Twenty-eight

83 9 15
                                    

Jongin,

Ano ng nangyayari? Bakit ganon? Nilalayuan mo ba ako? Bakit? May nagawa ba ako? Kung meron man, sana naman sabihin mo. Best friend moko di ba? Kapag kakausapin kita bigla ka nalang aalis. Hindi pa ako nakakalapit sayo naglalakad ka na palayo. Bakit ka ba ganyan? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Yung friendship na nga lang yung pinanghahawakan ko tapos mawawala pa. Kayo na din pala ni Krystal. Grabe sa ibang tao ko pa talaga nalaman ah. Nag-expect ako na baka balak mo ring sabihin yung tungkol dun that day kaso wala.

Ni hindi mo nga ako nilalapitan eh. Hinintay kita sa gate noon hangga't wala ng taong natira sa loob ng campus. Nagtanong-tanong ako at nakita ka daw nilang umalis kasama si Krystal. Naghintay ako ng ilang araw kasi umaasa akong sasabihin mo yun. Gusto ko lang kasing marinig yun mula sayo. Kaso wala pa rin. Siguro nga wala kang balak sabihin yun sakin. Hinayaan kita na kasama siya. Kahit ang totoo, sobrang sakit na. Weeks had passed, hindi mo na ako kinakausap. We don't talk anymore na ang peg natin. Hindi mo na rin ako sinasamahan sa library tuwing review para sa mga exams.

Mukhang nakalimutan mo na nga rin yung birthday ko eh. Ni hindi mo manlang ako binati. Grabe ka. Sa lahat ng okasyon, birthday ko pa talaga ang nakalimutan mo. I don't know what to do anymore. Nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan kasi wala naman akong karapatan. Di ba? Ano nga ba ako sa'yo? Kaibigan. Isang hamak lang naman akong kaibigan. Tayo? Walang ganun. Walang tayo. Hahaha. Ang sakit pala talaga no? Ang sakit pala aminin sa sarili ko, ang sakit tanggapin at ipamukha sa sarili ko na kaibigan lang ako. Na kahit kailan hinding-hindi magkakaron ng tayo.

Hindi naman sa hindi ako kuntento sa pagiging kaibigan mo pero Jongin, nagmamahal lang ako. Kung ikaw ang nasa posisyon ko alam kong maiintindihan mo ako. Pero ang malas ko kasi hindi. Ako na rin ang nagsosorry kung may nagawa man ako sa'yo na naging dahilan mo para layuan ako. Huling sulat ko na 'to sa'yo kasi aalis na rin naman na ako. Sana maging masaya ang buhay mo, buhay mo na kasama siya. Lagi mong tatandaan yung lagi kong sinasabi sa'yo ah?

The more you love, the more you hurt. But as they say, love and you'll hurt, but love even more.

Magmahal ka kahit sobrang sakit na. Magmahal ka kahit nagmumukha ka ng tanga. Kapag napagod ka, magpahinga ka. Pahinga lang, wag kang susuko. Kasi ang pagmamahal sa isang tao, hindi nasusukuan. Mapapagod ka lang pero hindi mo magagawang sumuko kasi mahal mo yung tao. Masyado na ba akong madrama? Pasensya ka na ah? Osige. Tatapusin ko na 'to. Aalis na ako, negro. Wag mong pababayaan sarili mo ah? Magpapahinga muna ako, masakit na kasi eh.

Jongin's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at binasa ko and kahulu-hulihang letter sa'kin ni Kyungsoo. Kanina kasing nageempake ako, nakita ko yung box na palagi kong dala sa maleta ko. I remembered telling myself back then that I should not read his last letter for me. Not until makita ko na siya ulit at maging okay na lahat. Sa ganung paraan kasi para mas madaling tanggapin yung mga bagay na nakalagay sa sulat na iyon. Parang mas madaling mag-adjust kasi alam mong okay na ang lahat. But why am I still hurting?

Hindi ko alam pero tinaaman ako ng sandamakmak na kutsilyo habang binabasa yung sulat niya. I didn't know na ganito pala yung sakit na binigay ko sa kanya noon. And now I'm feeling all the pain I cause him. Okay na nga ba talaga lahat? Malaya na ba talaga kaming dalawa? Negative questions filled my mind. Umiling ako at hindi nalang iyon inisip. Maybe thinking negative won't help me.

Agad kong itinago yung box na hawak ko kasama ng huling sulat ni Kyungsoo nang marinig kong bumukas ang pinto ko.

"Jongin?" Rinig kong pagtawag sa'kin ni Kyungsoo. Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo bago nginitian.

"Yes, baby?" Tanong ko at niyakap ulit siya ng mahigpit. Nang-gigigil ako sa kanya, it's just that, he's really cute and I can't understand myself on why can't I get enough of him? He's so cute that I want to cuddle with him all day.

"Nag-empake ka na? Maaga pa tayo bukas." Tanong niya habang yakap ko pa rin siya. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo, letting him sit on my lap.

"Mmm-hmm." I hummed and cupped his fluffy face. I pinched his nose and chuckled when I saw his face scrunched. He's really cute. He glared at me while holding his nose.

"Bakit mo 'ko piningot?" Inis niyang tanong. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at nginitian siya.

"You're just too cute." I sweetly said.

"Oo pero nakakasakit ka na ah." I laughed at him and pulled him for another tight hug.

"Aww, I'm sorry, baby." I said and buried my face in his neck. I chuckled when I felt him squirmed.

"Yah, it tickles." He said, slightly laughing. I sniffed his scent and started to plant soft kisses in his neck.

"Jongin, tingini nekekelete eke enebe." Sabi niya habang tumatawa. Kinurot niya ako sa tagiliran dahilan para mapatigil ako. Tinignan ko siya na naghahabol ng hininga. Nang maging okay na siya ay agad niya akong hinampas sa balikat.

"Sebe seye nekekelete eke eh!" Bwisit niyang sabi habang nakatingin sa'kin ng masama. Tinawanan ko lang siya at hinalikan sa noo.

"Go back to your room. Maaga pa tayo bukas." I said and tapped his shoulders.

"Ayaw. Dito ako matutulog." Sabi niya at nanatili lang na nakaupo sa lap ko.

"Too bad you can't, baby." I teased him. Alam kong magpapa-cute siya kaya medyo asarin muna natin. I tried not to smile when he pouted at me.

"Ayoko. Dito ako matutulog." Sabi niya habang nakanguso pa rin na parang bata. Ah he's really cute. I chuckled and ruffled his hair.

"Fine, fine. Go take a bath and I'll give you my clothes." I saw his eyes twinkle. He immediately stood up and smiled at me cheerfully, causing his lips to form a heart shape. Tumayo na ako at naghanap ng damit ko na pwede kong ipasuot sa kanya. I pulled out a white shirt, blue pyjamas and a black boxer. Binigay ko yun sa kanya bago siya pumasok ng banyo.

Tinanggal ko ang t-shirt ko dahil hindi ako komportableng natutulog na may suot na t-shirt. Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng banyo. Napakunot ako nang makitang hindi niya sinuot Yung pyjamas na ibinigay ko sa kanya. 

"Why aren't you wearing the pjs I gave you?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo nga suot yang pang-itaas mo eh, pinaki-alaman ba kita?" Pabara niyang sagot sabay bato sa'kin ng damit ko.

"Oo kaya!" Napatigil siya sa sinabi ko. Naalala niya siguro yung sinabi niya sa'kin noon. 'Jongin Magdamit ka nga. Ayoko ng kulang Kulang ang suot sa kwarto ko.'

"Oh edi sorry na." Sabi niya at humiga na sa kama ko. I pouted at tumabi na din sa kanya. Humarap siya sa kabilang side kaya hinila ko siya palapit sa'kin at niyakap.

"Goodnight." I whispered before kissing his head.

_____________________________________

NOTE: Hello ^^ Okay, wala lang. HAHAHAHA. Anyways, kamusta na kayo? Namiss ko kayo mayghas. Pasensya na dahil medyo masabaw-sabaw ang chapter natin ngayon.

Votes and comments are much appreciated :) Labyu all :*

Like We Used To [Kaisoo] Where stories live. Discover now