Chapter 17 Text Message

En başından başla
                                    

Napakunot na naman ang noo nya.

"Pagkatapos mong babaran ng paa mo, iinumin ko?",sabi nya.

"Hala! Kung alam mo na nagbabad ako ng paa, ibig sabihin, kanina mo pa akong pinagmamasdan!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata nya.

"Nakita kita. Hindi kita pinagmasdan.",sabi nya.

"Asus! Pero mabuti yang ganyan. Feeling ko tuloy may progress na ang relationship natin."

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Relationship? Eh ni hindi pa nga tayo magkaibigan eh.",sabi nya.

"Well..." Napakunot ang noo ko at napakamot ako sa ulo. "Hindi pa ba?"

"Hindi.",mabilis nyang sabi.

"Pero diba niligtas mo ako? Tapos nagprisinta ka na alagaan ako. Tapos pinatulog mo ako sa balikat mo. Tapos ngumingiti ka na sakin. Tapos sinasamahan mo ako---"

"Hindi yun ganun. You've misinterpret me.",sabi nya.

"Ano?! Eh paano ka ba makipagkaibigan? Ang gulo naman."

"Wala ka na dun.",sabi nya.

"Tsk. Oo nga ang assuming ko."

Hindi na sya ulit nagsalita. Nanahimik na din muna ako. Hanggang sa maya-maya, nakaramdam ako ng antok. At dahil gusto ko pa naman magstay kasama ni Bryan, naglakas na ako ng loob na humanday sa balikat nya.

"Hindi ako nganganga.",sabi ko.

Hindi sya nagsalita. Pero napangiti ako, dahil hindi nya ako itinulak.

~*~

Naalimpungatan ako na feeling ko lumulutang ako. Tapos gumagalaw yung higaan. Pero dahil antok na antok pa ako, hindi na ako nagmulat pa. Maya-maya lang, naramdaman ko na nalilipat ako sa matigas na higaan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.

Naaninag ko ang isang gwapong muka na nakatingin sakin. Si Bryan.

"Thank you.",sabi ko, matapos ay muli na akong pumikit at natulog.

~*~

"Abby...Gising na Ineng. Mahuhuli ka."

Nagmulat ako at nag-inat. Pagtingin ko sa paligid, laking gulat ko nang makitang...nasa kusina ako. Doon sa inilabas na katre!

Teka nga...ah oo nga pala! OMG! Binuhat ako ni Bryan kagabi! Dito pala nya ako inihiga. My God.

"Ano't nangingiti ka?",sabi ni Aling Dina.

"Ah...wala po. Wala. Si Bryan po?",sabi ko.

"Nasa banyo na Abby. Naliligo na."

Tumingin ako sa labas. Hindi pa sikat ang araw. Pagtingin ko sa wrist watch ko, four-fifty three palang pala.

"Ganun po ba? Nag-almusal na po sya?",tanong ko.

"Hindi pa eh. Nilalaga ko pa kasi ang saging. Hindi naman ata nakatulog ang bata na yun eh. Mukang hindi sanay sa matigas na higaan."

Natawa ako at tumango bilang pagsang-ayon.

Bumangon na ako at naghanda na rin para sa pagligo. Lumabas na ako. Pagpunta ko doon sa c.r., sarado pa din. Hai jusko. Ang tagal maligo ni Bryan.

Naupo ako sa tsinelas ko sa harap nung trapal na pinto nung banyo at hinintay sya matapos.

Maya-maya, napatunghay ako nang bumukas na yung trapal. At literal akong napanganga nang makita na nakapants lang sya. Wala syang pang-itaas.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin