Chapter Fifteen

54.6K 1.5K 81
                                    


Chapter Fifteen

Agad na isinara ni Gen ang pintuan ng apartment niya matapos ihatid sa labas si Kennedy. Dating SAF troupe ito na nabase sa Northern Mindanao. Pero napasok sa CIDG dalawang taon matapos ang huling misyon nito doon. Naging malapit ito sa kanya. Hanggang sa nagpapalipad hangin na pala ito sa kanya. Pero kahit minsan ay di niya binigyan ng anuman kahulugan ang pinapakita nito sa kanya. Ngayon, dinalaw siya nito apartment niya para ibigay ang ilang PNP reports na nakuha nito mula sa kaso ng kapatid niya. Nakiusap kasi siya dito na kung maaari ay bigyan siya kahit katiting na impormasyon pa.

Di naman siya nito pinahindian. kahit pa tutol na tutol ito sa ginagawa niya. Pero bakas sa bawat salita nito ang takot. Alam kasi nito na nasa bakasyon siya at labas siya sa kasong gusto niyang alamin. Pumasok siya sa maliit na kusina niya at saka naupo sa upuan malapit sa kitchen table. Tinungga niya ang natira niyang kape at saka pinasadahan ng tingin ang bawat kopya ng report na nakahain sa kanya.

Ilang sa mga statements nang nakatala doon. Totoong suspect si Cain sa kasong dawit ang pangalan nito. Hindi na siya nakabalik sa bahay ng mga ito matapos ang huling pagdalaw niya. Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin siya dahil sa mga pagsusungit nito sa kanya. Pero nakita niya ng araw na iyon na nawala ang kasungitan nito ng dumating ang babaing may malaking dede. Bumalik siya sa pagbabasa. Binasa niya ang bawat pahayag nito na siyang nakatala doon. Pilitin man niya ang sarili niya na paniwalaan ang lahat ng nababasa niya. Pero naniniwala siyang may mali sa imbestigasyong ito.

May mali sa kasong ito.

Napahawak siya sa sentido niya. Sumasakit ang ulo niya kakaisip sa mga bagay bagay. Pero desidido siya sa gusto niyang gawin. Gusto niyang maging malinaw ang lahat. Kung bakit binubuhay muli ni Cain ang kaso ni Claire at kung bakit gusto itong ipapatay ng kung sino.

Bumalik siya nang nakraan sa bahay ni Gregory Lopez ngunit nakita niya ang sunod sunod na paglabas ng mga sasakyan doon. Nasundan pa niya hanggang sa pier sa batangas ang mga saskayan. Pagkatapos ay nakita niya ang pagbaba ni Gregory Lopez sa isang sasakyan karga ang isang maliit na bata habang nakaalalay sa isang babae na hinuha niya ay siyang asawa nito. Hindi niya alam kung saan eksakto ang tungo ng mga ito. Napakamot siya ng ulo. Nauubusan na siya ng paraan kung paano malalapitan ang pamilya nito. Nag uusap sila ni Kennedy kaninja tungkol sa undercover mission ng task group na hawak ng mga ito.

Namataan daw si Gregory Lopez sa bar kamakailan kung saan naganap ang buy bust operation ng CIDG group kontra human trafficking at Illegal drug syndicate. Walang malinaw na detalye kung bakit nakita doon ang lalaki. Gen, suddenly looked at the television that she were left on. Isang late night news program iyon.

"Nagbigay na ng testimonya si Mr. Gregory Lopez ukol sa mga paratang sa kanya sa mga magkakaibang kasong kinasasangkutan ng pangalan niya. Matatandaan na isa siya sa sinasabinng suspek sa krimeng naganap apat na taon na ang nakakaraan. At ngayon ay pinagbibintangan siyang sangkot sa illegal na bentahan ng droga at tangkang pagpatay sa businessman na si Mr. Cain Sandoval. Narito ang kanyang pahayag."

Nakatuon lang ang mga mata ni Gen sa telebisyon habang nagsasalita ang News anchor. Maya-maya'y lumitaw ang mukha ni Gregory Lopez mula sa isang interview.

"This is too much for publicity. Matagal nang napatunayan na wala akong kinalaman sa nangyari four years ago. At ngayon ay inuugnay na anamn ang pangalan ko sa iba't ibang kaso. Yes, I was in the area when the buy bust operation happened. Pero dahil iyon sa may kameeting akong investor nang gabing iyon. It's an old friend so we decided to go out that night."

"And what about the attempted murder na sinampa sa inyo ni Mr. Sandoval? May katotohanan ho ba ang paratang na iyon sa inyo?" Tanong ng reporter.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon