Chapter Seven

63.1K 1.5K 16
                                    

More than six persons in a row. Iyon ang nakita ni Gen after she gets back from the admission office. Lahat ay naghihintay sa sasabihin ng doctor. Cain was inside the operating room. Halos mag tatatlong oras na. Tumawag siya sa headquarter para sabihin ang nangyari. This case was very crucial. Conflicted ang lahat. Even the reason why Mr. Sandoval got Shoot and Run. Naging malaking pala isipan maging sa kanya ang totoong motibo ng salarin sa pag baril sa binata.

Isang malapad na kamay ang humila sa kanya.

"Ken." Kasama si Kennedy sa mga pulis na dumating.

Lumakad ito palayo sa pintuan ng operating room habang hila hila siya.

"Galing na kami sa crime scene, I just want to remind you na kasama ka sa kukunan ng statement tungkol dito. Mr. Renato Sandoval insists to go through all the possible reasons why they attempted to killed his son."

Tumango siya. Inaasahan na niya ito. Naroon siya ng barilin si Sandoval. At nakakaramdam siya ng matinding guilt dahil wala siyang nagawa para saklolohan ito.

"May suspect na ba sila?" Tanong niya.

Inabot ni Kennedy ang isang folder sa kanya. "His brother Abel gave that statement, posible na baka si Gregory Lopez daw ang may kagagawan nito sa kapatid niya. Pero wala pang matibay na ebidensya to release a warrant of arrest na magdidiin na siya nga ang utak nito. Baka gumaganti daw ang suspek dahil sa pambubugbog na ginawa ng biktima kamakailan lamang. Isa pa matindi ang rivalry sa pagitan ng dalawa."

She folded back the paper. "Gusto kong tumulong sa kaso."

Mariing umiling ito. "Ayan ka na naman. Makikialam ka na naman." Ani nito.

"Hindi ako matatahimik kung nakatanga lang ako. Isa pa nakita ko ang mga bumaril sa kanya. Siguro naman sapat na ang mga nakita ko para makapagsimula tayo ng imbestigasyon."

Kennedy shrugged. "Mr. Alejandro surrendered all the CCTV records na nakalagay sa labas ng club. We're just hoping that we could get some lead through all the footage." Tinitigan siya ni Kennedy. "Tigiln mo na ang pakikialam mo. Baka 'yan naman ang magpahamak sayo." Paalala nito sa kanya.

Mariin siyang umiling.

"No." Matigas niyang tugon.

What happened to Sandoval could be the reason why she has to pursue her will to get the justice for Claire lalo pa't si Gregory ang prime suspect nila.

"Makikialam at makikialam ako lalo pa't may kutob akong may kinalaman ito sa ipinaglalaban ko."

Kennedy sighed in resignation. "So stubborn. I'm warning you Gen. This is not your issue to meddle with. Stay out of this and let the official police to handle the case. Isa pa, hindi gusto ni General na makisawsaw ka pa dito."

They can't stop her. Gagawin niya ang gusto niya.

"Kilala mo ako Ken. Walang nakakapigil sa lahat ng gusto kong gawin." She said.

"Alam ko. Yang ugali mong 'yan ang palaging nagpapahamak sayo. You're doing anything that runs in your head. Kahit pa hindi mo pinagiisipang mabuti. Matalino ka. Sana gamitin mo 'yon sa tama." Nag paalam si Kennedy dahil tinawag ito ng isa sa mga imbestigador.

Muling bumalik ang tingin niya sa mga taong naghihintay sa labas ng operating room. Maya-maya'y lumabas ang doktor at mabilis na sumalubong ang pamilya ni Sandoval. They're all looked so worried and scared. At nang sabihin ng doktor ang resulta ng operasyon doon lang niya nakitang nakahinga ng maluwag ang lahat.

Sandali ay tila may mainit na palad ang dumampi sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng saya at pag asa.

Salamat sa Diyos. Ligtas na siya. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now