Chapter 6 Epic Plan

Start from the beginning
                                    

"Tadah!",sabi nya pagkabukas nun.

Pasta na puno ng sauce sa tuktok, tapos may pa-heart shape pang grated cheese sa ibabaw.

"Luto 'to ni Mommy. Masarap 'to. O sayo na.",sabi nya sabay takip nun.

Tatanggapin ko ba o hindi? Baka may lason pa 'to. Malay ko ba baka gagantihan nya ako dahil sa nangyari  kahapon.

"Ayoko. Alis na.",sabi ko.

"Bakit ba ang sungit mo? Alam mo wala naman 'tong lason."

"I don't care."

Imbis na umalis, umub-ob pa sya doon sa lamesa. Lintek na babae 'to.

"Brylen kami nang bahala.",sabi nung isang babae sa likod ko. Di ko naman kilala eh.

I watch them walk towards Seamus' sister. Nagulat naman ako nang yung pinakapangit dun sa apat, pinisil yung braso ni...sino nga yun? Basta yung kapatid ni Seamus.

"Aw!",sabi nya habang tinatanggal yun.

"Eto ang napapala ng mga babaeng hindi marunong sumunod.",sabi nung babae.

"Bibitawan mo 'ko o babalian kita ng leeg?",sabi nung kapatid ni Seamus.

Anak ng! Ano daw mambabali sya ng leeg?

"Bibitaw o bibitaw?

Ang tapang nito ah. Nagsmirk lang yung pangit. Tapos mas lalong diniinan yung pisil. Nagulat na naman ako nang biglang tumayo yung kapatid ni Seamus tapos hinawakan yung wrist nung babaeng pangit tapos pinilipit yun.

"Arggghhh!!!"

Paiyak na yung babae. Nilagpasan ko nalang sila at pumunta sa chair ko. Hinagis ko yung bag ng kapatid ni Seamus, tsaka ako naupo. Pinanood ko lang sila. Lupet pala ng kapatid ni Seamus. Nasakyan na yung babaeng nakadapa na ngayon sa sahig. Babalian nga ata nya ng leeg. Yung mga abnormal kong kaklase nagpupustahan na at nagchicheer na.

Sinugod nung isa pang pangit yung kapatid ni Seamus. Pero napada sya, dahil pasimple kong tinakid. Mababalian na ng leeg yung isa eh, pipigilan pa.

"What is the commotion all about?!",sigaw nung teacher namin na kakapasok lang.

Agad na nagtransform ang mga kaklase ko. Si kapatid naman ni Seamus, tumayo na rin sa wakas. Basagulera pala nito. Hinihingal-hingal pa sya at pinagpawisan sa pinaggagawa nya.

"May tubig ka ba dyan?",sabi nya sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay. Ano ako water boy? Tsaka close kami, paiinumin ko sya sa tumbler ko?

"Ms. Conell, what happened?"

Tanga naman nito. Kita na nga na nagsapakan nagtanong pa.

"Kasalanan po ni Bryan Esguerra lahat ng yan.",sabi nya.

Ano daw?! What the fuck, ako? Tumingin sakin yung teacher. I stared back.

"Can someone explain me what happened?",sabi nung teacher.

Hindi nagsasalita si kapatid ni Seamus. Ano ba namang klaseng babae 'to? Kung kelan may kausap tsaka di nagsasalita.
Hindi rin ako nagsasalita. Tinatamad kase ako. Sa mga bitches, wala din nagsasalita. Ang sama kasi ng tingin sa kanila ni kapatid ni Seamus. Namumula na yung teacher namin.

"You... You...You... You... You Ms.Conell and Bryan Esguerra. Principal's Office, now!"

Tinignan ako ni kapatid ni Seamus. Lumabas na yung mga bitch.

"Bryan Esguerra daw diba?",sabi nya.

Ano bang problema ng babae na 'to? Anong kasalanan ko sa pagsugod sa kanya ng mga babae na yun? Tsaka, hell! Is she doing this on purpose?

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now