Chapter Twenty-two

49.7K 1.1K 6
                                    

Chapter Twenty Two

Hindi naisip ni Gen na hindi pala simpleng dinner ang pupuntahan nila. Dahil nakahimpil ang sasakyan na sinasakyan nila sa harap ng isang malaking bahay. Sa mismong bahay ng mga ito.

"Akala ko ba simpleng dinner lang? eh bakit parang fiesta sa bahay niyo?" Tanong niya habang kinakalas ang seatbelt niya.

Humarap si cain sa kanya. "It's just some family friends and relatives. Hindi kisng garbo ng inaasahan mo."

Bakit ano nga ba ang inaasahan niya? Sabagay mayaman ang mga ito hindi ba? Ang salitang simple sa kanila ay iba ang depinisyon. Nkaramdam siya ng alinlangan. Wala naman siyang kilala panigurado sa mga taong naroroon at hindi niya gutsong mag isip ang iba kyng sino siya at bakit magkasama silang dalawa. At isa pa may mas importante siyang bagay na dapat gawin ngayon.

Mukhang nabasa ni cain ang laman ng isip niya. "Kilala mo naman si Mom. Hayaan mo nalang ang mga makikita mong tao. Kung hindi mo sila kilala ayos lang. Hindi naman sila ang host ng party."

Lumabas ito ng sasakyan at saka siya pinagbuksan ng pinto at ginaya siya papasok sa malaking bakuran. Iba't ibang klase ng tao sa lipunan ang sumalubong sa kanila. Mga halatang sosyal at mayayaman. May ilang bumabati kay cain at ganoon na din sa kanya. Kaya nakaplaster na sa kanya ang isang simpleng ngiti. Mula sa kung saan ay may sumulpot na isang magkapareha.

"Bro!" Bati ng lalaking nakaakbay sa kasama nitong babae.

Nakipagkamay dito si cain at humalik naman sa pisngi ng babaing kasama nito.

"Lex!" Tukoy nito sa lalaki. "So how's the gorgeous Mrs. Vergara?" Pabiro ni cain na kinatawa naman ng babae.

"I'm pretty good, Cain." Npaka pleasant nang mukha ng babae.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo Sandoval?" Tatawa tawang sabi ng lalaking tinawag nitong lex.

Paimpleng dumikit si Cain sa kanya.

"She's Gen. Gen phoebe. My date and a friend."

The man named lex formed an "o" on his lips. Parang hindi makapaniwala. At ganoon din siya. Kailan pa sila naging magkaibigan? Napatingin siya kay Cain. Hindi niya kayang basahin ang nakikita niyang emosyon doon pero isa lang ang alam niya. Totoo ang kislap niyon at ang mga ngiti nito. Nagtataka siya sa nararamdaman niya. Bakit pakiramdam niya ay gustong umasa ng puso niya na totoo ang pinapakita nito at hindi guni guni lang niya.

"Gen This is Daphne.. Asawa ni lex." Sabi ni cain sa kanya. Lumapit sa kanya si Daphne at humalik sa pisngi niya.

"My pleasure to meet you phoebe.." Nakangiti si Daphne sa kanya kaya nahawa na din siya. Nagkakwentuhan pa silang lahat. Nalaman niyang kakasal lang pala ng dalawa.

Maya maya pa'y inakay na siya ni Cain papalapit sa mga magulang nito. Nanlalamig ang mga kamay niya at pakiramdam niya ay pinagpapawisan iyon. Nakakasama na niya ang Mommy ni Cain pero si Mr Sandoval ay hindi pa. Alam naman niyang mabait ang mga magulang nito. Kaya lang ang tagal na kasi niyang di nakikita ang Ginang kaya kinakabahan siya.

"Nakakapanibago ka. Kanina lang talak ka ng talak ngayon naman para kang nawalan ng dila." Puna ni Cain sa kanya.

Bakit ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Unang una hindi naman niya inaasahan na mapupunta siya dito. At pangalawa, wala sa plano niya na Makita siya ni Sandoval ngayong gabi.

Hindi pa sila ganap na nalakalapit sa lamesa ng mga magulang nito nang mabilis na tumayo ang isang may edad na babae at nakangiting lumapit sa kanila.

"Oh! My! Finally you're here na." Bati ng matanda kay cain matapos yakapin at pugpugin ng halik. "Oh my God Gen! I missed you." Agad na yumakap si Mrs Sandoval sa kanya.

"Sorry po. Ngayon lang ulit ako napadalaw." Nahihiyang tugon niya matapos siya nitong pakawalan.

Naramdaman niya ang presensya ng binata sa gilid niya.

"Busy lang siya masyado Mom. But Like what I promised to you. Dinala ko siya dito."

Tinapik nito sa balikat si Cain. "Good Job Son."

Ngumiti lang sa kanya si Mr. Sandoval. Hindi na siya nagtataka kung bakit ganoon ang lalaki. Halata naman kasi na mana dito si Cain.

"Come with me, hija." Ani ni Mrs Sandoval.

Pero akala niya doon lang natatapos ang lahat. Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya nito palayo kay cain at dalhin sa kumpol ng mga tao. Nilingon niya si Cain pero nalatalikod na ito. At may kausap nang isang lalaki. Hindi na nagprotesta pa si Gen nang akayin siya ng ginang patungo sa kumpol ng mga tao at ilang kababaihang nakita niya.

She even recognized the rumoured mistress of former senator arellano. Ngayon niya hindi dapat pagsisihan ang biglaang pagsulpot niya sa pagtitipon na ito. Everyone in the society are now here. Dominguez's Son, Martin who accused as one of the drug lord ng bansa ay nakita din niya.

"Talagang sumama ka sa Sandoval na 'yan?" Bahagya niyang nilayo sa tenga ang earphone nang bahagya ring lumakas ang tinig ni Kennedy mula sa kabilang linya.

Nangyari na ang nangyari. She was now here at the party na hindi niya inaasahan at wala sa plano. Nakalayo siya ng bahagya sa mga tao kaya Malaya niyang nakakusap si Kennedy. Binalita na nito ang natapos na raid sa bar kanina. Ayon dito, nasa kostodiya nan g pulisya ang mga nahuli sa loob ng club at sumasalang na sa interrogation ang mga kasangpakat doon.

"Lopez was also invited to the police office again. At nakapagbigay na ito ng testimonya." Bigay alam ni Kennedy.

"Nadetained ba siya?" tanog niya agad.

"Negative. Naroon lang daw siya sa lugar dahil kliyente niya ang katagpo niya doon. remember? Abogado siya Lopez at ang sinasabi niyang kausap niya ay anak ng kongresista na sangkot sa nakaraang anomaly sa isang proyekto ng gobyerno. At si Lopez ang kinuha nilang abogado."

Naitkom niya ang bibig. Bakit lahat nalang ay nalulusutan ni Lopez? Na para bang ang dali dali ng buhay para dito? Gusto nyang isipin nab aka nga wal anaman itong kinalaman at magpokus siya ng imbestigasyon kay Sandoval.

"Mabuti pa kaya ay umuwi kana. Gabing gabi na rin." Ani ni kennedy. "Kung bakit naman kasi sumulpot ang lalaking yan doon."

May mga konklusyon na naglalaro sa isip niya. "Paano kung maling tao ang ineimbestigahan mo?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kennedy.

"Kahit anong gawin ko wala akonaga makuhang ebidensya laban kay Lopez. Hindi kaya mas rapat na ifocus ko ang imbestigasyon kay Sandoval?" Aniya.

"Sigurado k aba dyan?"

"Kakalap lang ako ng ebidensya. At isa pa baka mas marami akong matuklasan sa gagawin kong ito. Magtiwal ka lang sakin ken." Aniya sa kaibigan.

Narinig niya ang pagbugtong hininga nito. "Basta mag iingat ka. Just give me a ring kung magkakaproblema ka."

Hinayaan niyang iapkilala siya ni Mrs. Sandoval sa mga amiga nito. Ang ilan ay naging magiliw ang pagtanggap sa kanya at ang ilan naman aya halata mong kaplastikan lamang ang pinapakitang pakikitungo sa knaya. Pinagkibit balikat na lang niya yon. Hindi iyon ang interes niya. At lalong wala sa kanila ang interes niya. Konti nalang at nararamdaman na niya na malapit na siya sa katotohanan lalo pa't unti unti na isyang nakakapasok sa mga buhay ng bawat isa. Sooner or later she will find the truth. At ginagawa niya ang lahat ng ito para sa katotohanan. Para kay Claire, For the sake of truth and for the sake of justice.

Saka muling napagawi ang mga mata niya sa direksyon ng ilan sa mga kalalakihan. And she saw cain. He was standing meter away. He definitely gorgeous in his tux paired with shiny black leather shoes. How come na ang ganitong klaseng pagkakataon s abuhay niya ay nakakramdam siya ng pinong kilig sa tuwing gagawi ang mga mata nito sa knaya at ngingitian siya? She's not supposed to feel this kind of feeling. Cain is an enemy. He's a murderer and she gonna proved it. And when it happens mamamatay ang kung anumang gumugulong pakiramdan na ito sa kanya. Parang saglit nakaramdam ng kirot sa dibdib niya ng isipin niya iyon. Bakit ba parang may mali sa nangyayari sa kanya? O mas tamang sabihin na may mali na sa sitwasyong pinasok niya?

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now