Chapter 3 Crush's Condition

Start from the beginning
                                    

"Bye girl. Congrats!",sabi ni Ingrid.

"Babye.",sabi ko. Kumaway-kaway kami ni Chloe.

Tapos sumakay na sya sa car nya at nagdrive pauwi. Mabuti pa nga sila ni Chloe marunong magmaneho at may sariling kotse. Ako? May sariling driver, walang sariling kotse. Bakit? Eh hindi naman ako marunong magmaneho eh.

Nakakainis. Mag-isa na naman akong uuwi. Kahapon nga mag-isa nalang ako ulit. Hindi pa ako nakapunta kayna Chanz dahil sabi ni kuya umuwi ako ng maaga. Nakakabwisit. Hindi ko tuloy nakita si Bryan. Magbabasketball pa naman daw sila. Eh syempre makikita ko syang pawisan habang naglalaro. Galing pa naman nya.

"Abby, you wanna come?",sabi ni Chloe.

"Saan naman?"

"Sa bahay. Narinig ko kay Chanz, punta ulit ang tropa dun.",taas baba ang kilay nyang sabi.

"Talaga? Sige ba.",sabi ko.

Ayos! Pipilitin ko na rin si Bryan na turuan ako. May exam daw bukas sabi ni sir. Pero, hindi ko kasi nagets yung tinuro nya kaya magpapaturo ako kay Bryan. Tutal sya naman ang study buddy ko eh. Sana lang pumayag sya. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung paano ako kukuha ng 75 bukas.

Sumakay na ako kaagad sa kotse ni Chloe. Sinuot ko kaagad yung seatbelt. Isinuot ko yun ng mahigpit. Kumapit na rin ako sa gilid nung kotse.

"Okay let's go?",sabi ni Chloe.

Tumango lang ako. At tulad ng inaasahan ko, para kaming lilipad sa bilis nyang magpatakbo. Nung unang sakay ko nga dito hindi ako mapigil sa pagpalakat. Walangya kasi byaheng langit. Pero magaling naman sya magmaneho kaya may tiwala na ako.

"Abby, kelan ka aamin kay Bryan?",tanong bigla ni Chloe.

"Ha? Ano... Ewan. Hindi na?"

"What? Are you serious?",hindi makapaniwala nyang sabi.

"Oo...Bahala na. Kung malaman man nya edi go. Pero, tingin mo wala pa rin syang ideya makalipas ang anim na taon?"

"Yes Abby. Malawak ang mundong ginagalawan ni Bryan. At yung mga ganyang mga bagay, mga tagahanga o whatsoever you call yourself, hindi na nya bibigyan pa ng panahon. Sanay na kasi."

Right. Definitely right.

"But...if you make way para mapansin, di rin magtatagal, magtatagumpay ka. You will make him a friend. Or best, a lover."

Natawa ako sa huli nyang sinabi.

"Pinapangarap ko yung huli bess. Pero mukang yung una lang ang kakayanin ng powers ko."

"Be positive Abby. Malay mo naman diba?"

Napangiti lang ako at tumango-tango. Malay ko nga naman.

Pagdating namin ng bahay nina Chloe...or Chanz, at pagbaba ng sasakyan, dinig na dinig ko na ang maingay na boses ni Koden. Tapos tawanan nila. Narinig ko din yung tawa ni Bryan. OMG!

Kinuha ko yung bag at books ko at pumasok sa loob. Napadaan kami doon sa sliding door nila papunta sa court sa likod, kung saan kamalas-malasan, si kuya pa ang nakakita sakin.

"Abby! Why are you here?",sabi nya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakatingin na silang lahat sa amin, maliban lang kay Chanz na tulog na naman. Nakaub-ob sya doon sa tea table.

"Ah... Uhm..."

"Mag-aaral sila ni Bryan.",sabi ni Chloe sabay hagis nung bag nya sa sofa.

"What?",nakakunot ang noong sabi ni Bryan na natigil sa pagdi-dribble ng bola.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now