Chapter 20 Bryan's Proposal

Start from the beginning
                                    

"Okay! Kasi hindi naman ako maiiwang luhaan.",sabi ko.

"We'll see."

Tumango-tango lang ako kay kuya. Wow. Sarap pala sa feeling na alam na nya. Feeling ko tuloy binasbasan nya ako ng, sige lang bahala ka sa gusto mong gawin. Ang kundisyon lang naman nya, hindi ako iiyak sa huli.

Pero...sana nga hindi.

~*~

Wala na akong magawa sa kwarto ko pag-uwi namin ni kuya. Nakatitig nalang ako sa picture namin ni Bryan.

Tignan mo nga naman. Noon kuha lang nya ang tinitignan ko, pero ngayon, kasama na ako sa kuha. Muhahaha.

Umayos ako ng higa at nagbukas ng Facebook. Nakita ko na naman na online si Bryan. Maichat.

Abbielyn Conell:

Hi Bryan! Busy?

Nag-intay pa ako kung magrireply sya. Kaso hindi manlang pinapansin yung chat ko.

Abbielyn Conell:

Ui sungit! Magreply ka naman. Ang sungit mo talaga!

Naghintay pa ako. After ng mahaba-habang paghihintay, sa wakas eh nagreply na din sya.

Bryan Esguerra:

Yes I am busy. Stop chatting.

Napakunot ang noo ko sa nabasa kong reply. Bakit ba napakasungit nya? Meron na naman ata sya eh. Naakisabay pa sya sakin ah.

Abbielyn Conell:

I don't want to stop eh. Ano ba kasing ginagawa mo?

Hindi na sya nagreply talaga pagkatapos nun. Sineen lang ako.

Abbielyn Conell:

Okay. Good night.

Ibinaba ko na yung phone ko. Tapos ay, pumikit nalang ako at natulog.

~*~

Nagising ako nang biglang marinig yung phone ko na tumutunog. Nakapikit pa ako pero sunagot ko na yun.

"Hello?"

[Hey. This is Bryan. Bumaba ka. Andito ako sa labas ng bahay nyo."]

Literal akong nalaglag sa kama sa narinig ko. Kung kanina antok pa ako, bgayon gising na gising ang buong sistema ko. Ano daw?!

"Ano? Niloloko ma ba 'ko?"

["Tumingin ka sa bintana ng room mo!"]

Nailayo ko yung phone sa tenga ko. Makasigaw naman. Hindi na nga sya nag good morning eh. Alas dos palang kaya ng madaling araw!

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now