Chapter 31 Ate and Kuya's Conclusions

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga. Napansin ko din.",sabi ko.

"Eh teka ulit. Kung M.U na kayo, bakit nangongolekta ka pa din?",sabi ni Ingrid.

"Oo nga.",sabi ko naman.

"I have to... Kasi, sabi ni Mommy, kapag nagkaroon ako ng boyfriend dito, pababalikin na ako sa States. Gusto ko lang inisin si Mommy. Kaso..."

"Di mo akalain na mahuhulog ka kay Dean?",sabi ko.

Tumango lang sya. Ngayon nagigets ko na.

"Kaya secret lang dahil ayaw mong umalis at iwan sya.",sabi ko pa.

Tumango ulit sya.

"Hala... Eh Chloe, paano kung malaman ng Mommy mo?",sabi ni Ingrid.

Napatungo sya.

"I don't know.",sabi nya.

"Wag kang mag-alala bess. Kami bahala. Wala kaming sasabihin. Shut ako.",sabi ko sabay kunwaring zip pa ng bibig ko.

"Me too!",sabi ni Ingrid.

Ngumiti si Chloe.

"Thanks.",sabi nya.

"Pero congrats Chloe ah. Sa wakas. Naisipan mo ding magseryoso.",sabi ko.

Bahagya lang syang ngumiti. Muka syang kabado.

"Okay lang yan!",sabi ko.

Tumunghay sya at napatitig sakin. Mapungay yung nga mata nya. Ano na namang problema nito?

"Abby I'm sorry.",sabi nya.

Napakunot ang noo ko.

"Para saan naman?",sabi ko.

Napatungo na naman sya. Napatingin ako sa Chuckie na nasa tapat nya. Nanlaki naman agad ang mga mata ko.

"Eh kaya naman pala eh! Chloe Chuckie ko yan! DutchMill yung sayo eh. Eto oh!",sabi ko sabay baba sa harap nya nung DutchMill.

Tumawa si Ingrid. Napakunot naman ang noo ni Chloe.

"Hai naku Chloe! Dapat magsorry ka talaga. Paborito ko pa naman yan. Naku ibili mo ako ng panibago!",sabi ko.

Napakamot sya sa ulo at unti-unting napangiti.

"Oo na! Sampalin kita dyan eh.",sabi nya sabay tayo na.

Napangiti naman ako at pinagpatuloy ang paglantak sa long footlong ko, habang hininhintay yung Chukie ko.

Pagbalik nya, pinagyabang ko naman sa kanila ni Ingrid yung regalong bracelet ni Bryan. Haha.

~❤~

Uwian na. Magrireview na kami ni Bryan. Sa bahay naman namin kami. Tumayo na sya at tinulungan ako sa mga gamit ko.

Gusto ko sana na ishare sa kanya yung sinabi samin ni Chloe kaso nagpromise ako na secret lang yun eh.

Bakit kaya hindi alam ni Bryan? Hindi pa ba nasabi sa kanila ni Dean.

"Si Dean at si Chloe na daw.",sabi nya bigla.

Napalingon ako sa kanya.

"Sinabi na nya sa inyo?",sabi ko.

"Kanina.",sabi nya.

Tumango-tango ako.

"Si Chloe din sinabi kanina eh. Ai! Mukang pinalano talaga nila. Pero sayang naman patago.",sabi ko sabay buntong-hininga.

"Well if they wanna be happy, they really have to sacrifice."

Napatawa naman ako bigla sa sinabi ni Bryan.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon