Fourteen

98 15 13
                                    

Kyungsoo's POV

"Bakit ganyan yang pagmumukha mo?" Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Hoy Kyungsoo umamin ka nga, sinaktan ka ba ni Jongin?" Tanong niya ulit.

"Bobita, hindi." Sagot ko sa kanya. So ano jinombag ni Jongin 'tong mukha ko kaya namula ng ganito? Tanga lang?

"Eh anong nangyari diyan sa mukha mo? Bat nanumula ng ganyan?" Tanong niya ulit habang matamang tinititigan ang mukha ko.

"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo? Pang-ilang tanong mo na yan? Inis kong sabi sa kanya. Nako pigilan niyo 'ko nang-gigigil ako dito.

"Ewan ko. Alangan namang bilangin ko 'di ba?" Pilosopo talaga 'to. Wow Kyungsoo hiyang-hiya siya sa'yo.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin kung anong nangyari diyan?" Inip niyang tanong. Oo nga naman Kyungsoo, bakit ba ayaw mong sabihin? Wag mo sabihing affected ka dun sa nangyari kanina? Hindi no! Nakakahiya lang kasing sabihin kay Baek na si Jongin ang dahilan ng mala-kamatis kong mukha. Layk jongina lang, normal ba yun? May past kami at alam kong hindi tama 'to. Hindi tamang mahulog ulit ako sa kanya. Tama, hindi na dapat ulit ako mahulog, hindi ko na dapat siya mahalin ulit.

"Hoy Kyungsoo, anong sinasabi mo diyan?" Napatingin naman ako kay Baekyun. Ako may sinasabi? Meron nga ba?

"Hindi pa nga ako nagsasalita eh. Lutang ka ba?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi, may sinabi ka eh. Narinig ko sabi mo, hindi na dapat ulit ako mahulog, hindi ko na dapat siya mahalin," Huminto siya at tinignan ako ng makabuluhan. Shit, nasabi ko ba yun ng malakas? Tanga mo Kyungsoo. "Tungkol ba kay Jongin?" Sunod niyang tanong. Napayuko nalang ako.

"Kyungsoo baka naman nagkakamali ka lang." Nagkakamali? Paanong nagkakamali?

"Baka naman hindi ka talaga naka-ahon. Baka naman iniisip mo lang na hindi mo na siya mahal para makumbinsi mo yang sarili mo na naka-move on ka na talaga. Kahit ang totoo eh mahal mo pa rin siya, at patuloy na minamahal. Mas lalo kang nahuhulog sa kanya nang hindi mo nalalaman." Tinignan ko siya. Tears started to form in my eyes. Hindi ko alam pero para bang naiyak ako sa mga sinabi niya. Posible ba? Posible ba na mahal ko pa rin siya?

"Kyungsoo hindi mo pwedeng sabihing mali 'to dahil unang-una pa lang, you didn't fall out of love. Kung takot ang nagiging dahilan kung bakit mo nasasabing mali na mahalin mo siya, oh please. Para mo na ring pinarusahan yang sarili mo because you aren't able to make yourself happy. Pinagbabawalan mo yang sarili mong sumaya." Sabi naman niya. Mahal ko pa nga ba siya?
"Oh, anong nangyayari dito?" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Luhan na nagaalalang nakatayo sa pinto. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako, at doon na nag-unahang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinagod niya ang likod ko. Alam kong alam niya kung bakit ako umiiyak. Isa lang naman ang nagiging dahilan ko para umiyak eh, si Jongin.

Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha ko. Syet mukha kaming magjowa.

"Wag ka ng umiyak, Kyungsoo. Papangit ka niyan sige ka." Agad ko naman siyang binatukan. Bwisit talaga 'to. "Ano nanaman bang ginawa ni Jongin? Nag-grocery lang kayo tapos paguwi mo nagiiiyak ka na diyan." Isang-isa pa talaga makakakita na kayo ng flying Luhan dito.

