Chapter Thirty-two

39.1K 960 5
                                    

Chapter Thirty Two

It's already nine forty five in the evening. Gen and Cain had tried all the extreme ride before they settle down. Nasa isang landscape open ground sila. Over looking the biggest ferris wheels she ever had seen in her entire life. Punong pun iyon ang mga ilaw at tila magangang mga bituin ang mga naroon na siyang nagpapalit palit ng kulay.

Cain bought them two corn sausage and Iced tea. Hindi niya kayang isipin na hinintay siya ng lalaki para lang maghapunan kaya kahit busog na siya ay sinabayan niya ito. They had a late dinner near the park. Mga authentic Filipino cuisine ang prinesenta sa kanila ng chef doon at naenjoy naman niya. They had the famous bulalo and sizzling sisig at hindi rin nagpahuli ang chicharon bulaklak na pareho pala nilang paborito. Hindi nga niya namamalayan na komportable na silang nag uusap na dalawa.

"Bakit dito mo naman ako naisipang dalhin?" Tanong niya dito matapos kagatin ang huling kagat ng sausage na nasa stick niya.

"Napaka famous na kasi ng Dinner with candle sa mga fine dining restaurant. So I thought why not we try some adventure?" Sagot agad ni cain sa kanya.

Pareho silang nakaupo sa damuhan at magkaharap na nagkukwnetuhan. "Hindi ko alam na may tinatago ka rin palang kapaslitan sa pagkatao mo." Aniya habang natatawa.

"Honestly, this is also my first time here." Pa gamin naman ni Cian kay Gen.

Namilog ang mga mata ni Gen. "Seryoso?"

Tumango naman ang binata. "So, ibig sabihin hindi ka pa nakakasakay sa mga ganito?"

Cain just nod. "Noong mga bata kasi kami. Ako ang madalas sumpungin ng hika dahil ako ang may mahinang baga. Si Abel, siya ang pinakamaswerte samin dalaw adahil nagagawa niya lahat ng gutso niyang gawin na hindi pinipigilan ng kahit na sino."

"Hindi naman pala tayo nagkakaiba." Aniya sabay tawa. "Infairnes sayo mukha ka nang pro sa pagsakay sakay sa mga rides dito ha."

Ngumiti si Cain. "I should thank Jimboy. It's his idea by the way."

"OMG! Kaya pala parang ang seryosong seryoso niyo kanina. Ito pala ang pinag uusapan niyong dalawa." Ani ni Gen muli.

"Akala ko nga badtrip pa rin sakin ang batang iyon. Kaya noong nakita niyang hinihintay kita hayun kinausap ako. Daig pa pala niya ang acting kuya mo. Para ding pulis, ang daming tanong." Sabay tawa nito.

"Malapit kasi talaga sakin ang batang iyon kaya di mo masisi kung bakit ganoon umakto kapag may nakikilala siyang bago kong kakilala." Naalala niya noong bagong lipat lang siya sa lugar na iyon. Paslit na paslit pa lamang si Jimboy noon. Ang buong akala pa nga niya noon ay nasa ibang bansa nag mga magulang nito. Iyon pala ay gaya niya ay ulila na ito.

"I actually understand him. At least alam niya kung paano mag alaga at magpahalaga ng isang babae." Cain said it in a very soft voice. Gusto ni Gen na mag iwas ng tingin ngunit tila may magnet ang mga mata nito para makipagtagisan siya ng titigan dito.

Ang distansya sa pagitan nila ay tila mas lalong lumiit nang sa wakas ay maramdaman niya na wala ang hangin na lumalampas doon. "M-Malamig na pala." She said out of awkwardness.

Si Cain naman ay mabilis ding lumayo ng bahagya sa kanya ay tinanaw din ang mga tao na nasa paligid nila. "Gusto mo na bang umuwi?"

Tumango siya nang tanungin siya ng binata. Naisip niya kasi maaga pa siya bukas dahil magkikita pa sila ni Kennedy. Tumango ang lalaki. "Maybe we need to go now. Gabing gabi na rin."

Tumayo ito at saka nilahad ang palad sa kanya. Tinanggap niya iyon ay saka siiya nito hinila patayo. Hawak ni Cain ang kamay niya ang mapatitig siya dito at ganoon din ito sa kanya. Sa pagkakatitig niya dito ay tila may natuklasan siya. Cain live her dream. Live her childhood dream na hindi niya akalain na mangyayari pa ngayon. Ngayon na kung kailan may edad na siya.

"Thank you." Sinserong sabi niya dito.

Cain smiled at her. "You're welcome."

Masaya siyang ngumiti at hinayaan ang mga mata na magsawa sa pagtitig dito. She saw a very different version of him. Na sa pagkakataong ito ay nararamdaman niya na ibang tao ang kasama niya. That she's with someone who can keep her safe. Someone who can make her feel so special. Tao na hinid sasamantalahin ang kahinaan iya at pagkatao niya. Upon dreaming for what he is right now ay saka naman niya naalala ang misyon niya. Ang misyon na matagal nang nakalatag sa kanya at pinaninindigan niya.

Dahan dahan nilayo ni Gen ang sarili kay Cain nang mkaramdam siya ng malakas na paghampas sa likuran niya dahilan para ma-out balance siya at mapatili sa gulat. And she heard a rushing female voice.

"Oopps! I'm sorry."

Hindi na anikita ni Gen ang hitsura ng babae nang bigla ay maramdaman na niya ang pagtumba niya sa lupa kasama si Cain. He immediately grabbed her waist at saka niyakap siya ng mahigpit upang di siya masaktan. Her breast were pressed against his chest. Ang lamig na nadarama niya kanina ay tila nawala na dulot ng init na nagmumula sa katawan ng binata. Sunod sunod ang naging paglunok ni Gen nang matitigan niya muli ang mga mata nito ay tila siya nalulunod. A feeling that she hadn't knew what kind is. Also, Gen felt his strong gripped onto her waist. Na para bang makakawala siya ano mang oras mula sa pagkakayakap nito sa kanya. She felt the uncomfortable moment because of their situation. Pakiramdam niya kasi ay nakatingin ang mga tao s akanila kahit ang totoo ay wala namang nanunuod sa kanila. Matapos lingunin ang paligid ay saka niya nilingon mulinsi Cain upang makatayo siya. Pero nang linunin niya ito ay eksaktong nakaangat ang mukha nito dahilan para lumapat ang labi nito sa labi niya. Tila may isnag ilyong kuryente ang nanulay sa buong katawan niya.

Cain also surprised for what a sudden act and the electrifying sensation that kiss brought them. Pero tila anman amy mga magnet ang labi nila para hndi mapaghiwalay iyon. And Gen felt his lips moving already. Deny or not, it brought her a very exciting feeling. A kind of feeling that she never felt before. Bago pa tuluyang tangayin si Gen ng kakaibang pakiramdam na iyon ay narinig na nila ang sunod sunod na pagsabog ng mga ilaw sa kalangitan at ang mga saya sa tinig ng bawat taong naroroon. And from that moment, Gen realized something. There's a magic.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now