Chapter Twenty-four

48.5K 1.2K 11
                                    

Chapter Twenty Four

Madilim ang mukhang lumapit si Cain kay Gen. Ilang oras palang siyang nawawala pero nayakap na ito ni Tobias agad agad. Nawala lang siya saglit dahil hindi na siya hiniwalayan ng kanyang ama at ipinakilala siya sa ibat ibang bisita nito na puro taga corporate industry. At para sa kanya, magandang pagkakataon iyon. Magkakaroon siya ng tsansa na makakuha ng marami pang investors kaya sinamantala niya. At isa pa. Alam niyang hindi ito maiinip dahil kasama nito ang asawa ni Lex at john. At pabalik na siya sa pwesto nito nang makita niyang kayakap nito si Tobias. Labis labis ang galit na nararamdaman niya.

Galit na hindi niya malaman , nankung para saan? Was he jealous? Palaging sinasabi ni tobias na off limit ang dalaga. Wag daw niyang pakialaman at layuan na lang daw niya.

Bakit ba hindi niya naisip noon palang na baka may gusto si Tobias dito kaya pinagbabawalan siyang lumapit sa dalaga? Papalapit na siya ng umalis si Tobias. Hindi siya napansin ng mga ito. Kaya ng makalapit siya. May paninibughong naramdaman ang puso niya. Bakit noong si Tobias ang kausap nito ay napakatamis ng ngiti. Pero nang siya na.. Bigla itong sumimangot.

"Bumalik ka pa!" Mataray na sabi nito habang nakahalukipkip. Nakatingin ito sa ilang magkakapareha sa dance floor.

"Bakit nakayakap si Tobias sa'yo?" Instead, he asked.

Muli itong umirap. "Eh ano naman sa'yo?"

"Ano baa talaga kayong dalawa?" Hindi niya napigilang itanong.

Umirap ito sa kanya. "Akala ko ba pinaimbestigahan mo ako? Eh mukhang hindi yata sinabi sayo ng imbestigador mo na magpinsan kami ni Tobias?"

Nagulat pa si Cain dahil sa sinabing iyon ni Gen sa kanya. Walang nabanggit si Tobias sa kanya na pinsan nito si Gen bukod sa palagi siyang pinalalayo ng kaibigan niya sa babae ay wala na siyang ibang alam na dahilan liban sab aka may gusto ito sa dalaga.

"H-How?" Takang tanong niya.

"Bakit interesado ka?" balik ttanong nito sa kanya.

"I just want to know."

Umikot ang mga mata ni Gen at saka siya hinarap. "Half sister ni General Ricardo Protacio ang Mommy ko. Mother side at Pinsan nila ang ama ni Tobias. So, second cousin naman kaming dalawa."

So, that's explain why Tobias was so protective pagdating sa dalaga. Because they're blood related. "I'm sorry. Kung ano ano ang inisip ko tungkol sayo." Aniya.

Tumitig naman si Gen sa kanya. "Bakit ano ba ang iniisip mo tungkol sakin?"

Dapat ba niang sabihin na iniisip niya nab aka tauhan ito ni Gregory at gulo ang dala nito sa kanya? "That there's something between the two of you."

Pumalatak ito. "Eh ubod pala ng dumi ang isip mo. Una yung kaibigan ko na si Kennedy pinag isipan mo ng di maganda. Ngayon pala si Tobias."

Hinawakan niya ito sa siko ng talikuan siya. "Hey, I did sorry for that. Hindi ko naman kasi alam." Depensa niya. Hindi naman talaga niya kasi alam na may koneksyon nga talaga ito sa kaibigan niya.

Hindi ito nagsalita. Bagkus tumingin ito sa relo nito. "Kailangan ko nang umuwi. Gumagabi na ng husto."

"Stay a night here. Bukas ka na umalis. I already asked somebody to get your car sa Clark." Hindi sumagot si Gen so he assumed na sang ayon ito. Nang humarap iito sa kanya ay nagkibit balikat lang.

They heard a song played at the background. "Wanna have a dance with me?"

Nakatingin lang ito sa kamay niyang nakalahad dito. Kaya kusa n aniyang kinuha ang kamay nito at hinila ito sa dance floor. Everybody has their pair. Even his parents are in the dance floor. He saw Abel dancing with a woman named, Sheine. This is the first time that Abel introduced someone to them. He was expecting him to invite Eloisa his constant companion these past few months. Pero gaya nga ng sinabi niya. Iba na ang kasama ng kapatid niya ngayon.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now