"He's confused." Sabat ni Baekhyun. Confused, the best word to describe what I am feeling right now. Luh English.

"Sinasabi niya sa sarili niya na hindi niya na mahal si Jongin, kahit ang totoo naman eh mahal niya pa rin ito." Pagpapaliwanag ni Baekhyun.

"Alam ko." Nagulat ako sa sunod na sinabi ni Luhan. "Alam kong mahal mo pa rin siya. At mahal ka rin niya." You've got to be kidding me. Oo sinabi sa'kin ni Jongin na mahal niya ako, pero hindi naman yun ganun kadaling paniwalaan.

"Hindi sa kinakampihan ko si Jongin pero, why won't you give him a chance?" Giving him a chance means I have to trust him again. "Second chances aren't that bad, right?" Dagdag pa niya. Huminga ako ng malalim.

"Maybe." Tanging sagot ko. Nginitian nila ako at niyakap.

"Don't worry, we always have your back. Andito lang kami, don't forget that okay?" I'm so lucky to have friends like them. Hindi ko ata alam ang gagawin ko kung wala sila. I wonder kung anong nagawa ko para bigyan ako ni Lord ng mga kaibigan na tulad nila.

----------------------

"Hyung, patulog ako sa kwarto no mamayang gabi." Napabaling ako kay Yoongi na prenteng nakaupo sa sofa. Feel at home talaga ang gago.

"Hindi pwede. Wala kang tutulugan dun." Sabi ko naman. Tsaka andun si Jongin no. Alangan namang tabi kami ni Yoongi sa kama. Nako hindi, ipapa-salvage ako ni otor.

"Tabi nalang tayo." Sabi niya habang naka-pout. Mahal ko pa buhay ko, gilagid. Andito naman si otor oh. Sa kanya ka nalang makitulog, yieee. Nagulat ako nang umupo si Jongin sa pagitan namin ni Yoongi, dahilan para mapakunot itong noo. Anmeron?

"Okay lang namang matulog si Yoongi sa kwarto. Basta ako ang katabi mo." Sabi niya sabay kindat sa'kin. Luh.

"Hyung. Kaibigan mo ba talaga 'to o boyfriend mo?" Tanong ni Yoongi habang nakatingin kay Jongin.

"Boyfriend," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jongin. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "I'm his boyfriend." Paguulit niya. Pinagsasabi nito? Assuming din eh.

"No. No Yoongi, he's not my boyfriend. Keep that in your mind okay?" Sabi ko at tinignan si Jongin na ngayo'y nakangiti pa rin. Yung ngiting maaasar ka.

"Oh c'mon babe. Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya na boyfriend mo 'ko?" Saad ni Jongin habang naka-pout. Mukha talaga siyang pato.

"I hate you." Tanging sagot ko. Nagpipigil ako pota.

"I love you too." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumayo na siya at pumunta sa kusina.

"Hyung, okay ka lang? Namumula ka." Alalang tanong ni Yoongi. Inamo ka gilagid. Oo na, namumula na ako. Nyeta naman kasi eh. Jongin eh, lakas eh. Bwiset.

"Ayos lang ako. Onga pala, hindi ka pa rin pwedeng matulog sa kwarto ko." Sabi ko at tumayo na rin. Seryoso mga bes, ansakit nila sa utong. Lalo na yang si Jongin. Hindi ko alam kung anong tinira ng negrong yan at nagkakaganyan siya. Feel ko nabawasan katol namin dito sa bahay eh. Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko, namin ni Jongin. Argh, ano bang nangyayari sa'yo Kyungsoo? Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ang gulo, ang gulo na ng nararamdaman ko. Send help, ples.

_____________________________

NOTE: Alam kong medyo madrama yung una. Hahahaha. Sorna agad. Thank you sa mga sumusuporta :) Sa mga votes and comments niyo, maraming salamat! Unedited po 'tong chapter na 'to kaya kung may makita man kayong mali ay pagpasensyahan niyo na hahahaha. Love lots <3

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now