Chapter 16 Redundant

Start from the beginning
                                    

Marahas na pinunasan ko ang luha ko para malinaw ko siyang makita at malakas ko siyang sinampal sa pisngi.

I heard gasps.

Napatingin ako kay Jase at Nathan na tahimik lang din na nakatingin sa amin. May hawak pa na kape si Nathan.

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Tumakbo ako.

Ayaw ko siyang makita.

"Gago ka bitawan mo ako!" Mura ko sa kanya.

Mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko naramdaman na sinundan niya ako.

"Let me explain." Nanghahapong sabi niya. Ayan na naman tayo sa paganyan niya.

"I hate you to death!" Sigaw ko sa mukha niya. Punong-puno na ng galit ang puso ko. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin at sinampal ko siya ulit.

"You mistaken it." Madiin na sabi niya.

Aba gago siya.

"No! Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako sa kanya.

Amoy sigarilyo at alak siya. Sinungaling talaga siya, sabi niya hindi na siya maninigarilyo at hindi na siya iinom.

"Shielyn! Makinig ka muna sa akin!" Ganting sigaw niya.

"Ngayon sinisigawan mo na ako!"

Pumikit siya ng mariin.

Akmang aalis na ako ng bigla niya akong buhatin at dalhin sa loob. Naabutan pa namin sina Jase at Nathan na nag-uusap sa sala. Nasaan na iyong babae.

Pinasok niya ako sa kwarto at marahas na binitawan sa kama.

Bumaba ako sa kama at akmang lalabas na nang marahas niya akong hinila sa kamay.

"Shielyn, nawawalan na ako ng pasensya sa'yo!" Nagtitimping sigaw niya sa akin.

Lalo akong naiyak nang sigawan niya ako.

"Makinig ka muna, please." He cupped my cheeks and looked into my eyes.

Nagmamakaawa na iyong mga mata niya sa akin.

"She kissed me, okay?" Umpisa niya.

"Liar!" Sigaw ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo at hindi ka nakikinig sa akin?" Nagtitimping sabi niya.

"Ayoko sa'yo! Pakawalan mo ako!" Pagpupumiglas ko.

"Kapag hindi ka tumahimik bubuntisin kita!" Galit na sabi niya.

Napahikbi ako. Ang harsh niya sa akin ngayon.

"Please, makinig ka naman sa akin." Paki-usap niya at huminahon na siya.

Pinunasan niya ang pisngi dahil sa mga luha.

"She is Nathan woman and I didn't know na bigla niya na lang akong hinalikan. You saw me that I push her." Desperadong paliwanag niya.

"Ayoko na sa'yo." Ulit ko.

Sumisinok na ako.

Bahagya siyang ngumiti. Napaka bipolar niya, ang bilis mag shift ng mood niya.

"Ayoko sa'yo, gago! Noong isang araw ibang babae kasama mo sa hotel tapos ngayon ibang babae na naman!" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nasasabi ko sa kanya ang mga salitang iyan.

Gusto ko ng magwala sa inis.

Sinubukan ko ulit kumawala ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin.

"You are testing my patience, huh? Okay, I'll lock you here until you're going to listen to me." His face became blank.

Wala ng emosyon ang mga mata niya at binitawan na niya ako.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now