KABANATA 1 • BAHAGI 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa kabilang dako, sa lugar kung saan hindi makikita o matatagpuan ang mansyon ng binata o ng kahit anong lugar na nababalutan ng kadiliman, may mga lugar din na nasisinagan ng araw. Ito ay mga lugar na napakalayo sa kasamaan. Napakalayo sa karahasan.

Sa nayon ng Sperca, ang Nayon Ng Pag - asa na matatagpuan sa timog silangan, naninirahan ang mga ordinaryong tao. Binibisita sila rito ng mga mabubuting mangkukulam at iba't ibang anyo ng mga nilalang. Sa kasamaang palad nang namuno ang gobernador mula sa kanilang bayan, marahas na tinutugis at pinapaslang ng mga taga - nayon ang mga nilalang dulot nang pinatay ng masamang bampira ang kanyang anak na babae. Dahil sa masalimuot na pangyayari, natakot ang mga mabubuting nilang dulot nang pagtugis ng mga tao sa kanila. Sila ay lumayo at nanirahan sa ibang lugar.

Sa limampung taon nagkaroon nang kaunting teknolohiya sa bayan ng Sperca. Dahil sa teknolohiya ay madali na nilang napapatay ang mga kakaibang nilalang na pumupunta sa kanilang lugar pagkat ang nayon ay puno ng mga kakaibang halamang gamot.

Nagkaroon din ng mga magagandang gusali ang bayan ng Sperca. Sa lugar nila, nagkaroon din ng mga mansyon halimbawa nito ang bahay ampunanan kung saan kinukupkop ang mga ulilang bata. Ito ay pagmamay - ari ng matandang madre. Ang mansyon ay napapalibutan ng nagtataasang mga puno at maliliit at esmeraldang damo sa lupa. Yari sa matibay na sementong abo at kalawang na kulay ang malaking ampunan. Ang tuktok ng gusali ay parang koronang may matutulis na dulo na isinusuot ng hari. Ang mga bintana nito ay hugis taluhaba at paarko na may abong kulay na salamin.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento)

Sa lugar na iyon mabilis na napatungo ang matandang babae na hinihingal sa pagtakbo. Ito ay naghahanap ng matataguan pagkat siya ay tinutugis ng mga tao dahil nalaman nilang siya ay mangkukulam. Matulin ang kanyang pagtakbo, walang tigil. Makikita sa matanda ang pawis na halos mailigo na niya sa kanyang katawan. Ramdam niya ang pangangatog ng kanyang binti. Ramdam niya ang sugat sa bawat parte ng kanyang katawan na nagpabagal sa kanyang pagtakbo hanggang sa sumuko na ang kanyang katawan.

Di napansin ni Scarlett ang matanda. Abala ang kanyang paningin sa mga puting telang sinasampay niya. Ramdam pa ng dalaga ang hanging dumadampi sa kanyang braso maging ang init ng araw sa kanyang balat. Habang abala siya sa kaunting katuwaan bigla na lamang siyang nakarinig nag ungol mula sa kanyang likuran. Ungol na para bang naghihirap at dumadaing sa sakit. Direkta siyang napahawi nang tingin sa kanyang likuran, malinaw niyang nakita ang matandang babae na nakaupo at maputla. Nanlaki ang mata ng dalaga dahil ito nakita niyang sugatan ito mula braso hanggang paa. Kasabay nang nadinig niyang mga yabag ng taong nagkakarerahan, para bang may hinahanap ang mga ito, hindi mapigilan ng dalaga ang mangamba sa matanda. Isa pa matanda na ito. Kaawa - awang tingnan ang matandang naghihirap. Alam niyang may tinutugis na naman ang mga taong bayan.

Nakita niyang naghihingalo na ang babae kung kayat agad niyang isinilid ang kanyang kamay papunta sa balikat nito at marahang itinayo sa kinaroroonan. Marahan niya itong inilalayan papunta sa likuran ng bahay ampunan. Kahit paika - ika sila sa paglalakad, hindi naunahan ng takot ang dilag. Ang nasa isipan niya ay ang maitago ang matanda sa kanyang silid. Ramdam niya ang kandilang natutunaw sa init mula sa kanyang kalooban. Ramdam din niya ang matulis na kutsilyong tumutusok sa kanyang loob na halos nagpa - iyak sa kanyang damdamin. Hindi niya kayang iwanan ang babae lalo na't nahihirapan ito, hindi na nga kayang tumakbo o magtago ito. May kung ano ba sa kanyang puso na umuusig sa kanya na ito ay hindi mapanganib, na ang matanda ay hindi masama.

Agad niyang ipinapasok ang babae sa likurang pinto ng bahay ampunan. Walang dalawang segundong isinara niya ang pinto. Dahan - dahang hinawakan ni Scarlett ang bewang ng matanda at maging ang braso nito isinilid niya papunta sa likuran ng kanyang leeg. Sa kanyang silid may malaking kapeng aparador. Buong lakas na itinulak ng dalaga ang aparador nang paabante upang makita ang lihim na pinto. Tinago niya roon ang babae upang gamotin ang sugat na natamo nito dulot ng mga malulupit na tao.

~~~•••~~~

Maikling Patalastas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon