Chapter Thirty-Nine

66.2K 1K 204
                                    


A/N: Hello guys, I have decided na i-post na ang natitirang chapters nito since I have no idea when this will be available in market anymore. Isa pa feeling ko may utang ako sainyo that I need to repay. Besides, I've been bombarded with messages kung bakit bitin daw. So, finally I was able to post it right now and I am happy to share it with you guys. About sa special chapters and continuation of their love story, I'll be creating a new separate book for it so we can follow them as their journey begins. 

Happy Reading. and Enjoy!


love lots, 

Ai

P.S

This scene is the continuation of chapter 38. I made it separate though, kasi umabot na siya ng 6k words. Baka maumay na kayo sa haba. HAHAHAHAH naol mahaba diba?! 

CHAPTER THIRTY NINE

Nang makarating siya sa harapan ng master's bedroom ay agad niyang binuksan iyon only to her father sitting on his wheelchair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana. Seeing nothing but the clear sky and the bright sun.

"D-Dad..." Halos sa lalamunan lang niya iyon nanggaling.

The old man didn't move. Kaya lumapit siya dito. He look very weak. Payat at tila hindi na nasisikatan ng araw dahil s akulay nito. Nakikita na rin niya ang mga ugat nito at pekas sa katawan. She kneel down at saka humawak sa armrest nito.

"D-Dad? It's me..."

The old man slowly turn his head onto her side. "Sino ka?"

She shut her eyes hardly closed dahil pinipigil niya ang luha. "H-Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ito si G-Gen."

Dahan dahan bumuka ang bibig nito. "G-Gen?"

Tumango siya. "Yeah, Ako ito."

"Pero bata pa 'yon. Bata pa yung anak ko." Saglit lang ito tumingin sa kanya at saka bumalik ulit ang mga mata sa kawalan.

Agad niyang kinuha ang mga kamay nito at pinisil iyon. "I am so sorry, Dad. I'm sorry for hating you."

Hinalikan niya ang mga kamay nito ng paulit ulit. Sa ganoon paraan man ay maramdaman nito na naroroon siya sa tabi nito. "Yung anak kong si Gen, mahal na mahal ko 'yon. Siya ang pinakamagandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Saying wala siya dito."

"I'm sorry." Hinayaan lang niya na nasa ganoon siyang posisyon. Gusto niyang iparamdam dito na di naman talaga siya nawala. Hinintay lang niya ito. Hinintay niya kung kailan siya nito makikita.

Narinig niya ang pag ubo ng matanda ngunit saglit lang. "Marami akong pagkukulang sa anak kong iyon. Iniwan ko siya. Pero ang hindi niya alam ppalagi konsiyang inaalala. Galit palagi sakin si Claire dahil wala na daw akong bukambibig kung di ang ate niya." He paused.

Doon niya ito napagmasdan. Tila lahat ay sariwa sa alaala nito. "A-Anong sinasabi niyo?"

"Si Claire, ayaw niya sa ate niya. Lagi siyang nagaglit sakin kasi si Gen daw lagi ang iniisip ko. Mas mahal ko daw ang ate niya kaysa sa kanya. Kaya nagrebelde si Claire dahil ang paborito ko lang daw ay si Gen. ang hindi alam ni Claire ay pareho ko silang mahal na magkapatid. Sadyang may mga pagkukulang lang ako kay Gen na gusto kong punan."

Hindi siya makapagsalita. Nabigla siya ng dahil doon. Si Claire? Galit sa kanya?

"Sige hija magpapahinga na ako." Renato slowly wheeled his chair. Nakita niya s amay pintuan si Manang Azon kaya agad na lumappit iyon s amatanda at saka inalalayan ito ng asawa niya na ihiga nila si Renato. "Pakisabi kay Claire subukan anamn niyang tawagan si Gen. sabik na sabik na ako sa anak ko."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon