Chapter Fourteen

54.1K 1.5K 42
                                    


Chapter Fourteen

"Cain!"

Mabilis na lumayo si Cain kay Gen ng marinig nila ang tinig ni Mrs Sandoval.

Lumapit ang Ginang sa kanila.

"Ang seryoso ng pinag uusapan niyo." Komento nito.

"A-Ah... Mrs. Sandoval, mukhang hindi ko po yata kayo matutulungan ngayon. May emergency po kasi eh."

Nakaramdam siya ng kakaibang init na dumaloy sa balat niya dahil lang sa simpleng paghawak ni Cain sa braso niya. She never get intimate to any other male species. Pero ang ginawa ni cain kanina ay kakaiba. Tila ba may ginising ito sa pagkatao niya dahil lang sa simpleng hawak at tingin nitong nanuot sa buong buto niya.

"Ganoon ba? Akala ko free ka today." Lumungkot ang mukha ng ginang.

Hinawakan niya ito sa kamay. "Sa ibang araw nalang po. Dadalawin ko po ulit kayo." Ngumiti siya.

Sumingkit ang mga mata ng Ginang kay Cain.

"Hijo may sinabi ka ba kay Gen kaya aalis na siya agad?" She's accusing her son.

"Nothing." Simpleng tugon lang nito.

"Baka naman sinusungitan mo itong si Gen. Nakakainis ka Cain. Ngayon pa nga lang may dumadalaw sayong babae papaalisin mo na agad. "

Namula naman ang pisngi niya dahil doon. Tila yata siya palang ang nakakapasok sa bahay nila. Don't flattered yourself Gen. Baka naman binobola ka lang. Naniniwala ka naman agad.

"Hay nako hija. Bumalik ka dito sa isang araw. Birthday ni Abel. Well, nakilala mo naman siya hindi ba? May simpleng dinner lang para sa atin lahat."

Bakit kapag mayayaman ang tawag nila sa bonggang dinner ay simple lang? O sadyang ganoon lang talaga sila.

"Pumunta ka."

Alanganin siyang ngumiti. "Susubukan ko po."

"I'm expecting you to come, Gen. At saka tuturuan mo pa ako sa kusina hindi ba?"

Sumabat si Cain. "Why you suddenly got so interested in cooking? E diba mommy ayaw na ayaw mo ang amoy sa kusina."

"Son. Ayaw ko noon kasi hindi ako marunong. At saka panay na reklamo ng daddy mo. Wala na daw akong alam gawin kung di iluto iyong mga pagkaing di naman daw niya gusto ang lasa. I want something to learned. And luckily, Gen is here. Mas masarap pa ang luto niya sa mga chef!"

Naloloka siya sa pagiging makulit ng nanay ni Cain. Noong una iniisip niya baka masungit ito o matapobre. Pero kabaliktaran. Napakajolly nito at madaldal.

"May recipe book po ako sa bahay ipapahirap ko po sa inyo. Recipe book pa siya ni mommy noong nabubuhay pa siya."

Ngumiti ang ginang sa kanya. "Nagmana ka pala sa mommy mo. Siguro magkasing ganda kayo?"

Alanganing ngumiti siya. Naalala niya, palaging sinasabi ng mommy niya na kamukha daw niya ang daddy niya. Siya daw ang female version ng kanyang ama.

"Sige po. Aalis na ko. May aasikasuhin pa po kasi a---."

"Hello Guys! I'm back!"

Sabay sabay silang naglingunan sa entrada ng bahay. Buhat doon sa nakabukas na pintuan ay nakatayo ang isang matangkad na babaing may balingkinitang katawan. She's wearing a skinny dress na aabot lamang sa gitna ng hita nito ang haba. Ang dyoga nito na nagmumura na.

Mabilis na nakalapit ang babae. Bumeso ito kay Mrs Sandoval at nilampasan siya. Deretsong lumapit kay Cain at walang ano ano'y hinalikan sa labi ang binata. Nagdikit ang mga labi niya.

Kaya pala ayaw ng Girl friend kasi may Girlfriend na! Letse!

Nang humiwalay ito sa binata ay saka muli nagsalita.

"How are you babe? Nabalitaan ko ang nangyari sayo. I'm worried, you know." Maareng tanong nito sa binate na tila ayaw humiwalay kahit Segundo lamang.

"Cabby what are you doing here?"

Para siyang extra sa pelikula na nakatanga lang sa leading lady at sa leading man nito. Sasagot muli sana ang babaing tinawag na Cabby nang magsalita si Mrs. Sandoval.

"Kailan ka pa dumating hija? I thought you're doing good in Singapore? That's what I heard." Nanatili lang siyang nakamata.

Matamis na ngumiti ang babae bago sumagot. "I just got a new business here kaya napagdesisyunan ko na pong umuwi. And Abel told me everything happened here while I'm gone. Sorry Tita." She said with sympathy. Looks like she's so very close to the family.

"It's okay Hija. We don't also want to worry you about what happened. Besides, Gen is here. Cain' special friend." With that, the woman looked at her. Ang mga tingin nito ay nagmula ulo hanggang paa niya. Para siyang isang specimen sa ilalim ng microscope.

Pero hindi ang titig nito ang naghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Kundi, ang mga mata ni Cain na ngayon ay nakatutok sa kanya. And there is something she can't explain what is that?

Don't fall...Hindi ka sasaluhin niyan!

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon