Chapter 15 Scruffy

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyan iyung mga salitang naririnig ko pagkapasosk ko pa lang sa department namin.

"Nakita ko nga sila ni sir Jake noong isang gabi na kumain sa labas."

Napatingin ako sa babaeng masyadong malakas ang boses sa pagkakasabi. Bumalik silang dalawa sa ginagawa nila nang napatingin sila sa akin.

"Hey, sis!" Malakas na sigaw sa akin ni Lufita.

Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko siya pinansin at binuksan ang desktop ko. Gusto ko lang mamuhay ng maayos.

"Hey, rich woman." Sunod na dumating si Jake. Lumapit siya sa akin at naki tingin sa monitor ng desktop ko.

"May something ba sa inyo ni Mr. Saltzman?" Mahinang bulong niya sa akin, "or baka kapatid mo iyun?" Tanong niya.

"I don't know what you are talking about." Sagot ko.

Napatingin ako sa mga ka-trabaho namin at nagbubulungan na sila. Hindi ako sanay na pinag chi-chismisan nila ako. Alam ko na ang nasa isip nila, akala nila niyan I am after sir Jake para ma-promote. Ganoon kasi dito, kapit sa taas at gagawin ang lahat para ma-promote.

"I see." Sagot niya na hindi naniniwala.

Gusto para makipag kwentuhan sa akin ni Jake pero tinawag siya ng isa sa mga executive.

Napatingin ako kay Lufita na nakatingin sa akin, at iba ang tingin at ngiti niya sa akin.

I don't want to be judged and mistaken. Ayaw ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

--

"Anak, napadaan ka?" Kier's mom kisses him on the cheeks, "bakit hindi mo kasama ang asawa mo?" Tanong pa nito.

Umupo siya sa harapan nito matapos niyang halikan sa pisngi ang anak.

"She's at work." Malalim na sabi ni Kier ngunit mahina

"Ah, ayaw niya talagang mag trabaho sa company nila?" Tanong ng ina nito.

Tumango si Kier bilang sagot, "I'm respecting her decision." Kier said plainly.

"Kaya, pina-arrange married siya sa'yo kasi walang mag te-take over ng family company nila. Iyung batang iyon, mahilig niya talagang pahirapan ang sarili niya. It's more convenient kung mag ta-trabaho siya sa company nila at tulungan ka sa pag manage." Alam ng ina nito ang stress nito sa trabaho.

His mom doesn't have any problem with his wife.

"Nah-ah. I'll support her whatever her decision and besides, it's fine with me, she may not handle stress. Handling a company is draining." Mas okay na kay Kier na siya na ang mahirapan huwag lang ang asawa niya at sanay naman siya sa business industry.

Wala nang naging komento ang ina nito.

"Mom, how's Layla these past few days?" Pangangamusta nito sa pinsan.

"Anak," hinawakan nang ina niya ang kanyang kamay, "biological daughter siya ni auntie mo, hindi mo siya kapatid okay? Alam ko napamahal ka na sa kanya at tinuring mo siyang isang kapatid mo na. Don't stress yourself too much. Mahahanap mo rin siya okay?" Marahan at malumanay na sabi ng kanyang ina.

Napabuntong hininga si Kier.

"I hope, siya na lang para hindi na ako mahirapan pa maghanap. Until now, I don't have any leads about her. It's been two years." Nawawalang pag-asa na sabi nito.

"Makikita mo din siya. Sa ngayon si Layla na lang muna ang kapatid mo, okay?" Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

Kier smiled slightly at his mom.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon