Twenty-four

93 15 26
                                    

Hi, hello. Wala lang. Sige na magbasa na kayo, wag niyo ng pansinin mga pinagsasasabi ko hahahaha. Unedited nga pala 'to so kung may typos man, pasensya na hahaha.

Tsaka onga pala, sorry kung medyo matagal-tagal na walang update ang walangya niyong otor. Na-el niño utak ko eh, nanuyot HAHAHAHA.

-----------------------------

Jongin's POV

Andito kami sa isang cottage malapit sa dalampasigan. Kakatapos lang namin kumain at nakapag-linis na rin kami ng mga mukha namin. Mabuti nga at hindi kami pinaalis dun sa restaurant kahit sobrang nagkalat kami. Yung cake kasi ni Hoseok, pagkatapos naming kumain, itong si Yoongi nag-revenge pt. 2 sa'min. Pinagbabato kami ng cake, as in kasama pa yung tinapay. Leche.


Wala pang nag-aayang maligo dahil kakatapos pa nga lang naming kumain. At mukhang inaantok sila. Habang pinagmamasadan si Kyungsoo na tahimik na nakahiga sa lap ko, biglang nagvibrate yung phone ko. Si Sehun nagtext.


"Luhan, on the way na daw si Sehun." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa phone ko. Nagulat naman ako nang bigla niya itong hablutin.


"Omeghed, I'll weyt por u Sese. Ahihi." Kinikilig niyang sabi habang kausap ang phone ko. Muntanga lang.


"Ay, sarreh." Ibinalik naman niya sa'kin ang phone ko. Ibinalik ko ito sa bulsa ko at muling tinignan si Kyungsoo. He's really beautiful. I could stare at him forever. Those innocent eyes that could capture you, his eyelashes, his nose, and his heart shaped lips. Those tempting lips that makes me want to kiss him every time he smiles. Kahit siguro mapudpod labi ko kakahalik kay Kyungsoo okay lang.


"Jongin, matunaw naman." Napa-angat ako ng tingin kay Baekhyun. Tumawa sila kaya nakisabay nalang ako.


"Tara swimming na tayo!" Pag-aaya ni Jimin sa'min.


"Wait lang. Oy Hoseok, bilhan mo ng salbabida 'tong si Jimin. Mamaya malunod eh." Pang-aasar sa kanya ni Yoongi kaya naman binatukan siya ni Jimin. Nagtawanan naman kaming lahat. I must admit that they're really cute when they're together. Naaalala ko yung mga asaran namin dati ni Kyungsoo sa kanila. Lalo na't medyo brutal din 'tong si Jimin. Napabaling ako kay Kyungsoo nang umalis siya sa pagkakahiga sa lap ko.


"Hindi na kailangan ng salbabida! Oh eto, hawak ka nalang sa baba ni Hoseok." Sabi naman ni Baekhyun kaya mas lalo kaming natawa.


"Che! Tara na nga!" Inis na nag-martya si Jimin papunta sa dagat.


"Teka, magbabanyo lang ako." Napatingin ako kay Kyungsoo. Tumayo siya at naglakad na papunta ng comfort room. Tumayo rin ako para sundan siya.


"Sundan ko lang." Sabi ko sa kanila habang nakangiti.


"Hoy Jongin, behave ah. Baka mamaya pagbalik niyo malaki na tiyan ni Soo. Nako hindi kita mapapatawad." Sabi ni Luhan na ikinatawa ko. Naglakad na ako papunta sa men's comfort room. Alangan namang pumasok siya sa pambabae 'di ba? Pagpasok ko, sinigurado ko munang wala ng tao bago ko ni-lock ang pinto. Nakita ko si Kyungsoo na kakalabas lang ng cubicle.

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now