Chapter 46 When Babe Got Drunk

Start from the beginning
                                    

"Upo kayo dyan.",sabi ko.

Pinaggitnaan nilang dalawa si Bryan. Si Bryan naman, kung kanina akala mo bugnot eh umakbay dun sa dalawa, na naging dahilan para magblush pa sila.

Tinutok ko yung phone sa kanila.

"One. Two. Three. Smile!",sabi ko.

Ngumiti yung dalawang juniors. Si Bryan din nakangiti.

"O wacky naman!",sabi ko.

Nagwacky nga silang tatlo. Nakarock sign si Bryan tapos dumila pa. Natawa ako sa kacutan nila. Para syang kuya nung dalawang juniors.

"Ate sali ka naman!",sabi nung isang bata.

"Sige ba!",sabi ko.

Naupo ako doon sa gilid nila. Tapos tinaas ko yung camera. Selfie!

Nakangiti silang tatlo sa likod ko.

"O ayan. Ayos ba?",sabi ko dun sa dalawa.

Tumayo na sila.

"Naku salamat ate! Ang bait nyo po. Ang ganda nyo pa. Salamat din Captain.",sabi nung isa.

"Bagay na bagay po kayo. Sana tumagal pa kayo!",sabi nung isa.

"Salamat po ulit!",sabay nilang sabi bago umalis.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute lang kasi nila. Sinundan ko sila ng tingin. At tsaka ko lang narealize na halos lahat nung babaeng bumibwelo kanina, mga nakatingin na. OMG. Nagbabalak ba silang lahat?

Tumayo ako at bumalik sa tabi ni Bryan at sa pagkain ko. Ayoko! Ang dami nila.

"Bakit ang bait mo?",sabi ni Bryan bigla.

"Ano? Saan?",sabi ko.

"You did help that two, to have pictures with me?",sabi nya.

"Sungit mo kasi. Kawawa naman. Idol ka nila Bryan. Di mo pa pagbigyan eh.",sabi ko.

Ngumiti lang sya, pero wala syang sinabi.

"Last year mo naman na, papicture ka na. Payag akong photographer!",sabi ko.

Napanguso sya at mas lumapit sakin.

"Ayaw.",sabi nya.

"Bakit naman?",sabi ko.

"Lilingkisin ako, hahalikan sa harap mo? Kalokohan Abby.",sabi nya.

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nya. Why so loyal?

"Okay nga lang sakin. Picture lang naman eh.",sabi ko.

Umiling sya.

"Sus. Masyado mo akong mahal eh.",tukso ko sabay kurot sa ilong nya.

"Ayaw mo pa?",sabi nya sabay kiss sa ilong ko.

"Eh! Wag ka ngang halik nang halik. Babe ang daming nakatingin.",sabi ko.

"Why not? Girlfriend naman kita ah.",sabi nya.

"Bawal ang PDA.",sabi ko

Nagsmirk lang sya.

Tapos nilapit nya pa yung muka nya sakin. Hindi naman ako nakagalaw at natuod nalang. Nakadikit na kasi yung ilong nya sa ilong ko.

"Babe, do you know why I don't want to leave you alone?",sabi nya.

Umiling ako. Napangiti naman sya kasi para kaming nagnose to nose.

"You just look so beautiful. And a lot of guy in here...wanted you for their own. I don't want that shit to happen. So I need to show them who really owns you."

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now