa'yo eh." Nakangising sabi ni Jongin. Agad naman siya inirapan ni Kyungsoo.


"Proud ka pa diyan sa mala-imburnal mong hininga ah. Magtoothbrush ka na nga! Nang mawala naman yang imbakan ng basura sa bunganga mo." Napa-pout nalang si Jongin sa sinabi niya saka pumunta ng banyo. Napahilamos nalang ng palad sa mukha si Kyungsoo. Jusko umagang-umaga pagmumukha ni Jongin ang bumungad sa'kin. Baka naman sa susunod katawan na niya. Napa-iling na lamang si Kyungsoo.


"Ang landi talaga ng lahi ko." Bulong ni Kyungsoo saka tumayo. Kumuha siya ng twalya at mga damit. Malamang, maliligo kasi siya. Kaya nga may bitbit na twalya eh. Naunang bumaba si Jongin kaya naman medyo nagtagal pa si Kyungsoo sa banyo. Pagbaba ni Kyungsoo, naabutan niya sina Luhan na kumakain. Sina Jungkook umuwi na kahapon, pati na rin si Sehun.


"Oh Kyungsoo, kamusta concert natin sa banyo?" Tanong ni Baekhyun saka tumawa. Kingina sige tawa pa. Mabulunan ka sana. Umupo si Kyungsoo sa tabi ni Jongin dahil yun nalang ang naitirang space. Kung nagtataka man kayo kung paano sila nagkasya kahapon sa hapag-kainan na ito kasama ang mga barkada ni Taehyung at si Sehun ay hindi ko rin alam.


"Nga pala Kyungsoo, si Taemin nagtext kanina." Saad ni Luhan habang punong-puno ng kanin yung bunganga niya. Kaya ayun, nagtalsikan ng kanin sa kahit saan.


"Andugyot mo Luhan. Umayos ka nga!" Pagsuway naman ni Baekhyun sa kanya a.k.a ang kanilang ina. Chos.


"Oh, ansabi daw?" Tanong naman ni Kyungsoo.


"7:00 pm daw ang party. Open siya until 1:00 in the morning." Sagot ni Luhan sa kanya. "I heard parang decent bar daw yung venue? I don't know. Ikaw Baek, may nasabi ba sa inyo yung CEO niyo?" Tanong ni Luhan na agad namang inilingan ni Baekhyun. Itong si Baekhyun hindi masyadong updated pagdating sa mga ganyan. Updated lang siya kapag may bagong fafa sa company nila. Pero syempre si Chanyeol pa rin ang mahal niya.


"Sasama ka Jongin, 'di ba?" Tanong ni Luhan. Tumango nalang si Jongin kasi may pagkain pa ang bunganga niya. Ayaw niya daw matulad kay Luhan na libre shower ng kanin.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now