12TH ROSE || Mission #5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)

Начните с самого начала
                                    

"'Wag ka nang makipagbeso-beso. Sapat na ang hi at hello," sabi ko.

Kumunot naman ang noo n'ya. "Allergic ka ba sa'kin, class pres? Gwapo naman ako ah?"

"Naaalibadbaran ako sa'yo eh," sabi ko. "Nga pala, ano bang kailangan mo at napatawag ka sa'kin?"

Mula sa pagkamasayahin ng mukha n'ya ay napalitan ng nag-aalalang ekspresyon. Napapitlag naman ako nung bigla n'yang hawakan ang magkabilang braso ko. "Class pres, I don't know someone who can help me except you. I badly need your help!"

"E-Eh? T-Teka, Kai, ano ba kasi 'yon?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

Huminga muna s'ya nang malalim bago ako tinignan. "Be my girlfriend."

Wala sa oras ko s'yang naitulak palayo sa akin. "EHH?? ANO'NG SABI MO?? AKO MAGIGING GIRLFRIEND MO?? NAKA-DRUGS KA BA??"

He facepalmed. "Ah, sorry. I said it wrong. What I mean is, please pretend as my girlfriend, my date just for tonight."

"Ha? Bakit? Ano bang meron mamayang gabi? Tsaka, isa pa, bakit ako? Bakit kailangan pa akong magpanggap na girlfriend para sa'yo?" tanong ko.

Bumuntong-hininga s'ya. "My mom and dad set an arrange marriage for me and their business partner's daughter. And I don't want that dahil bukod sa hindi ko type ang babaeng 'yun, ayokong magkaroon ng instant fiancée! Ayokong matali nang maaga!"

"Hindi mo type ang babae at ayaw mong matali nang maaga?"

"Yes. Masyadong maarte, OA, choosy at feeling maganda ang babaeng 'yun! She's too ridiculous for me!" naghi-hysterical n'yang saad.

Para namang 'di s'ya choosy sa lagay na 'yan. Prsh. "And besides, I don't wanna have a serious relationship now. At para hindi matuloy ang arrange marriage na 'yun, I must introduce a so-called girlfriend for them. That's why I did my best to contact you."

"Teka nga muna, bakit ako? Ang dami namang babaeng umaaligid sa'yo at nilalandi mo tas sa akin ka humihingi ng pabor?" ang dami mong babae tas ako ang trip mo? Ano 'yun?

"Kung ang mga flings ko ang gagamitin ko, mas lalo akong hindi paniniwalaan ng parents ko. Look, kung ikaw ang gagamitin ko at ipapakilala sa kanila na girlfriend ko, they will not doubt you. That face, that look, that move, the way you speak, that appearance... they will definitely believe me kung ikaw ang gagamitin ko. So please, Michelle, class pres, be my date just for tonight... please?" pagsusumamo n'ya.

Napakurap naman ako sa sinabi n'ya. Kalauna'y umiling agad ako. "Ay, Kaizzer tigilan mo'ko ah? Ayoko! Baka matuluyan ako d'yan! Basta ayoko! Maghanap ka nalang ng iba," sabi ko sabay talikod at lumakad palayo sa kanya.

"If you'll agree to be my date, I will go to that Outside School," agad naman akong natigilan sa sinabi n'ya at tinignan s'ya. "Kung papayag kang magpanggap na girlfriend ko, sasama ako sa Outside School."

"Binablackmail mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"No, we're just helping each other," he gave me a cunning smile. Tuso talaga.

Bumuntong hininga na lamang ako. "Sige, papayag na ako. Pero, ngayong gabi lang ah? NGAYONG GABI LANG. PERIOD. At dahil pumayag na ako, sasama ka sa'min sa Outside School."

He smiled brilliantly. "Deal."

"O, sige na, aalis na ako. Mamaya nalang tayo magkita," akma na sana akong aalis pero biglang hinawakan ni Kai ang kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Where do you think you're going?" tanong n'ya na ikinakunot naman ng noo ko.

"Uuwi. Sabi mo mamayang gabi pa, 'di ba?" aniko.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Место, где живут истории. Откройте их для себя