Chapter One

143K 2.6K 53
                                    

Chapter One

"Imposible ang gusto mong mangyari Gen." kumunot ang noo ni Gen dahil sa sinabi ni Kennedy mula sa kabilang linya.

"Gawan mo lang naman ng paraan, Ken." Ungot pa muli niya.

"I'm sorry, Gen. Baka malintikan ako kay General nito. Isa pa, nakabanned ka sa kasong 'yan. Remember what you did noong raid? Kung hindi namin namalayang nauna kana. Hindi din namin mamamalayang may tama ka na pala. Baka patayin na ko ni General sa susunod. Leave this case at magpahinga ka. Magbakasyon ka. Pumunta ka sa kung saan mo gustong pumunta." Naglapat ang mga labi niya. Mag iisip siya ng iba pang paraan. Kusa na niyang pinutol ang linya at tinanaw ang mahaharot na ilaw na tumatanglaw sa buong paligid. Eve's Garden isang night club na pag aari ng kaibigan niyang si Tobias. Niyuko niya ang blue slacks na suot at bahagyang iniunat ang puting blouse na kapares niyon.

"Gen Phoebe!"

Mabilis na isinilid ni Gen ang cellphone sa bulsa at humarap sa lalaking tumawag sa kanya.

"T-Toby!"

It was Tobias Alejandro. Ang may ari ng club. Maswerte siya na pumayag itong tumambay siya sa teritoryo nito.

"Hindi ba't off mo ngayon? Anong ginagawa mo dito?" may kunot sa noong tanong nito. Ang kulot nitong buhok ay bumagay pang lalo dahil sa suot nitong salamin sa mata. Nakiusap siya kay Tobias na kung maaari ay payagan siyang magpart-time dito. Pumayag din naman agad ito lalo pa't kulang ito sa mga tao ngayon. Sasamantalahin niya habang nakabakasyon siya. Magandang pagkakataon ito para gawin niya ang mga bagay na dapat niyang unahin gawin.

"Nagtatrabaho." Simpleng tugon niya.

Humalukipkip ito. Gwapo si Tobias. Matangkad at siya ang tipo ng lahat ng babae. Pero kahit siguro pagpantasyahan niya ito ay hindi siya nito mapapansin. Dahil mahal na mahal ni Tobias ang asawa niya. Asawa niyang matagal ng patay. Sandali ay nakaramdam na naman siya ng awa para dito. Alam niya kasi ang pakiramdam ng mamatayan. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng maahal sa buhay.Alam niya ang sakit na dulot niyon. Sakit na tila lason na papatay sa bawat ugat ng katawan mo hanggang sa pati ikaw ay bumigay na rin.

"Alam kong naboboring ka sa apartment mo kaya ka nandito. Pero off mo ngayon. Kaya hala! Uwi!" Iminuwestra nito ang kamay sa direksyon ng Exit door.

"Tobias!" Sumimangot siya. "Wala naman akong gagawin sa apartment eh. Dito nalang ako. At saka weekend ngayon, maraming customer kaya kakailanganin niyo ako." Bahagya niyang pinaamo ang mga mata at nilakapan ng pampaawa ang tinig. Simple lang naman ang trabaho niya. Umaasiste siya sa mga waitress.

Napahilamos ng mukha si Tobias. "Hindi pwede. Umuwi kana. Kapag nalaman ni Tito ito baka ipasara niyon ang negosyo ko." Tukoy nito sa Tatay niya.

May papalapit na babae sa kanila na may unipormeng gaya ng sa kanya.

"Sir, nandyan na po sina Sir Cain. Hinahanap po kayo."

Tumingin siya kay Sheyne. Binigkas nito ang pangalan ng taong hinihintay niya. Humarap muli si Tobias sa kanya.

"Haharapin ko lang sila at babalikan kita. Ako na ang maghahatid sayo pauwi. Naiintindihan mo?"

Wala sa sariling napatango siya.

Cain. Cain Sandoval.

Kumuyom ang mga kamao niya. Suspect si Cain sa pagkamatay ni Claire. Sa pagkamatay ng kapatid niya.

"Hoy!"

Napapitlag siya ng humawak si Sheyne sa balikat niya. "Tulala lang?"

Tumingin siya dito. Sa tatlong araw na pananatili niya dito sa Club. Si Sheyne ang unang nakagaanan niya ng loob. Mabait kasi ito.

"Si...Si Mr. Sandoval, 'yung kaibigan ni Sir Alejandro. Madalas ba siya dito?"

Tumango si Sheyne.

"Hindi naman. Pero napunta 'yon dito. At saka, tahimik kasi 'yon di gaya ng iba nilang mga kaibigan. Palaging nakakunot ang noo at 'kala mo laging galit."

"Nakakausap mo siya?" Binagay niya ang tono sa paraan na tila interesado lang siya sa tsismis.

Umiling si Sheyne. "Hindi. Mailap kasi 'yon." Tinitigan siya nito. "Bakit parang interesado ka kay Sir Cain? Bruha crush mo ano?"

Bago pa man siya muling makasagot ay tumanaw na ito sa paligid bago nagpaalam sa kanya.

"D'yan kana ha. May trabaho pa ako eh."

Gusto ko rin palang ipakilala sa'yo si Cain. Graduating na siya ng college, Ate. Mabait siya at maaalalahanin. Parang si Papa. Sigurado ako magkakasundo kayo. Sa Maynila siya nag aaral pero nandito ang pamilya niya. Excited na 'ko na makilala mo siya. Marami akong ikukwento sayo tungkol sa kanya. Alam ko excited ka din.

Iyon ang huling natatandaan niya sa huling sulat ni Claire sa kanya noon. Sa pictures lamang niya nakita si Cain Sandoval. Anak ng kilalang negosyante at galing sa mayamang angkan. Hindi niya alam kung ano ang naging eksaktong koneksyon nito sa kapatid niya. Basta ang alam lang niya ay naging nobyo ni Claire ang binata. Hustisya ang kailangan niya. Hustisya ang gusto niya.

Kumaliwa siya pabalik sa service area at dumaan doon paakyat sa Deck. Doon niya alam na nagtungo ang mga kaibigan ni Tobias. Sumulyap siya sa paligid. VIP area ang lugar. At kung may kailangan man ang mga VIP na naroroon ay may umaasiste sa kanilang staff. Mula sa aluminum glass wall na siyang naging room partition para sa apat na VIP lounge kung saan soundproof iyon ay natanaw niya si Tobias. Nakaupo ito sa isang leather seat at nakade-kwatro. Sa tabi nito ay ang lalaking siyang siya ng lalaking nasa litrato kasama ng Folder na kinuha niya sa opisina ng NBI investigator. Ang makapal nitong kilay ay mas tila naging itim pa dahil sa pagkakakunot niyon. Pero ganunpaman hindi iyon nakabawas sa karismang dala nito. Bagkus, tila mas nakahahatak pa iyon.

Cain Sandoval, mas gwapo ka pala sa personal. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now