Chapter Sixteen

56K 1.4K 46
                                    


Chapter Sixteen

Cain stared at Gen's alluring face. Alam niya, he couldn't just ignore the attraction he felt to this woman. Pero hindi siya dapat na magpadaig doon. Gen came to his life unexpectedly. Biglaan at hindi niya alam kung saan nanggaling. Until the private investigator send an update tungkol dito. Isang pulis at nagtatago sa simpleng katauhan nito na hindi niya alam kung para saan. Base sa report, pansamantalang suspendido ito sa serbisyo. Lumaki sa San Fancisco at umuwi ng Pilipinas matapos na mamatay ng ina. Sabi ng imbestigador ay mag bibigay pa daw ito ng ibang detalye kapag may natuklasan pa daw itong iba tungkol sa babae. Sa ngayon, ang gusto niyang malaman ay sino ito at bakit simula nang makilala niya ito ay sunod sunod na ang nangyayari sa buhay niya.

May nabubuong hinala sa isip niya na baka tauhan ito ni Lopez at plinanta talaga sa buhay niya para magkaroon ng koneksyon sa kanya at malaman lahat ng ginagawa niya. Hinid siya tanga para hindi isipin na kasabwat ito ni Lopez. Natakasan nito ang batas noon dahil malakas ang koneksyon nito sa gobyerno at pulisya. Maging ngayon ay pupwede pa rin nitong gamitin ang mga yon para mapabagsak o mapatay siya. At ang una niyang gagawin ngayon ay tuklasin kung sino nga ba ito at ano ang pakay sa buhay niya.

Lumapat ang dalawang kamay nito sa dibdib niya at saka siya pilit na itinutulak palayo sa pintuan. "U-Umalis kana dito."

Ngumisi siiya. "How rude? Hindi mo pa nga ako man lang napapasok sa loob ngayon naman papalayasin mo na ako?" He said with a grin on his face.

"Dahil hinid ko alam kung ano ba ang kailangan mo?" Ani ng babae sa kanya.

Naaliw siya sa nakikitang iritasyon sa mga mata nito. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo kung ano ang kailangan mo sakin?"

Umiwas ito ng tingin sa kanya. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Oo pulis nga ako pero hindi ko naman na kailangan sabihin pa sayo yon!"

Ngumisi lang siya. "Try more harder. Baka mapaniwala mo na ako."

Hindi ito nakapagsalita bagkus tinitigan lang siya nito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa saka muling tumitig sa mga mata nito. The attraction is there. Pero hindi niya hahayaang mangibabaw iyon sa kanya. Nnag umatras si Gen ay saka niya nadama ang distansya dito na kanila lang ay kinakukulungan ng init na hindi niya alam kung saan nagmula.

"We'll talk again. At kapag nangyari iyon, dapat masagot mo na ang mga tanong ko. For the meantime, lock your door. Baka may makapasok pang iba." Cain said before he leave.

Nang makapasok si Cain sa loob ng sasakyan niya ay saka niya binalikan sa isip ang mga bagay na pwedeng maging dahilan ng pagsulpot ni Gen sa buhay niya. Nalaman niya kay Tobias na kilala nito ang babae. Sinabi ng kaibigan niya na si Gen ay isa sa mga nagpapart time job sa bar na pag aari nito at ni Abel na kapatid niya. Walang ibang binigay na detalye si Tobias sa kanya maliban sa natuklasan niyang anak anakan pala ito ni General Protacio na ninong naman niya. Saka siya napaisip, paanong hindi minsan nabanggit ng ninong niya na may anka anakan pala ito? At paano rin na hindi niya minsan man nakita ang babae na kasama nila General Protacio at asawa nito sa tuwing aattend sa bahay nila ng mga social functions and gatherings?

He texted the investigator to dig deeper para matuklasan pa niya ang iba tungkol kay Gen. Pero sa ngayon, ang focus niya ay nasa paghahanap ng mga bagong ebidensya para sa kaso ni Monica.

Huminga ng malalim si Gen habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Kamumulat lamang ng mga mata niya. Pero pakiramdam niya ay gabi pa rin at gusto pang pumikit ng mga mata niya. Nilingon niya ang alarm clock na nasa tabi ng kama niya. 7:00 am napabugtong hininga siya. Puyat na puyat siya nitong mga nagdaang gabi. Dahan dahan siyang bumangon at naginat. Lalakad sana siya papasok sa maliit na banyo na nasa loob ng silid niya nang makarinig siya ng mga kaluskos sa loob ng bahay niya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin