Chapter Four

75K 1.8K 39
                                    

Chapter Four

Sumaludo kay Gen ang mga pulis na nakakasalubong niya sa loob ng CIDG Headquarters. Ang ilan ay nagtataka sa biglaan pagdating niya.

"Hija! Anong ginagawa ko dito?" Bati sa kanya ni Sgt. Leonardo Pascual.

Mabilis siyang sumaludo dito at saka hinalikan ito sa pisngi.

"Napadaan lang po Tito. Pupuntahan ko lang po si Tatay." Tukoy niya kay General Protacio. Matalik na kaibigan ng Tatay niya si Sgt. Pascual, sa katunayan ito ang unang bumati sa kanya ng tanggapin siyang bagong miyembro ng CIDG.

Tumango tango ito.

"I see. Nakita ko may kausap pa siya kanina. But i guess nakaalis na iyon."

Ngumiti siya. "Hindi po kasi alam ni Tatay na darating ako." Sabay kamot sa batok. Natawa ito sa kanya.

"Hindi ka na talaga nagbagong bata ka. Mahilig ka parin sa sorpresa." Natawa rin siya.

Sumulyap ito sa relong pambisig na suot nito at saka nagpaalam sa kanya.

"I have to go hija. Hinihintay na ako ng Tita Mabel mo." Tukoy nito sa misis nito.

Tinapik siya nito sa balikat at saka lumabas ng headquarters. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang ilang folder na dala nito na nakaipit sa bandang kili-kili nito.

Kailan pa siya nag uwi ng trabaho? Takang tanong niya sa sarili. Pinagkibit balikat nalang niya iyon at saka pumasok sa opisina ni General Ricardo Protacio.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at saka dahan dahan pumasok. Hindi pa siya nakakahakbang ng magsalita ito.

"Anong ginagawa mo dito Genina?" Napangiwi siya sa biglaang pagsasalita nito. Nakayuko ito sa mga papeles na binabasa nito pero alam na alam nito na siya ang dumating.

"Tatay talaga! Kabisado mo na ang amoy ko." Natatawa siyang lumapit dito at saka ito niyakap. Ito nalang ang natitirang pamilyang alam niyang nagmamahal sa kanya. Na kayang ialay kahit ang buhay para lang maligtas siya.

"Diba nakabakasyon ka? Bakit narito ka?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya. Umupo muna siya sa upuan sa harap ng lamesa nito at saka ipinatong ang dalang paperbag.

"Masama po bang dalhan ko ng pag kain ang Tatay ko?" Malambing niyang tanong habang isa isang inilalabas ang bawat microwavable plastic container na laman ng bag. Nagluto siya ng paborito nitong ulam. Paborito nito ang sinampalukang manok na may sawsawang patis at sili.

"I know you Genina. You're not going to visit me kung wala kang kailangan." Deretsong sabi nito.

This old man used to call her Genina, pangalan ng kanyang yumaong ina. Brenda Genina Smith. Magkamukha kasi sila ng nanay niya kaya hindi maiwasan na tawagin siya nito sa ganoong pangalan though given na ang pangalan niya ay Gen. Matapos mamatay ng kanyang ina ay nagdesisyon siyang sumama sa tatay niya dito sa pilipinas ay dito na rin niya ipinagpatuloy ang buhay. Ito rin ang naging impluwensya niya kung bakit nasa PNP siya ngayon. Malaki kasi ang respeto at pag galang niya dito. Kaya naman naging inspirasyon niya ito para maging isang mahusay na pulis. Hanggang sa namatay si Claire. Mas naging pursigido siyang maging pulis. Simula ng mamatay ang kapatid niya at sumunod ang ina nito. Tita Vanessa died right after Claire's interment.

Hindi kinaya ng yumaong Ginang ang nangyari sa anak nito kaya ganoon nalang ang depresyong dumapo dito para igupo siya hanggang sa kamatayan. Tuluyan na siyang kinupkop ni General Protacio kahit pa sa palagay niya'y kaya na niyang mamuhay mag isa. Ginabayan at tinulungan siya nito. Naging masasakitin ang Daddy niya, sanhi na marahil ng sunod sunod na dagok sa buhay nito. Marahil ay hindi nito kinayang tanggapin na ang pinakamamahal nitong si Claire ay nawala ditto ng ganoon lamang maging ang asawa nito. Maswerte na rin siguro siyang matatawag dahil sa kabila ng kakulangan ng kanyang totoong ama aymay tao naman na pilit pinupunan ang kakulangan nito sa kanya. At nariyan nga si General Protacio para sa kanya.

"Tay' gusto lang talaga kitang bisitahin. Besides ayaw mo bang makita ang napakaganda mong anak?" Pagbibiro niya na kinahalakhak naman nito ng totoo.

"Napakamabiro mo talaga!" Tawa pa rin ito ng tawa.

Wala itong anak kahit isa. Ang Tita Melba niya na asawa nito ay hindi magkaanak. Dahil sa naging komplikasyon nito noon. Kaya naman aaminin niya na napakasaya niya dahil napapasaya niya ang mag asawa. Doon man lamang ay makabawi siya sa ginawa ng mga ito para sa kanya sa simpleng pagpapasaya sa mga ito. Nagpaalam sandali ang tatay niya dahil pupunta lamang daw ito saglit sa Comfort Room. Tumango lang siya at inayos ang table nito para makakain na sila. Hinawi niya ang ilan sa mga papel na naroon ng mapadako ang mata niya sa isang folder.

May label iyon sa baba na confidential. Dala ng kuryosidad niya. Pinakialaman niya ang nasabing papel. Bumaha ng samo't saring impormasyon doon. Pero nakahatak ng mga mata niya ang pangalang bumungad sa kanya.

Monica Claire Delos Reyes

Claire? May muling nagbubukas ng kaso mo? Piping saad niya.

Ang huling alam niyang kasong hawak ng tatay niya ay ang tungkol sa malaking illegal drugs syndicate na pakalat kalat daw ngayon. Doon din siya nakakalap ng lead sa sa kasong tungkol kay Claire dahil sa magkakakonektadong detalye tungkol kay Gregory Lopez. Isa din sa suspek sa pagkamatay ng kapatid niya. Kaya siya nagpasok sa kung saan saan bar ay dahil umaasa siya na malalaman niya ang totoong dahilan ng pagkamatay nito. Kung ang nobyo ba nito o si Gregory Lopez ang may pakana ng lahat?

Pero ano itong bumulaga sa kanya? Hindi niya alam kung sino ang gustong bumuhay ng kaso ni Claire. Bumaba ang mata niya sa hanay ng mga papel at saka niya nakita ang pamilyar na pangalan. Hanggang sa mabasa niya ay partikular na statement. At may lagda iyon.

Cain Sandoval. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon