Chapter Twelve

59.1K 1.4K 28
                                    


Chapter Twelve

Gen slowly rolled down the glass window of her old Chevrolet cruze. Kanina pa siya nakahinto sa tapat nang mansion ni Gregory Lopez sa San Simon pero kahit anino nito ay hindi pa niya nakikita. Tila naging mailap din sa kanya ang ilang impormasyon na pwede mang galing sa loob ng bahay dahil miski ang mga gwardiya sa labas ay tipid ang mga sagot sa kanya. Sinubukan niya ring magmasid sa paligid pa pero malapit nang magtanghali pero magpahaggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang napapala.

"Gregory Lopez was married to Shane Montalvo." Ani ni Kennedy habang nag uusap sila via video call pasado alas nuwebe na ng gabi.

"So where's his wife now?" Tanong niya pa. Kennedy provides some info na ngayon ay piniprint na niya.

"Manitoba."

Namilog ang mga mata niya. "Anong ginagawa ng asawa niya doon? Hiwalay na sila?"

Umiling si Kennedy. "Hindi eksaktong ganoon ang balita pero base sa mga nakalap ko. Nagtatago si Mrs. Lopez mula sa asawa niya. Nangyari daw iyon mula nang mamatay ang kapatid mo."

Natigilan siya. Saka siya napaisip na posibleng makakuha siya ng sagot mismo sa asawa ni Gregory Lopez. "Kung ganoon si Mrs. Lopez ang kailangan kong unang Makita. Baka masasagot niya ang mga tanong ko."

"Pero wala pa akong nakukuhang ibang detalye kung nasaan na nga ba talaga si Mrs. Lopez. Kung nasa Manitoba pa nga ba talaga ito o wala na."

"How do you mean?"

"Paano kung nagpapalipat lipat na pala siya ng bansa para magtago? Saan ka ngayon mag uumpisa maghanap?" Ani ni Kennedy.

Naisip na rin niya iyon. Pero malaaman lang niya ang mtotoo kung hinid niya susubukang maghanap.

"Don't tell me na balak mong pumunta ng Manitoba para lang hanapin ang Runaway wife ni Gregory Lopez?" Tanong ni Kennedy kay Gen. Hindi naman umimik ang dalaga. Si Mrs. Lopez ang susi sa lahat ng tanong niya tungkol sa envolvement ni Gregory sa pagkamatay ni Claire gayun na din sa tangkang pagpatay kay Mr. Sandoval.

Gen looked back at the gate. May kanina lang na gwardiya na umikot doon pagkatapos ay pumasok muli sa loob ng bakuran. Kung tama ang sinabi ni kennedy na asa ibang bansa ang asawa ni Gregory Lopez, wala sa mansion na ito ang sagot sa mga tanong niya.

Mag iisisp siya ng panibagong paraan. Hindi pwede na wala siyang gawin. Akma na siyang lalayo sa gate nang maulingan niya ang tinig ng mga tao doon. sumiksik siya sa isang poste na tingin niya ay di mahahagip ng surveillance camera malapit doon saka pintalas ang pandinig.

"Tumawag si Boss. Nasa airport na daw sila. Maya maya lang nandito na ang mga iyon." Dinig niyang sabi ng isang lalaki na nasa loob.

Ang boss marahil na tinutukoy nito ay walang iba kung di si Gregory Lopez.

May isa pang nagsalita muli. "Paano kapag nandito na ang Misis niya? Baka lumayas ulit iyon?"

Aiport? Misis? Kasama na ni Gregory Lopez ang asawa nito.

"Sabihan niyo ang mga katulong na ihanda na ang kwarto nila. Ano mang oras ay narito na sila."

Lumayo ang mga pag uusap kaya lumayo na rin siya. Bumalik siya sa loob ng kanyang sasakyan at saka tinawagan si Kennedy.

"I knew where he is."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon