Chapter Twenty

51.9K 1.3K 38
                                    

Chapter Twenty

Nagpupuyos pa rin sa galit si Gen nang makauwi siya sa apartment niya buhat sa opisina ni Cain. Hindi niya matanggap na sinigawan siya nito ng ganun ganun lang. Inis na inis siya na akala mo may ginawa siyang mali sa pagpunta doon. Kapag nga ito. Basta basta nalang napasok sa bahay niya. Pero siya? Grabe!

"Ikaw? Ba't nandito ka? Sinabi ko bang pumunta ka?" Tila galit ito at galing sa loob ng bulkan. Pero mas galit siya dahil sa inasta nito.

Sinabi naman ni Mona sa kanya. Sekretarya nito na mainit ang ulo ng amo nito. Pero hindi niya inaasahan na pati siya ay pagbubuntunan.

"Pasensya kana señorito. Isinuot mo kasi ang tsinelas ko kaya inihatid ko ang naiwan mong sapatos sa bahay!" Sarkastikong sabi niya.

Tumikom ang bibig nito at saka niya ibinato ang bitbit niyang paper bag sa dibdib nito. Nang tumalikod siya ay saka naman ito humabol sa kanya.

"Gen sandali! I didn't mean to ---."

Itinaas niya ang isang kamay at sinabing, "Fuck you ka!"

Handa na siyang ibato sa dingding ang nahagip niyang vase nang may matanggap siyang mensahe mula kay Kennedy. Nakapatong kasi sa table kung saan nakalagay ang vase nang damputin niya kaya nakita niya agad ang pangalan ni Kennedy nang magpopped up ang message nito.

May nakuha kaming tip galing sa intel. May magaganap na illegal drug transaction sa isang night club sa clark mamayang gabi. Walang eksaktong oras pero nakahanda na ang task force para sa drug raid.

Agad niyang dinayal ang numero ni Kennedy nang mabasa nag kabuuan ng mensahe nito. Tatlong ring bago may sumagot sa kabilang linya.

"I got your message," Aniya agad.

"Malapit ang club sa isang factory warehouse ni Gregory Lopez. Binigyan kita ng tip dahil baka ito na ang hinhintay mong sagot. Baka matatagpuan mo sa akto si Lopez." Deretsong sabi nio Kennedy kay Gen. "Positive din ang report na may mga kabataang nagpupunta doon. pare parehong mga menor de edad."

"Copy." Sabi niya. "Ken, I owe you a lot." Sinsero niyang sabi sa kaibigan.

"I just wanna help. At gusto ko na rin atahimik ang kalooban mo. I know you've been dying to know who really killed your sister."

May nangilid na luha sa gilid ng mga mata niya. She felt the sincerity. The genuine heart. Bigla ay naalala niya ang mga pagtatapat nito noon sa kanya. "K-Ken, I hope you're not doing this to---."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kaibigan. "I know how you feel, Gen. At alam mo na hinding hindi ko ipipilit ang sarili ko sa isang tao."

"I know. I'm sorry about that. Ayoko lang na isipin mo na sinasamantala ko ang nararamdaman mo para lang matulungan ako." Pag amin niya.

"I don't feel that way. At isa pa, I'm all doing these para sa hustisyang pinaglalaban mo. Matagal na ang pinagsamahan natin at nakita ko ang eagerness mo na malamn ang totoo at karapatan mo 'yon bilang tao na nawalan ng minamahal."

Upon remembering her mother and her sister. Alam niya nakaukit pa rin sa puso niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga ito sa buhay niya. And time would never be enough to cover all the things that caused her so much pain.

Pinahid niya ang butyl ng luha na naglandas sa mga mata niya. "Ayoko lang na isipin mo na gingamit ko ang pagkakataon na ito para makuha ko ang gusto ko. Alam o naman na hindi mo kailangan itaya ang propesyon at reputasyon mo para lang sa ipinaglalaban ko."

Alam niya ang mangyayari kapag nalaman ng pulisya ang ginagawa nila ni Kennedy. Nilileaked sa kanya ng kaibigan ang lahat ng kompidensyal na impormasyon sa kaso at kumikilos siya mag isa. Maaring mawala sila sa serbisyo kapag nagkataon. "Hayaan mo lang ako na tulungan ka. Basta palagi ka lang mag iingat."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon