Chapter 14 Abby in Trouble

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako at isa-isa yung pinulot. Tinago ko yun sa bag ko, matapos ay humalumbaba nalang ulit. Bwisit na lalaki.

Dumating si sir ilang minuto lang ang makalipas. Tapos sinabi na nya samin yung mga gagawin namin dun. Kaming buong STEM students lang pala ang mag-u-undergo muna. So hindi ko pa kasama si kuya. Pero buti nalang kasama ko sina Chloe at Ingrid.

Wala daw kaming hotel na tutuluyan dun. Liblib na lugar daw yun. Malayo sa kabayanan. Kaya ang gagawin, makikituloy kami sa mga bahay-bahay. Exciting! Dalawang magpartners daw sa isang bahay. Kasya naman kaya?

Final decisio na talaga ni sir. Study partners ang immersion buddies. Buti nga sa Bryan na yan. Kala nya makakaiwas sya sakin ah.

Napakamean nya.

"Okay, I will give you the remaining time to talk about your projects.",sabi ni sir.

Tumayo na ako at nagpunta na sa mga kagroup ko. Magtuturo daw kami doon. Tungkol daw sa preservation ng nature, sa paglilinis ng kapaligiran, yun daw mga symptoms ng mga sakit at mga natural remedies.

Sina Bryan naman, basta yung kabilang grupo. Gagawa daw sila ng plano dun tungkol sa pagpapalawak ng mga kanal, pag-aayos ng kung anu-ano. Hai jusme. Pinaghiwalay pa kami.

Wala ako sa wisyo makinig. Nayayamot ako kay Bryan. Pasimple ko syang nililingon. Kaane ang ganado magdiscuss. Bwisit na lalaki.

Nang idismiss kami, dali-dali na akong lumabas ng classroom. Maaga nga pala kami bukas. Five a.m palang kailangan nandito na sa school. Matagal daw kasi ang byahe dahil malayo yun.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko doon si Ingrid na may kausap sa phone. Busy-busy pa tapos tawa-tawa. Si Chloe naman kasama yung boyfriend nyang si Fred.

"Hello.",bati ko sabay upo na.

Kumaway lang sakin si Ingrid habang nagsasalita sa phone. Si Chloe naman tumango tapos nagpatuloy na sa pakikipaghalikan. Ai mga walanghiya.

Kinuha ko yung fries na nakita ko sa table at kinain na yun. Kinain ko yun nang kinain nang walang tigil. Ako na! Ako na ang walang katawagan, ang walang kahalikan. Ako na talaga!

Nang mapatingin ako sa kabilang table, natanaw ko dun si Dean na may kausap din sa cellphone. Hai leche. Tapos si kuya, iba na naman ang kasamang babae. Si Koden na naglalaro sa PSP at pasigaw-sigaw pa. Si Chanz na nakaearphone at tulog. Tapos si Bryan na tahimik na kumakain. Nakakaasar.

Parehas naman kaming walang pinagkakaabalahan, sana nagsolo nalang kaming dalawa. Hai.

Napaangat ako ng likod sa upuan nang makitang tumayo si Bryan sa lamesa nila. Tapos naglakad sya palabas ng canteen.

"Ingrid, Chloe, una na ako ah. Bye. See you mamaya.",sabi ko.

Dinampot ko yung isang burger at nagtatakbo na palabas para sundan si Bryan. Habang kumakain nung burger, pasimple ko syang sinundan. Saan naman kaya pupunta ang isang 'to?

Patago-tago pa ako dahil baka makita nya ako. Sinundan ko sya nang lumiko sya papunta doon sa locker room. Nagtago ako sa may gilid habang nagbubukas sya doon at may kinukuha ata.

Tapos nang matunugan kong naglalakad na sya, sumunod na ulit ako. Akala ba ng mokong na'to.

Saan ba talaga 'to pupunta? Napapagod na ako ah. Naubos ko na rin yung burger ko kanina pa at nagugutom na naman ako.

Kanina pa kami naglalakad pero ang tagal naman nya huminto. Saan ba talaga nya balak magpunta?

Mabilis syang lumiko sa isang daanan. Eh hindi ko naman inasahan kaya nagtatakbo ako papunta dun.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now